CHAPTER FOUR ~ Yes or No

6 0 0
                                    

Gumising nang maaga si Kath na ngiting ngiti dahil sa nangyari kahapon sakanila ni James.

"Kung tatanungin kaya ako in James kung pwede niya ako maging girlfriend, sasagutin ko na kaya siya? Oh myyyy!"

Hindi alam ni Kath na nakasilip sa pinto yung kuya niya at nakikinig sakanya.

"Ano nanaman yang pinagsasabi mo Kath? At sino yung James na yun ha?"

"Waaah! Kuya nandiyan ka pala!"

"Ikaw ha, sumbong kita kay Mama."

"Kuya wag! Epal naman eh."

"Hahahahahahaha!" nakakalokong tawa talaga. Nakakainis talaga  ito si kuya kahit kelan. hmp!

Again tumayo na ako sa kama ko at inayos ito sabay nagshower na pagkatapos kumain. Bumaba na ako at bigla kong naalala si Andre. Bakit kaya wala siya. Di nanaman niya ako sinundo? Ako nalang pumunta sakanila.

*Ding dong*

Lumabas na ang mama ni Andre at pinagbuksan ako ng pinto.

"Hi Tita! Si Andre po?"

"Iha, hindi makakapasok si Andre. Mataas kasi ang lagnat niya ngayon."

"Naku, ganun po ba? Pakisabi nalang po magpagaling siya. Ako na po bahala magsabi sa Adviser namin."

"Sige, Salamat iha. Ingat ka sa pagpasok ha?"

"Sige po Tita. Salamat po."

Nagpatuloy na sa paglalakad si Kath. Nakita niya ang isang lalaking tumatakbo papunta sakanya. Hindi niya makita masyado dahil medyo malayo pa. Pero nakita niya na nakasuot ito ng uniform ng St. Edward Academy na pinapasukan niya. Nang papalapit na , nakita niya si James pala yun.

"James! Bakit ka tumatakbo?!"

Hindi agad nakasagot si James dahil hingal na hingal ito sa pagtakbo.

"James!"

"W-wala lang Kath. Naisipan ko lang kasi na sunduin ka para sabay na tayo pumasok."

"Sunduin? Eh okay lang naman ako at sanay na din ako sa mga daan dito."

"Nandito na naman ako kaya Tara na? Akin na gamit mo ako na magdadala."

"Ah, salamat James." kinilig naman si Kath. Halos mamula na yung pisngi niya.

Naglakad na sila papunta sa school nila. Binitbit na din ni James yung mga gamit ni Kath. Habang naglalakad sila nag kwentuhan sila. Dinala ni James si Kath sa may park sa may ThreeHouse. Nagtaka naman si Kath.

"Bakit tayo nandito? Diba dapat sa school tayo pupunta?"

"Okay lang yan Kath. Maaga pa naman."

"Eh, anong ginagawa natin dito?"

"Kath, may gusto sana akong itanong sayo.."

"Ano yun James?"

"Kath, will you be my girlfriend?"

Nagulat si Kath sa sinabi ni James. Haba ng hair. May hawak din na tatlong rose si James at ngiting ngiti naman si James. Grabe. Killer smile niya palang mapapa - YES kana!

"James, sure ka ba dyan?"

"Oo naman kath."

"Pwede mamayang uwian nalang yung sagot ko?"

"Sige Kath. No problem. Hahayaan kitang pagisipan yung sagot mo. Maghihintay ako Kath. Mahal kita."

"Salamat James."

Dumiretso na sila sa school pagkatapos nila mag-usap. Pagdating nila sa school naghiwalay na sila dahil magka-iba sila ng section.

"Kath, sabay nadin tayo umuwi mamaya ha? Hihintayin nalang kita same gate."

"Sige James."

Pumunta na sila sa rooms nila. Hanggang sa maguwian, lumabas na sa school si Kath at nakita niya si James sa gate na naghihintay sakanya.

"Kath, nandyan ka na pala. So, Tara na?"

"Sige James."

Habang naglalakad sila, napapa-isip na si Kath kung ano isasagot niya sa tanong ni James.

"Kath, so yung kanina? Ano na sagot mo?"

"Hmmmm.."

"..." Ngumiti si James na para bang mapapapayag niya na si Kath.

"Yes James."

"Anong yes? You mean, tayo na?"

"Yes."

"Talaga?! Thankyou Kath." Niyakap ni James si Kath ng sobrang higpit. Sobrang saya ni James. Sa sobrang tuwa nito, hinalikan niya si Kath sa labi. Nagulat naman si Kath.

"James naman."

"Sorry, BABY. Sobrang saya ko lang talaga. Promise ko sayo na aalagaan ko yung puso mo . I love you."

"I love you too. Total ihahatid mo nanaman ako samin, ipapakilala na kita sa mama ko."

"Wag. Baka magalit sila."

"Hindi yan. Ako bahala."

Naglakad na ulit sila hanggang makadating sila sa bahay nila Kath. Ipapakilala na ni Kath si James sa magulang niya. Tanggapin kaya ng Mama niya si James? At ano kaya gagawin ni Andre pag nalaman niya ito? Naku Kaaaath! Ano 'tong pinasok mo?

I fell in love with my best friend ♡♥♡Where stories live. Discover now