"Mary, wake up."
Hindi ko pinansin kung sino man itong gumigising sa akin. Napuyat ako kagabi dahil- dahil trip ko hehe.
"Mary I said wake up!"
"Ummmmm"
Inaantok pa talaga ako. Nagtalakbong ako ng kumot para iparating sa taong to na inaantok pa ako.
"Gimme 1 more hour please?"
Dugtong ko pa.
"WAKE.UP.MARY!"
*cough* *cough*
Walanjo naman oh! Sino ba namang hindi uubuhin kung sabuyan ka ng tubig sa mukha mo?!
"Ano ba!? Papatayin mo ba ako? Sabihin mo lang at uunahin na kita!"
"H-huh? Eeh kasi naman kanina pa kita ginigising!"
Utal utal niyang sagot.
Agad naman nawala yung gakit ko nung makita ko yung maamo niyang mukha. Hay, bakit kaya ang gwapo nito?
"Laway mo literal na natulo teh! Yucks sis ha? Wag mo akong tignan ng ganyan, kadiri kang bakla ka!"
Oo bakla siya. T.T
Sayang lang ang kanyang red lips, pointing nose and those eyes. My chinito prince. Este! Chinita princess pala. Hahahaha!"Bladey Mary Cera, nganga forever ang drama mo?"
Natawa naman ako sa mga facial expression niya at mga pilantik ng daliri. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Syempre hiningahan ko rin, hahahahaha!
"Iw! Ang baho teh!"
Umarte pa siya na akala mo sukang suka sa hininga ko.
"Ang arte nito! Nilalambing ka lang e! Btw, what's our breakfast?"
Tanong ko sabay tayo na sa kama.
"Waaaaaaaah! My virgin eyes!"
Nagulat ako nang sumigaw ng pagkalakas lakas 'tong baklang to.
"Aww. Basag eardrums! Ano nanaman bang drama mo?"
"Naman kasi e! Magbihis ka muna kaya bago ka kumembot kembot dyan!"
Napatingin ako sa sarili ko. Oo nga pala, nakasandong bitin lang ako at underwear. Hindi naman ako naiilang dahil alam ko na baklang bakla to.
Humarap naman ako sakanya at ngumiti. Nagulat ako nung bigla siyang namula. Tinaas ko yung sando ko at kunwaring huhubarin ko sa harap niya. Ngunit hinila niya ito pababa.
"A-anong ginagawa mo?"
"Magbibihis. Diba sabi mo magbihis. Eto na, magbibihis na ako."
Akmang itataas ko na ulit yung sando ko ngunit nahila niya ulit ito pababa.
"Sa harap ko?"
Tanong niya.
"Hindi sa likod mo. Stupid. We're sisters right? So ano naman kung maghuhubad ako sa harap mo?"
Niyakap niya ako na tila ba tinatakpan ang buo kong katawan. Napatigil ako sa binulong niya. Lumabas na siya ng kwarto at narinig ko na lang ang sigaw niya mula sa kusina.
"Bladey! Make it quick! Let's eat na!"
Feeling ko nabuhusan ako ng malamig na tubig sa boses niyang baklush. Tama. Pinagtitripan lang ako nito. Almost 5 years ko na siyang kasama at nasaksihan ko mismo ang mga kabaklaan niya.
"Bladey!"
"O-oo andyan na!"
Habang nagbibihis ako di ko pa rin maiwasang isipin yung binulong niya..
'Bladey Mary Cera kapag hindi ka nagtigil, I swear to God pakakasalan kita agad. You don't know what you are doing. Don't ever do that again, or else..'
Hay kupido. Ginugulo mo nanaman ako.
--Dumiretso na ako sa kusina. Mm..
Amoy palang nagwawala na yung mga dragon ko sa tyan.Magaling siyang magluto, malinis sa bahay, sweet and caring. Actually he's the ideal man. And I am lucky 'coz I have him.
"Adobo lang yan pero yung mata mo naghuhugis heart na. You look like a dog, you know that 'ulo' thingy. Umayos ka nga girl."
Mahabang litanya ni Cupid. Naglagay na ako ng kanin sa plato ko at plato niya.
"Hey, it's so marami naman. Masisira figure ko!"
Sigaw niya sa akin.
"Okay lang yan. Isang exercise mo lang yan e!"
May mini gym kasi kami dito sa bahay. Bahay niya to be exact. Kaya akala mo greek god ang katawan. Pero yun nga, shokla. -,-
"After mong kumain, you change ykur clothes ha? We'll go somewhere."
"Opo nay."
Tumawa na lang siya sa naging sagot ko.
--After 123456789 yearss..
"Tara!"
"Wait. Ano yang suot mo?"
Uh-oh. Kapag ganitong boses lalaki siya bawal siyang lokohin. Tumayo ako ng tuwid at sinagot ang tanong niya.
"A white long sleeves, black highwaist short and a pair of shoes. Tapos inipit ko lang sa harap. Tack in ba, haha!"
Tiningnan niya lang ako ng masama.
"Nani?"
"Don't 'what' me Bladey. Magpalit ka. Hindi ko gusto yang suot mo. Baka mamaya lapitan ka ng kung sinong lalaki."
"Awiiii! Nagseselos kupido ko!"
Tinusok tusok ko pa yung tagiliran niya.
"Duh? Ako magseselos? N.E.V.E.R! Imbes kasi na ako ang lalapitan ng boys e hindi dahil dyan sa ayos mo. Kalerki to. Kapal fez ha?"
"Oh ayun naman pala e."
Hinila ko na siya palabas bago pa siya makangawa ulit. Napahiya ako dun a. Phew!
While we are on our way to the mall, may nadaanan kaming hotel na parang kagagaling sa sunog.
"O m g! What happened kaya dyan?"
Bulalas ni Cupid. Maski ako hindi alam ang irereact.
"Just drive."
Utos ko sa kanya.
"Gravity of the world naman ang nay gawa niyan no?"
"Kaya nga e."
Pag sang ayon ko sa kanya.
Nang paalis na kami muli akong napalingon sa hotel and something inside of me is, I don't know. It feels like I am..
I am..
I am..
..happy.
xx
Bladey(Bleydi)
Hi to my friend! Ginamit ko po middle name mo hehe, thank you!
BINABASA MO ANG
Behind Those Mask √
DiversosEveryone has a devil inside. Try to wake it up, and you'll see.. *evil laugh*