SINAG ng araw na tumatagos mula sa bintana ng suite ni Celene ang bumungad sa kaniya pagka-mulat ng mga mata niya.
She remember what happens last night. Napatingin tuloy siya sa katabi niya. There he is, Ches is still asleep.
She smiled. Hinawi niya ang buhok nito habang pinagmamasdan ito. He's really handsome. Napaka-charming nito at ito ang klase ng lalaki na kahuhulugan ng loob because of his good heart.
Napansin niya ang paggalaw nito at ang pagkusot nito ng mata. Lalong lumuwang ang pagkaka-ngiti niya rito nang magmulat na ito ng mata. "Good morning handsome!" Bati niya rito.
Napangiti ito saka siya hinila papahiga sa dibdib nito. "Good morning beautiful. I love you." Kinintalan siya nito ng mabilis na halik sa labi pagkasabi niyon.
"Nakakarami ka na.." Tudyo niya rito.
Niyakap siya nito ng mahigpit. "Hayaan mo na'ko. Tandaan mo, hinding-hindi ako magsasawa sa'yo."
"Oo na po!" Pagsang-ayon niya sa sinabi nito.
"Celene.." Mahinang sambit nito habang nakayakap pa rin ito sa kaniya.
"Hmmm?"
"Promise me you'll never leave me. I love you and I always want you here in my side. Kahit anong mangyari, hindi mo ako iiwan."
Na-touch naman si Celene sa sinabi ni Ches. Ano bang dina-drama ng lalaking ito? As if naman may choice pa siyang iwanan ito? Ngayon pang mahal na niya ito?
"I promise." Sagot niya saka niya ito ginantihan ng yakap.
"I love you so much. Hindi ako magsasawang sabihin sa iyo 'yan araw-araw."
Now there's an assurance that her love story will have a happy ending.
~
Celene really like Isla Fuentaberde. Doon kasi nagkaroon ng clarification kung anong mayroon sa pagitan nila ni Ches.
Isa pa, napakagandang alaala ang maipapaalala nito sa kaniya. Good memories with Ches.
Patuloy sa paglalakad si Celene sa tabi ng dagat habang nakatapal sa kaniyang balikat ang sarong. Naka-bestida lamang kasi siya.
Umalis si Ches sandali dahil may kailangan raw itong kausapin regarding to their business. Babalik din daw agad ito. Kung sabagay, private helicopter naman ang gamit nito kaya siguradong makakabalik ito kaagad. Wala na nga sa isip niya kung hanggang kelan sila magbabakasyon roon sa isla. Sa tuwing kasama niya kasi si Ches ay parang sa binata na lamang umiikot ang mundo niya. Gayunpaman, hindi naman niya nakakaligtaang tawagan si Daisy para kumustahin ang restaurant niya.
"It's nice to see you again Celene."'
Kumabog ang dibdib ni Celene nang makilala ang may-ari ng boses na iyon mula sa likuran niya. Agad siyang humarap rito.