CHAPTER TWO ~ Effort

11 0 0
                                    

*Ding Dong*

Lumabas ang mama ni Kath para tignan kung sino ang nag-doorbell sa pinto nila.

"Iho, ikaw pala yan. Si Kath ba ?"

"Opo. Sinundo ko nalang po siya para sabay nalang po kami pumasok."

"Ah sige. Pasok ka muna."

Pumasok na si Andre at tinawag na si Kath ng

mama niya.

"Nak! Nandito na si Andre."

Nagbibihis si Kath nang marinig niya ang sinabi ng Mama niya. Nagulat siya dahil maaga siyang sinundo ni Andre. Pagkatapos niyang magbihis ay bumaba na siya.

Nakita niya si Andre na nakaupo.

"Andre. Ang aga mo ata."

"Haha. Okay nang maaga wag lang ako ma-

late ng pagsundo sa'yo."

"Wow naman. Ito talaga."

Narinig naman ng kapatid ni Kath ang usapan nila ni Andre. At biglang sumingit ito.

"Dumidiskarte si Andre ah."

"Naku kuya, mag-bestfriend lang kami."

"Balita ko eh, may ipinagtapat na daw sayo si

Andre eh. Ikaw Kath ha, naglilihim kana sakin."

"Ah..eh..saan mo naman nalaman yan?"

"Wag mo na alamin, bagay naman kayo nitong

si Andre. Matalino na mabait na pogi pa."

"Ewan nga sayo kuya."

Masaya naman si Andre sa narinig niya sa kuya ni Kath na boto sakanya ito. Natatawa nalang siya habang naguusap ang magkapatid. At naglakad na sila papuntang school.

"Akin na yung gamit mo Kath, nahihirapan ka eh."

"Di na Andre, kaya ko na."

"Sige na. Tutulungan na kita."

"Salamat ha."

"Lahat naman Kath gagawin ko para sayo."

Namula nalang si Kath sa sinabi ni Andre. Habang naglalakad sila nagkuwentuhan ulit sila. Bigla nilang nakasalubong si James. At dahil sa hindi nakatingin si Kath at James sa dinadaanan nila, nagka-banggaan sila at pareho silang natumba.

"Aray."

"Miss, sorry. Nasaktan ka ba ?"

Inabot ni James ang kamay niya kay Kath para itayo si Kath at inabot din ito ni Kath. Nakita naman ni Andre ang nangyari kaya't ang sama ng tingin nito kina Kath at James.

"Ok lang ako. Sorry din ha." sabi ni Kath na parang nahihiya na kinikilig.

"Pwede ko ba malaman yung name mo?"

"Ako si Kath. Ikaw si James diba?"

"Yup. Paano mo nalaman?"

"Narinig ko lang." 

"Ah. Can I have your number?"

"Here."

"Sige, Kath. Text text nalang. Alis na ako ha. Sorry ulit dun sa kanina."

"Wala yun hehe!"

At nang umalis na si James, nakita ni Kath si Andre na nakatayo sa tabi niya na hindi maipinta ang mukha sa sobrang selos. 

"Andreee! Nakita mo yun! Hinawakan niya kamay ko! At tsaka tinanong niya name ko. Kinuha niya din number ko! Emegesh. Sobrang nakakakilig diba?!" 

I fell in love with my best friend ♡♥♡Where stories live. Discover now