Chapter 2

89.8K 1.7K 61
                                    

"GINO is a good friend of mine way back in highschool."

Kinamayan ni Chester ang kaibigan ng kasintahan niya.

Kauuwi lamang nila galing New Jersey. He's with Sheena, his five months girlfriend na nakilala niya sa New Jersey. Hindi naman siya ganoon ka-seryoso rito. He's just enjoying her company.  Sinalubong sila ng kaibigan nitong si Gino. Ito lang daw kasi ang natitira nitong kaibigan na naroroon sa Manila.

"Nice meeting you Ches." Bati ni Gino sa kaniya.

"Same here." Aniya. Inilibot niya ang tingin sa paligid. How he missed this country. Eight years niya itong iniwan at ngayo'y heto at naroon na siya ulit.

Sigurado siyang magugulat ang parents niya dahil hindi alam ng mga iyon na uuwi siya dahil gusto niya sanang i-surprise ang mga ito. 

Sa ganoon kahabang taon ay tanging internet lamang ang communication niya sa kaniyang mga magulang. They are really proud of him dahil isa na siya sa tinitingalang youngest business tycoon. Nakapagtayo kasi siya ng ilang business chain na pag-aari nila doon sa New Jersey.  Napagpasyahan niya lamang na mag-bakasyon ng Pilipinas dahil mapilit si Sheena. Hindi nga niya maintindihan kung bakit gusto nitong umuwi roon samantalang nasa New Jersey naman ang buong pamilya nito pati na ang trabaho nito. Na-missed lang daw nito ang Pilipinas at dahil ilang taon na rin siyang hindi man lang nagbabakasyon sa Pilipinas dahil sa pagiging abala sa kaniyang business ay pumayag na rin siya.

"Siguradong pagod kayo sa biyahe. Mas makakabuti kung sumama muna kayo sa condo ko para makapag-pahinga kayo." Yaya ni Gino sa kanila.

"No thanks Gino. I have my house. Doon na lamang kami didiretso ni Sheena." Seryosong sagot niya.

Hindi niya matumbok ngunit may kakaiba siyang pakiramdam kay Gino. Parang mabigat ang loob niya rito.

He sighed.

"Honey, Ches. Is it okay with you kung kumain muna tayo sa restaurant? Sinundo niya tayo tapos iiwanan lang natin siya? Para makapag-bonding na rin tayo." Paglalambing ni Sheena sa kaniya.

Sa totoo lang, gusto niya ay 'Chester' ang itawag sa kaniya ng mga taong nasa paligid niya. Pero si Sheena, hindi na niya napigilan ang pagtawag sa kaniya ng 'Ches', short for Chester daw kaya hinayaan na lamang niya. Pati ang pagpapakilala nito sa mga kaibigan at kakilala nito ay Ches ang sinasabi nito palagi.  He is now a better man but he still the Chester from the past - who's madly in love with Celene Clarito. Ang tanging nagbago lamang sa kaniya ay ang panlabas niyang anyo. Iyon lamang.

He loves the feeling na pag-agawan siya ng mga babae na kailanman ay hindi niya naramdaman eight years ago. Iyong hindi siya nahihiyang humarap sa ibang tao. He has lots of self confidence.

"Okay. If that's what you want." Wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag kahit ang totoo'y gusto na niyang makapag-pahinga.

Kailangan niya ng lakas para simulan ang binabalak habang naroroon siya sa Pilipinas. Una, ang hanapin si Celene at pangalawa, ang paibigin ito tulad nang ipinangako niya sa sarili.

A little smile curved on his lips.

~

"WHERE are you? You told me na susunduin mo ako ngayon dito sa restaurant. Ngayon ka lang yata pumalya sa oras?"

Umiinit ang dugo ni Celene kay Gino. Nangako kasi ito na susunduin siya nang araw na iyon upang mag-dinner. Pero hayun at tutubuan na siya ng ugat sa paa ay wala pa ito.

Their restaurant are open at nine in the morning until eleven in the evening. Pero pagdating ng alas siyete ay ipinapaubaya na niya ang restaurant sa assistant manager niya.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon