CHAPTER SIX ~ New Day

9 0 0
                                    

Umaga nanaman at pasukan na. It's Fridaaaaay! Nakakaganang bumangon kapag alam mong Friday. Kaya bumangon na si Kath and as usual nag-ayos ng kama, naligo, nagbihis at kumain.

Maayos na din ang pakiramdam ni Andre kaya't sinundo niya na si Kath sakanila.

"Andre, nandiyan ka na pala."

"Oo kath, Tara na?"

"Teka lang, papaalam lang ako kay Mama."

Pagkatapos magpaalam ni Kath sa Mama niya, ay umalis na sila ni Andre ng bahay. Paglabas nila nakita nila si James na nakatayo sa may gate.

"James, nandiyan ka pala di ka man lang nag-doorbell."

"Hindi, hinihintay lang kita para sabay na tayo pumasok."

"Edi sabay-sabay nalang tayo pumasok." sabi ni Andre.

"Oo nga, sabay na tayo. Tara na Kath." sagot naman ni James at sabay na inakbayan si Kath at diretsong naglakad.

Sumunod nalang si Andre at mukhang inis na inis kay James na para bang gusto niya nang bugbugin ito.

Habang naglalakad ang tatlo, si James ay naka-akbay padin kay Kath at si Andre ay nakasunod sa kanila at pinapanuod ang dalawa.

Habang magka-akbay ang dalawa , hinalikan ni James si Kath sa noo at nakipag-nose to nose ito. Nakita naman ito ni Andre kaya lalo siyang nagselos. Sa sobrang inis niya binilisan niya nalang ang lakad.

"Ahm, Kath mauna na ako ha." dumiretso lang siya sa paglalakad.

"Andre, teka!" tinawag ni Kath si Andre pero hindi na ito lumingon sakanya.

"Hayaan mo na siya baby." sabi naman ni James kay Kath.

Kaya hinayaan nalang ni Kath si Andre. Nang makarating na sila sa school nila, nakita nila si Andre na nakaupo sa may bench. Kaya naghiwalay nadin sina Kath at pumunta na si James sa room niya at si Kath naman pinuntahan si Andre.

"Andre, Ok ka lang?"

"Ako? Oo naman. Pasok na tayo sa room?"

"Punta muna tayo sa canteen. Nagugutom ako eh."

"Sige."

Pumunta na ang dalawa para kumain. Pagdating nila sa canteen nakita ni Kath si James na may kaakbay na ibang babae at nakaupo sila  kasama ang mga tropa ni James.

Nilapitan ni Kath sila James. Nagulat si James at bigla itong bumitaw sa isang babae na kilalang si Nicole.

Si Nicole ay matangkad, chinita, maputi at maganda. Madaming nagkakagusto dito. Mayaman siya dahil ang mga magulang niya ay nasa abroad.

Tumayo bigla si James at inaasar naman siya ng mga tropa niya.

"Lagot ka James."

"Yan yung pinagpustahan natin diba" sabi ng isa sa mga tropa niya.

Kaya't walang nagawa si Kath kundi umiyak kaya tumakbo nalang siya paalis. At sinuntok naman ni Andre si James at sinipa.

"Hindi pa tayo tapos, James." sabi ni Andre na galit na galit. Pagkatapos ay sinundan niya na si Kath.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 04, 2014 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

I fell in love with my best friend ♡♥♡Onde histórias criam vida. Descubra agora