Sa tuwing natatagpuan ko ang pangalan mo, sa TV, sa libro, sa dyaryo at sa likod ng isipan ko ay kinikilig ako na para bang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Pero mas kinikilig ako kapag bigla kang nagpakita sa harapan ko. Oo yung biglaan. Yung hindi ko inaasahan. Pero ang pinaka masayang parte doon ay ang pagbigkas mo sa pangalan ko na sasabayan ng mga matatamis na ngiti mo at sa tuwing nangyayari iyon, nahuhulog ako.
Nahuhulog ako katulad ng paghulog ng tubig sa talon. Ganyan nahuhulog ang puso ko na hindi makalimot sa tinagal tagal na ng panahon.
Kaso, nahulog lang ako at hindi mo sinalo.