*Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!*
Nakakailang ring na ang alarm clock ni Kath pero ayaw niya padin bumangon sa kinahihigaan niya.
*Kriiiiing! Kriiiiing!*
Pinatay niya na ang alarm clock niya at tumayo na siya.
Nang mapatingin siya sa orasan..
"What daaaa?! 6:50 na ?! Nakuuu ! Mala-late na ako !"
Agad tumakbo si Kath sa banyo para maligo at pagtapos, nagbihis na agad ito. Kinuha niya na ang mga gamit niya at agad nang bumaba.
"Anak, kumain kana. Nakahanda na ang almusal mo." sabi ng nanay niya.
"Naku , Ma. hindi na po ako kakain , mala-late na po kasi talaga ako. Sige Ma, alis na po ako." nagmamadaling sabi ni Kath. At agad na siyang umalis.
Pagdating niya sa school ay wala na ngang mga estudyante sa labas, kaya siguradong late na nga siya. Pagka-pasok niya sa classroom nila ay saktong nandun si Mrs. Violet. Ang terror na Math teacher nila. Si Mrs. Violet ay byuda. Wala pa siyang nagiging anak kaya ganun siya kasungit lalo na sa mga bata.
Siya ang kinakatakutan ng mga estudyante sa St. Edward Academy.
"Ms. Reeve."
"Yes, ma'am?"
"Bakit ngayon ka lang?"
"Dumating sa buhay kooooo!"
Nagtawanan ang mga estudyante dahil sa maagang pag jo-joke nito.
"Ms. Reeve! Namimilosopo ka pa ! I said Why are you late ?"
"Ma'am Sorry, Na-late lang po ako ng gising."
"Okay. Go to your seat.. Ayoko na mala-late ka ulit. Lalo na sa time ko." sabi ni Mrs. Violet habang nakatingin kay Kath ng masama.
"Yes, ma'am."
Pumunta si Kath sa kanyang upuan ng nakayuko. At nagpatuloy na si Mrs. Violet sa pagdi-discuss. Nakita niya ang bestfriend niya na si Andre at doon siya umupo sa tabi nito.
Si Andre ay kababata niya. Super Close nila sa isa't isa dahil close din ang mga magulang nila. Lagi din silang parehas ng school. Simula Kinder, Preparatory, Elementary at ngayong Highschool ay magkasama padin sila.
"Andre naman, di mo ako sinundo samin kanina?"
"Sorry Kath, pinagmamadali din kasi ako ni Mama. Mas excited pa nga sya sa pagpasok ko."
"Na-late nga kasi tuloy ako. Ikaw kasi eh!"
"Sorry pooo."
Nagtawanan silang dalawa. At biglang narinig sila ni Mrs. Violet. Tinitigan nito sina Kath at Andre at pinatayo.
"Ms. Reeve and Mr Chandler! Anong ginagawa niyo while I'm discussing here. Nagdadaldalan lang kayo! Hindi kayo nakikinig." galit na sabi ni Mrs. Violet
"Uhm..Eh..Ma'am" wala nang ibang masabi sina Kath at Andre. Kaya nagalit lalo si Mrs. Violet.
"Lumabas kayo dalawa sa room, Now!"
"Yes, ma'am."
Lumabas sina Andre at Kath. Paglabas nila ay tuwang-tuwa sila. Para silang nakalabas ng bilangguan. Dahil sa wala silang magawa, nagpa-lakad-lakad nalang sila sa buong campus habang nagkukuwentuhan. Habang naglalakad sila ay may narinig silang tunog na malapit sakanila.
"Narinig mo ba yun? A-ano yun?!"
"Hehe!, kasi.. g-gutom na ako."
"Ah! Ikaw lang pala yun. Tara kain tayo? Libre ko."
YOU ARE READING
I fell in love with my best friend ♡♥♡
Teen FictionAko si Kath Reeve. Isa akong estudyante sa St. Edward Academy. 1st year student ako. Purity Section. Transferee lang ako at kasama ko pumasok doon ang bestfriend ko na si Andre Chandler . Gusto kong i-share ang story ko na nagkagusto ako sa isang ba...