6:20
Gising na si Kath. Nakabihis na siya ng uniform niya. Bumaba siya para kumain.
"February 14 naa! Excited na ako sa date na namin ni James mamaya!"
Pagkababa niya bigla niyang naalala si Andre. Kaya nagtataka siya kung bakit wala padin si Andre.
"Ma, hindi padin ba dumadating si Andre?"
"Wala pa nak eh."
"Sige po. Papasok na po ako"
"Sige, Ingat."
Pumasok na agad si Kath at hindi niya na hinintay si Andre. Pagdating niya sa school, nakita niya ulit si James at nagkasalubong sila.
"Kath! Mamaya ha?"
"Oh, sure."
At kinindatan siya ni James. Pagka-alis ni James ay nagtatatalon siya sa tuwa. Kaya pumunta muna siya sa canteen para tignan kung nandoon nga si Andre. At nakita niya ito.
"Andre!"
Lumingon si Andre kay Kath.
"Kath, sorry hindi kita nasundo."
"Ok lang. Tekaa, Bakit matamlay ka ata? May sakit ka ba?"
Hinawakan ni Kath si Andre. At pagkahawak niya ay mainit si Andre.
"Andre. Ang init mo. Bakit pumasok ka pa?"
"Kasi diba may pupuntahan pa tayo mamaya? mamamasyal tayo diba?"
"Hala!"
Biglang nagulat si Kath. Nakalimutan niya na
may lakad din pala sila ni Andre. Mamayang uwian may lakad din sila ni James.
"Bakit Kath?"
"Wala." sagot ni Kath na kinakabahan
Pumasok na sila sa klase nila. Hanggang sa matapos ulit ang klase nila ay nag-uwian na
sila. Hindi padin alam ni Kath ang gagawin
niya.
"Tara na Kath."
"Sige, tara na"
Sa isip ni Kath, sana hindi pa maglabasan ang 1st year Godliness para di siya makita ni James. Hinila niya na si Andre palabas. Ang hindi niya alam, naghihintay na pala si James sa may gate.
"Ui Kath!"
"James?!"
"Ano? Tara na?"
Nagulat naman si Andre. Nagtaka siya kaya tinanong niya si James.
"Bakit James? May pupuntahan ba kayo ni Kath?"
"Oo, nag-usap na kami kagabi at pumayag siya."
"Ah. Pero ang alam ko nauna ako eh."
"Ako ang nauna!"
"James! Andre! Tama na nga." sinigawan ni Kath ang dalawa.
"Sige na Kath. Kay James ka nalang muna sumama. Okay na ako. Uuwi nalang ako."
"Andre!"
Hinayaan na ni Andre si Kath na sumama kay
James. Umuwi nalang si Andre nang malungkot. Sumama nalang din si Kath kay James at nagpunta sila sa park.
Nang makarating na sila sa park, nakita ni Kath sa may bench ang isang bouquet flower, chocolates at isang malaking teddy bear.
"Kath, Happy Valentines Day!"
"Para sakin 'to?"
"Oo Kath. May itatanong sana ako?"
"Pwede ba akong manligaw?"
"Manligaw? Ahm.. Sure!"
"Thanks, Kath"
"Thank you din dito James ha."
"Wala yun."
Pagkatapos noon, ay hinatid na ni James si Kath sa bahay nila. Pagdating nila sa gate ng bahay nila Kath..
"Thanks ulit James"
"Wala yun. I love you"
"Ha?"
"Sabi ko, I love you!"
"Ah. Sige pasok na ako ha?"
"Sige. Bye"
Pumasok na si Kath at umalis nadin si James.
Pagkapasok ni Kath ay sobra siyang kinilig at
sinabihan din siya ni James ng 'I love you".
Pumasok na siya sa loob ng bahay nila at nakita niyang madilim. Pagkapasok niya biglang may music na tumunog na romantic ang dating.
Pagkabukas ng ilaw nakita niya, may dalawang upuan at lamesa na may mga hearts sa paligid na pang-date.
Nakita niyang lumabas si Andre. Nakaporma.
Ang pogi niya at naka tuxedo pa. Lumapit si Andre kay Kath. Nakita niya si Kath na may
hawak na flowers, teddy bear at chocolates.
"Kanino galing yan Kath?"
"Ah, kay James."
"Ang panget naman."
Kaya kinuha ni Andre ang mga iyon at inihagis sa tabi. Kinuha niya ang kamay ni Kath at dinala niya ito sa upuan at pinaupo. Hanggang sa di-nate na nga siya ni Andre.
"Kath, Happy Valentines Day! Eto oh, favorite mong chocolate at teddy bear. Kath, kahit yan lang ang kaya kong ibigay sa'yo, maipapangako ko naman na kapag naging akin ka, ibibigay ko buong puso ko sa'yo. Kaya Kath, pwede ba akong manligaw?"
"Andre. Sorry ha. Bestfriend lang kasi kita. At hanggang doon lang yun."
"Kung hindi mo man ako kayang tanggapin ngayon, maghihintay padin ako. Mahal kita Kath."
Naghiyawan naman ang nanay at kapatid ni Kath na nanonood pala sakanila sa may gilid nila.
Nagpasalamat nalang ulit si Kath sa binigay ni Andre at kinuha ulit ni Kath yung mga binigay sakanya ni James at umakyat na siya sa kwarto niya. Umuwi na din si Andre pagkatapos niyang mag-ayos. Habang naglakad si Andre pauwi, tumulo ang luha niya.
"Kaya ko 'to. Hindi ako susuko sa'yo Kath."
At si Kath, iniisip padin ang sinabi sakanya ni James at iniisip niya din kung kailan niya sasagutin si James.
Ano na kayang mangyayari sa mag-bestfriend? At sasagutin na kaya ni Kath si James?
YOU ARE READING
I fell in love with my best friend ♡♥♡
Teen FictionAko si Kath Reeve. Isa akong estudyante sa St. Edward Academy. 1st year student ako. Purity Section. Transferee lang ako at kasama ko pumasok doon ang bestfriend ko na si Andre Chandler . Gusto kong i-share ang story ko na nagkagusto ako sa isang ba...