“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayoko sa’yo? Ayoko! Ayoko!” matinis na sigaw ni Celene sa harap ng masugid niyang manliligaw na si Chester Tan.
“Pero Celene... Please let me prove to you na ikaw lang... na kaya kong gawin lahat para sa’yo, to make you mine. Please give me a chance.” Nagsusumamong wika ni Chester.
Kasalukuyan siyang nagmemeryenda sa canteen ng St. Peter High school nang bigla na lamang siyang nilapitan ni Chester. They were both graduating in high school at the age of seventeen. They are classmates, same section.
Celene Clarito is popular of being the campus princess and an honor student. Halos nasa kaniya na kasi ang lahat. Yaman, ganda at talino. Hindi kataka-takang pag-agawan siya ng mga lalaki sa buong campus. Isa na nga roon si Chester. He is also an honor student in their class. He came from a wealthy family as well as her. Iyon nga lang, masyado yata itong tutok sa pag-aaral kaya pati sariling hitsura ay hindi man lang mapagkaabalahang ayusin. He looks like a nerd because of his big round sunglasses, parang tatlong buwan itong hindi nakapag-pagupit man lang ng buhok nito, and he acts like a nobody. That’s why Celene rejected him. Hindi man lang siya umabot sa standards ni Celene sa isang ideal man.
“Bakit ba ang kulit kulit mo?” naiinis na wika ni Celene. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga estudyante na nasa canteen. Hindi naman sa talagang mataray siya. Ayaw lang talaga niya sa mga taong makukulit at iyong tipong iniistorbo siya. Once is enough! Ilang beses na niyang sinabi kay Chester na ayaw niyang magpaligaw rito. She’s not ready to have a boyfriend at para sa kaniya, hindi ito ka-gustu-gusto. Kahit na sandamakmak na lalaki ang manligaw sa kaniya, wala siyang pakialam. All she cares about is her studies and she wanted her parents to be proud of her.
“Ano bang kailangan kong gawin para tanggapin mo ang panliligaw ko sa iyo? Lahat naman ginagawa ko para sa’yo. Kahit nagmumukha na akong tanga, mapasaya ka lang.”
“Really? Sa pagkakatanda ko, never mo pa akong napasaya. Saka kailangang gawin? Just stay away from me! Hindi mo ba nakikita ang hitsura mo sa salamin? Tatlong buwan ka na yatang hindi man lang nakakapunta sa barber shop or salon na afford mo naman. Iyang salamin mo? Idol mo ba si Ninoy Aquino? Ang laki-laki ng lens at bilog na bilog. You really looked like a nerd. Sa tingin mo magugustuhan kita? Never. Kaya please huwag na huwag mo na akong kakausapin at lalong huwag na huwag mo na akong kukulitin! Give me some respect kung ayaw mong matarayan at mapagsalitaan ko ng hindi magagandang salita!” Hindi na napigilan ni Celene ang galit. Alam niyang masakit sa damdamin nito ang nabitiwan niyang salita pero iyon ang kailangan para hindi na ito mangulit at umasa pa sa kaniya.
Bumakas ang kalungkutan sa mukha ni Chester. “Pasensiya ka na Celene.” Tumungo ito. “Gusto ko lang naman na mapansin mo ako. Sa buong buhay ko kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Lahat ng bagay nakukuha ako. Hindi ko ikinakahiyang spoiled ako sa mga magulang ko. Kahit anong hilingin ko, ibinibigay nila just to make me happy. Ikaw, gusto kita. I want you to be mine kaya lahat ng pagpapapansin ginagawa ko. Pero sa halip na magustuhan mo ako, you still hates me.” Tumungo ito. “Maybe because I’m not that handsome. I’m just a nerd who always ruin your day. Don’t worry, I will try not to ruin your day again. I’m sorry...”
Napailing na lamang si Celene sa inakto nito. Hindi na siya sumagot, sa halip ay tumayo na siya at tinalikuran ito. Dire-diretso siyang lumabas ng canteen.
~
“Celene! Celene!!”
Napalingon si Celene sa pinanggalingan ng boses na iyon kapapasok niya lamang ng gate ng St. Peter High school.