Muli

14 0 0
                                    

Nagising ako isang gabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising ako isang gabi. Nakabukas pala yung mga bintana kaya mahangin. Dumungaw ako at tumingala. Ang ganda ng gabi. Ang daming mga bituin. Muli akong dinalaw ng mga alaala mo, nang mga alaala nating dalawa. Ang daming taon na ang nakalipas pero lagi parin akong nagigising katulad ngayon at ikaw lang ang naaalala ko. Ikaw parin ang naiisip ko.

Nasaan ka na ba ngayon? Masaya ka ba? Iyan ang palagi kong tanong. Kung bibigyan lang ulit ako nang huling pagkakataon, babalik ako. Babalik ako dun sa panahon na una kitang nakilala. Doon sa sandali na nahulog ako sa hagdan at natumba tayong dalawa at sa pagmulat ng mga mata ko, ikaw ang nakita ko. Kung maaari lang bumalik sa mga panahon na iyon.

Ang sakit isipin na ni anino mo hindi ko na masilayan ngayon. Nasasabik na akong makita ka ulit. Walang araw na nagdaan na hindi ka sumagi sa isipan ko.

Hindi ko parin makalimutan yung gabi na pinuntahan mo ako para mag propose. Napaka espesyal ng gabi na 'yun.

Pero naglaho lahat ng mga pangarap natin sa isang iglap.

Pumunta ako sa rooftop. Kitang kita ko ang ganda ng mundo. Pero lahat ng ito ay walang saysay kung wala ka sa piling ko.

Nagsimula akong maglakad at humakbang ako.

Sa wakas magkikita na ulit tayo. Ang tagal ko nang naghihintay sayo pero ang tagal mong bumalik. Nainip na ako kaya ako nalang ang pupunta sayo.

Sa huling pagkakataon, umihip ang malakas na hangin at alam ko ng mga sandaling iyon, nandun ka sa tabi ko.

Masayang masaya ako.

Iyon na ang huling alaala ko sa malupit na mundong pinaghiwalay tayo.

ThoughtsWhere stories live. Discover now