“SORRY Celene. I didn’t mean it to say pero hindi ko na kasi kaya pang itago.”
Halos maguho ang mundo ni Celene nang dahil sa sinabi ni Sheena sa kaniya. Sinadya pa siya nito sa restaurant dahil lamang sa bagay na iyon.
Gino and I are planning to go to New Jersey. Iyon ang paulit-ulit na nagpa-flash sa isip niya.
“He want more opportunity kaya tinulungan ko siyang ayusin ang papel niya habang nasa Davao kami. Actually, one week from now ang flight namin. Nagkausap kami kagabi at sinabi niya sa akin na hindi pa niya kayanag magpa-alam sa’yo. Hindi raw niya alam kung paano niya sasabihin. I hope you’ll understand.”
Hindi niya alam kung paano ba siya magre-react dahil sa mga sinabi nito. Paano iyon nagawa ni Gino sa kaniya? Minahal niya ito. Tapos malalaman niya na aalis ito? Paano ang responsibilidad nito bilang fiancé niya? Hindi man lang ba nito aayusin? Ano iyon? Run away groom? Iiwan siya nitong parang isang basura na puno ng kahihiyan? Hindi pa man nila napag-uusapan ang balak niyang pag-urong sa kasal nila ay hayun at may balak na pala itong iwan siya sa ere. May palambing-lambing pa ito nang nakaraang araw tapos may tinatago pala ito sa kaniya? Mahal niya ito, naisipan niya lamang na umurong sa kasal dahil sa tingin niya'y hindi iyon pinapahalagahan ni Gino. Para kasing siya lamang ang excited para sa kasal nito. Nagmumukha tuloy siyang tanga.
“I’ll understand. But I need to talk to him.” Seryosong wika niya. Parang na-manhid ang buong pagkatao niya. Pilit niyang kinalma ang sarili. Hindi man lang sumagi sa isip niya ang plano nito.
“Okay. I’ll take you there if you want.”
Nag-pantig ang tainga niya sa narinig. She’ll take her where? In his condo? In his work? Parang daig pa nito ang may relasyon kung umasta. Sino ba ito? Hindi ba't kaibigan lang ito ni Gino?
“Sheena, can I ask you something?”
“Sure.”
“Is there something between you and Gino? Tell me the truth.”
“Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Tutal after a week ay lilipad na kami papuntang New Jersey, panahon na rin siguro para sabihin ko ito sa’yo. Hindi naman sa may relasyon kami but we enjoy each others company. We kiss, we hug, we make out when we are in Davao. I love your fiancé Celene since we’re high school. That’s why hindi ko hinayaang mawalan kami ng communication kahit nasa abroad na ako.”
Hindi na napigilan ni Celene ang sampalin ito. Hindi niya lubos maisip ang mga sinabi nito. They kissed? They hugged? And they make out? Samantalang sila ni Gino, never pa iyong nagawa. They only kiss and hug but not making out because he respect her. Isa nga iyon sa nagustuhan niya rito tapos malalaman niya ginagawa pala nito sa ibang babae? At anong sabi ni Sheena? She loves Gino? She can’t believe this! Kaya pala lagi itong tumatawag rito? Iyon rin ba ang dahilan kaya hindi ito matanggihan ni Gino? May pagtingin rin ba ito kay Sheena? Damn them! Bakit nangyayari ito?
“How there you!” naramdaman niya ang paglapat ng palad nito sa pisngi niya.