Irish
Second day of school na, pero wala pa rin akong kaibigan. Lahat sila ayaw sakin. Sa kaliwa, wala. Sa kanan, wala rin.
Pero nagulat ako ng may tumabing dalawang magandang babae sakin. Seriously?! Di ba nila ako nakikita? Bulag ba sila? Halos lahat ayaw tumabi sakin, tapos sila uupo sila sa tabi ko? It's a miracle!!! Magpapa-fiesta ako!! Joke.
"Uhm miss? I'm Kendra Rivera" Ako ba kausap neto o ano? "Uhm miss??" Poke. Poke. Grabe di naman ako bingi.
"Oh, Hi! I'm Irish Salvador" Tinanggap ko naman ang handshake niya.
"We know you, By the way, I'm Samantha Ramirez" Nag-alok siya ng handshake gaya ni Kendra kaya tinanggap ko rin iyon. Ang arte ko naman kung hindi ko tatanggapin yun diba?
"Hi, nice meeting you!" Ang masayahin niya no? Halata naman eh.
"Nice meeting you too." Feeling ko may friends na 'ko!
After ng Get to know each other portion namin ay hindi na kami masyadong nag-uusap kasi nga diba, may klase. Siyempre makikinig kami.
*Riiiiiiiiing* *Riiiiiiiiing*
"Ok, that's all for today. Dismissed" Lunch Na
"So..., Can we join you for lunch?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Kendra. Hindi ba talaga nila ako nakikita? Halos lahat nilalayuan ako, tapos sila sasabayan ako kumain? Hindi namaan sa ayaw ko, pero kasi... bahala na nga!
"S-sure."
"Great. So tara na!"
Nasabi ko na ba sainyo na may sariling Chef ang school na 'to. Nag s-serve lang sila ng mga pagkain then kukuha lang yung mga studyante. Walang bayad bayad kasi kasama yun sa tuition fee. Kaya nga umaabot ng 75k+ ang tuition fee dito eh. Pero sulit naman kasi yun nga maganda namann yung turo. May mga drinks din sa table, Red wine, Juice, Coke, Chocolate Drink. Basta marami. Kaya nga hindi sila tumatanggap ng scholar eh. So bale lahat dito mayaman. Mga anak ng CEO. Bawat mag-aaral, pangarap makapag-aral sa ganitong klaseng eskwelahan. Tsaka pag-aari to ng mga Mirafuentes. Speaking of Mirafuentes, hindi ko pa nakikita yung Nerd na ka-apelyido ng mga Mirafuentes ah!!
Ah bahala siya!!
Kumuha na lang ako ng sushi and mango juice, sa desert naman chocolate cake na lang. Bakit ba? Diet ako eh. -_-
"Uhm. Irish, wag ka magagalit ah." Ano naman kayang itatanong ni Kendra na ikaka-galit ko?
"Uhm. Bakit hindi ka magpaganda? Hindi naman sa napapangitan ako sayo ah. Pero alam ko kasi na may igaganda ka pa eh. Tinatago mo lang." Sinabi ko ba sa inyo na magandahan kayo sakin?! Jk.
"Eto kasi yung gusto ko eh. Parang eto yung ccomfort zone ko." Actually hindi, sinabi ko lang yun para hindi na nila ako pilitin. Kasi tuwing nasa bahay na ako.tinatanggal ko agad yung mga disguise ko kasi parang napapangitan na talaga ako sa itsura ko. Di bale kaya ko pa naman tiisin eh.
"Pero ayaw mo na ba talaga mag-bago. Subukan mo lang naman eh." Ang kulit talaga nila no?
"Ah wag na lang"
"Sure ka?"
"Oo wag na lang talaga" Sana naman tantanan na nila ako.
"Sige na pleas---"
*Riiiiiiiiiiing**Riiiiiiiiiiiing*
Yes!! Saved by the bell!
"Tara na sa classroom." Para namang na-dissapoint sila.
----
Nandito na ako ulit sa likod ng university. Buti nga natakasan ko sila Kendra eh. Nagyayaya kasi silang pumunta ng mall, magpapa-salon daw kami, eh ayoko nga eh.
*Beep*
Pumasok na ako agad sa kotse para maka-uwi na. Pero nagulat ako nung may nakita akong naka-upo lalaki sa backseat. Si kuya?? Hala! Bakit sumama pa siya??
Dahan dahan kong binuksan yung pinto para hindi niya narinig pero 'tong pakielamerong driver namin nagsalita.
"Good Afternoon po, ma'am" Anong good sa afternoon?! Malalaman na ni kuya! Aish!
"Hoy sino ka?? Bakit ka pumapasok sa kotse namin??" Bwiset 'to! Hindi ko siya pinakinggan patuloy lang ako sa pag-upo.
"Hoy! Ano ba! Sabi ko bumaba ka--- ARAY!!" binatukan ko lang naman siya. Parang tanga eh!
"Tumahimik ka na nga lang kuya!" Sinimulan ko na tanggalin yung makapal kong kilay at nerdy glasses.
"I-Irish?? Bakit ka nagaganyan?? Ang panget mo pala! Hahahahaha!" bwiset 'to nanlait pa!
"Psh. Ewan ko sayo!" ayun kahit natanggal ko na lahat ng nagpapanget sakin, nilalait niya pa rin ako!
Hanggang makarating kami sa bahay, wala siyang ginwa kundi tumawa. Umakyat n alang ako ng kwarto ko at hinayaan na lang siya dun.
Naka-upo ako ngayon sa may upuan sa veranda ng kwarto ko.
Itutuloy ko pa ba ang pagsisinungaling? Susuko na ba ako? Pero masyado pang maaga para sumuko. Pangalawang arw pa lang susuko na ako? Hindi pwede! Pero tanggapin pa kaya ako ng mga kaibigan ko, tanggapin pa kaya ako nila Kendra, 'pag nalaman nila na niloloko ko lang sila? Na hindi talaga totoo yung Irish na nakilala nila. Lalapitan pa kaya nila ako? Kakausapin pa ba nila ako?
Ang gusto ko kasi sa debut ko pa nila malaman ang tunnay na itsura ko. Yung tunay na ako. Pero pano kung magbago yun? Marami pang oras para magbago ang desisyon ko. Since fifteen years old pa lang naman ako, may 3 years pa para magbago ang desisyon ko.
Pero minsan naisip ko, kahit ako hindi ko matanggap yung itsura ko. Yung parang kaka-lagay ko pa lang nung mga disguise ko, gusto ko nang tanggalin agad. Kasi kahit ako napapangitan ako sa sarili ko. Kaya nga nagulat ako nung lumapit sakin sila Kendra at Samantha eh. Kasi kahit ako, hindi ko matanggap na pangit pala ako. Sila? Model material. Ako? Isang hamak na nerd na may makapal na kilay at salamin.

BINABASA MO ANG
The Nerdy Couple [[Luhan FF.]]
Teen FictionMeet Irish Salvador, A heiress who preferred to be a nerd. To live a normal and happy life. Will destiny give her what she deserve?