Chapter 5

96 8 5
                                    

Nagngingit-ngit ang kalooban ko sa nakikita ko ngayon. Oo alam ko naman na 'to eh. Pero masakit padin sa mata at puso ang makita silang magkasama. Fuck.

Dumikit si Drev sakin at bumulong, " Gusto mo nang umalis? " Tanong niya. My mind says yes, but my heart says no. Martyr na puso, punyeta.

Bahagya akong umiling at alam na niya yun, alam na niyang papanuorin ko silang dalawa at hahayaan kong masira na naman ako. Umiling din si Drev, iling na parang antanga-tanga ko. Tanga ba 'ko?

ASH ANDREW'S POV

Andito kami sa mall at ineenjoy ko ang moment. Hehezz, kasama ko si Eya eh.

Umalis sila Ada at Kuya Domeng kaya naiwan kaming dalawa, mas pabor kasi walang bantay. Walang Creepy Ada sa paligid, ewan ko ba dun, sinusumpa ako. Pano, alam niyang may gusto ko kay Zearra. Gusto? No. Mahal ko si Eya, mahal na mahal.

At ayaw niya ko para kay Eya.

" Nood tayo sine Yah? 50 shades of Grey? " Tanong ko sa kanya.

3 beses na namin 'tong napanuod. Hindi naman ito talaga yung balak kong sabihin na panuorin namin, kaso ' 50 shades of Grey ' yung lumabas sa bibig ko. Nabablanko talaga ako sa presensya ni Eya.

I'm fucking hell'a lucky guy na ganito ko kalapit kay Eya. Puta, kinikilig ako. So gay.

Inaamin kong sobrang apektado talaga ko kanina, I'd even have a boner. Buti nalang dumating si Ada, kung hindi baka narape ko si Eya kanina. Hahahaha. I can't help, she's so damn pretty and sexy. And for pete's sake, nasa ilalim ko siya kanina at hindi niya alam kung ano nang tumatakbo sa isipan ko habang nasa ilalim ko siya.

" Wala ako sa mood. Tsaka napanuod na natin yun 3 beses na, obssess ka ba kay Christian? "

This is what I love about her. She's straightforward at napaka cowgirl. I mean, she's game for everything! Natuwa talaga ako nung inaya niya kong manuod nung 50 shades of Grey, kinilig talaga ako nun puta. Puro couples ang kasabay namin nun, at nung mga panahon na yun parang couple din kami.

Halos nakatitig lang ako sa kanya sa buong durasyon ng movie at pasulyap-sulyap lang kapag medyo intense na yung scene. Minsan nga nangungunot yung noo niya dahil sa mga naririnig at nakikita niya sa loob ng sinehan. Hahaha cute.

Hindi ako obssess kay Christian, sayo ako obssess Eya. Kung alam mo lang. At di hamak na mas pogi ako dun 'no, mas magaling pa. Hahahahaha.




" Kumain na nga lang muna tayo! Tapos magshopping na tayo, hehe. "

" At bumili ng Doraemon stuffs. " Dagdag niya, as if naman talagang bibilhan ko pa siya nun. Punong-puno na yung kwarto niya ng mga alien na pusa.

" Oo na! Kung di lang kita mahal. " Sagot ko. Pero binulong ko lang yung huling part dahil ayoko namang malaman niya. Martyr ako eh. Masaktan nako, basta masaya siya. Napakunot naman yung noo niya, and she look to me as if I'm growing two heads. Narinig ko naman yung bulong niyang ' baliw. ' Napangiti ako. Baliw sayo.

" Creepy mo-- " She was about to say something ng biglang sumulpot si Gwen. Hindi naman sa sumulpot nalang bigla, ano siya alien? Si doraemon lang yun. Dahil nga nakaharap ako kay Eya at nakatalikod si Eya sakin, hindi niya agad nakita si Gwen.

" Hi Zearra! Hi Ash! Nandito din pala kayo, nice meeting you here. Antagal natin hindi nagkita ah? Mas lalo kang naging Hot, Ash! And Zearra, parang... walang nagbago sayo. Still the same. " Gusto ko yung sinabi niyang mas lalo akong naging HOT. Alam ko naman yun eh, pero hindi ko gusto yung tono niya kay Eya.

Ayaw nila sa isa't isa. At dahil yun kay Anderson. Tangina 'nun.

Sinulyapan ko si Eya at nakangiti naman siya. But I know her, I very very know her. May panty at bra nga siyang doraemon eh. Childish. But I'm dying to see her wearing that, I think thats kinda hot.



My Froggy Prince [ Revising ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon