Pumasok na sila Kath at James sa loob ng bahay nila Kath. Pagpasok nila, biglang nagulat si Kath dahil nakita niya si Andre na nakaupo sa sala nila.
"Kath."
"Andre?! Anong ginagawa mo dito?"
"Wala. Hinintay lang kita. Hmm, kasama mo pala si James."
"Ah, Oo."
Mukhang disappointed nanaman si Andre dahil nakita niya na magkasama si Kath at James. Pumasok na sila sa loob.
"James, upo ka muna."
"Sige, salamat baby."
Biglang parang may bumara sa tenga ni Andre. Nagulat siya sa sinabi ni James dahil tinawag niya si Kath ng 'Baby'. Hindi nalang umimik si Andre dahil baka trip lang yun ni James.
"Ma!." tinawag ni Kath yung Mama niya mula sa itaas.
"Bakit nak!"
"Baba ka po muna, Ma!!"
Bumaba na ang Mama ni Kath na pawisan dahil may inaayos ito sa itaas. Kasama nitong bumaba ang kuya ni Kath.
"Aba, may bisita pala tayo."
"Ma, si James nga po pala."
Tumayo si James sa kinauupuan niya at nakipag shake hands sa Mama ni Kath.
"Magandang Hapon po."
"Magandang Hapon din Iho. Kaibigan ka ni Kath?"
"Ma, boyfriend ko po siya."
Nagulat si Andre sa narinig niya at hindi na napigilang sumingit sa usapan.
"Ano?! Boyfriend?!" pasigaw na sabi ni Andre.
"Oo Andre. Kami na." pangiting sabi ni Kath.
"Kailan pa?!" sagot naman ni Andre na halos mapaiyak na hindi malaman.
"Kanina lang." pasingit na sagot ni James.
Tumitig si Andre kay Kath saglit, pagtapos ay tumingin ito sa Mama ni Kath sabay tumulo ang luha ni Andre at biglang lumabas at sinundan naman ng kuya ni Kath si Andre.
Nagkatinginan nalang ang tatlo matapos ang mangyari. Mukhang nahiya si Kath dahil naisip niya na mukhang sobrang nasaktan niya si Andre.
"Anak, mukhang nabigla mo si Andre."
"Oo nga, Ma." biglang tumungo si Kath sabay tumingin kay James. Lumabas na din siya at pinuntahan sila Andre.
"Kath! San ka pupunta?!" sabi ni James kay Kath na parang gusto niyang sundan.
"Dito ka nalang muna Iho." banggit ng Mama ni Kath kay James.
Pinuntahan na ni Kath yung lugar kung nasaan yung Kuya niya at si Andre. Nakita niya si Andre na nakaupo at umiiyak. Tinignan siya ng kuya niya at sinenyasan na kausapin si Andre.
Lumapit na si Kath kay Andre at iniwan sila ng Kuya niya.
"Andre?"
"..." Hindi sumasagot si Andre. Umiiyak padin ito pero pinipigil niya para hindi makita ni Kath.
"Andre, I'm sorry."
"Kath, bakit? Bakit kailangan mo ako saktan ng ganito? Mahal na mahal kita." tumingin ito kay Kath at hinawakan ang kamay ni Kath.
"Sige, kung sakanya ka masaya, hahayaan kita. Pero lagi mong tatandaan .. Nandito lang ako. Babasagin ko mukha nung lalaking yun kapag sinaktan niya ang prinsesa ko." sabi nito kay Kath habang nakatitig sa mata nito at tila umiiyak padin.
"Sorry talaga Andre. I don't mean to hurt you." tumungo nalang si Kath.
"Okay lang Kath. Nandito lang ako." ngumiti na si Andre. Bumalik na sila sa bahay nila Kath. Pagbalik nila doon ay wala na si James.
"Ma, nasaan si James?"
"Ang sabi niya, sabihin ko daw sayo na tawagan mo nalang daw siya dahil may pupuntahan pa daw siya. Nagmamadali nga nak e."
"Naku, may iba na yun." pabiro naman ni Andre.
"Hindi naman siguro."
Pagtapos magusap nila Kath at Andre ay naghapunan na sila pagtapos ay umuwi nadin si Andre dahil hinahanap na din siya ng Mama niya.
"Tita , uwi na po ako , hinahanap na po kasi ako ni Mama." Paalam ni Andre sa Mama ni Kath.
"Sige iho. Ingat ha."
"Salamat po."
"Sige Kath. Una na ako ha? Ingat ka lagi." para namang mamamatay na si Andre dahil sa sinabi niyang 'yun.
"Salamat ulit Andre."
"Wala yun."
Umuwi na si Andre sa kanila. Kahit na nalaman niya na sila Kath at James na, tinanggap niya na bestfriends nalang ulit sila ni Kath. Pero hindi padin susuko si Andre kay Kath.
YOU ARE READING
I fell in love with my best friend ♡♥♡
Teen FictionAko si Kath Reeve. Isa akong estudyante sa St. Edward Academy. 1st year student ako. Purity Section. Transferee lang ako at kasama ko pumasok doon ang bestfriend ko na si Andre Chandler . Gusto kong i-share ang story ko na nagkagusto ako sa isang ba...