HINDI magawang tumutol ni Celene sa ginawang paghila kanina ni Ches sa kaniya palabas ng restaurant. Para kasing wala siyang lakas na gawin iyon at naramdaman niyang handa siyang i-comfort ni Ches.
Lalo siyang napaiyak nang makasakay na siya ng kotse nito. Lalo niya kasing naramdaman kung gaano siya kawawa dahil sa pam-babalewala sa kaniya ni Gino nang dahil kay Sheena. Kay Sheena na kaibigan lamang nito.
Ikinagulat niya nang hilahin siya ni Ches sa dibdib nito saka niyakap ng mahigpit. Ramdam niya ang pag-aalala nito. “Ssshh.. I'm here..” bulong nito.
Bakit napaka-gaan ng loob niya sa lalaking ito? Bakit sa dinami-dami ng lalaki na aalo sa kaniya ay iyon pang kakikilala pa lamang niya? Kumalas siya sa pagkakayakap nito sa kaniya. Mali kasing tingnan dahil may fiancé siyang tao, at si Ches? Kakikilala pa lamang niya rito.
“Hindi mo ba alam na kidnapping ang ginagawa mo?” aniya saka pinahid ang luha sa pisngi niya. Sa kabila kasi nang sakit na nararamdaman niya ay hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa nitong panghihila sa kaniya papunta sa kotse nito.
"What?" Halata sa mukha nito ang pagtataka. Sino nga ba namang babae ang iiyak-iyak tapos bigla-bigla ay aakusahan ng kidnapping ang tumulong rito?
"Basta mo na lamang ako hinila papunta rito sa kotse mo samantalang hindi naman tayo close at hindi ka naman family members. Kaya wala kang karapatan na basta na lamang ako hilahin ng ganon-ganon na lang? Ano na lang ang iisipin ng ibang taong nakakita ng ginawa mo doon sa loob ng restaurant lalo na ang mga crew ko roon? Baka isipin nila, nagtataksil ako kay Gino."
"You're upset. You want to cry because you're hurt. Mas gugustuhin mo bang makita ka ng ibang tao roon lalo na ang mga crew mo na nagkakaganyan ka? Tell me? Anong masama sa ginawa ko? Isinalba lang kita."
May point naman ito. Na-highblood lang siguro siya dahil naalala niya ang pang-aasar nito sa kaniya nang nakaraang gabi. Pero kung iisipin niya, dapat pala niya itong pasalamatan sa ginawa niya ngayon.
"I’m here to comfort you Celene. Ilabas mo ang sama ng loob mo. Hangga’t hindi mo iyan nailalabas lahat, bibigat lamang ang pakiramdam mo.”
Napangiti siya sa sinabi nito. Napakabait naman nito. Kahit kakikilala pa lamang nila ay nagpapakita na ito ng kabutihan sa kaniya. “B-Bakit mo ito ginagawa Ches..” tanong niya.
“Because I want to. Saka, sabihin na lamang natin na may maganda akong dahilan kung bakit ginagawa ko ito, kung bakit ayaw kong nakikita kang umiiyak nang dahil kay Gino. He doesn't deserves you.”
Nalilito siya sa isinagot nito. Gayunpaman, natuwa siya sa pinakita ito sa kaniya at lalo na sa pag-alo nito sa kaniya. Pakiramdam kasi niya'y nakahanap siya ng kakampi. Ngayon lamang siya umiyak sa harap ng isang lalaki, and worst, doon pa sa hindi naman niya kaanu-ano.
“You want to go somewhere para makapag-unwind?” tanong ni Ches.
Tumango lamang siya bilang tugon. Ayaw niyang maging negative thinker. Alam niyang mabuting tao ito at mapagkakatiwalaan. Ramdam niya iyon. Iyon din ang naramdaman niya nang una niyang makilala si Gino.
![](https://img.wattpad.com/cover/14603617-288-k833219.jpg)