Okay Lang

6 0 0
                                    

Pagmulat ng mga mata ko ikaw agad ang nasa isip ko. Sanay na sa basang unan na mayroon ako. Ilang taon din na naging ganoon ang bawat gabi at umaga ko. Sanay na sa mga luhang natuyo.

Pero tapos na iyon. Okay na ako.

Nag tatrabaho na ako sa Maynila. Iniwan ko ang lahat ng alaala sa probinsya at kasama ka doon.

Nasanay na akong mag isa. Kaya ko na ang tumawid ng mag isa. Kaya ko ng kumain ng mag isa. Manuod ng sine ng mag isa. Hindi ko naman kailangan ng ibang tao para magawa ang mga simpleng bagay na ito.

Akala ko nakalimot na ako. Napatunayan ko ito isang normal na araw sa buhay ko pauwi na ako noon patawid na at naghihintay nalang ng signal light nang ikaw ay makita ko. Pumikit pikit ako sa pag aakalang guni guni ko lang ito.

Nag berde na ang ilaw at ang mga tao ay nagsimula ng maglakad nagmamadali dahil pabagsak na ang ulan.

Nakita kita ulit. Nagkita ulit tayo. May parang tumutusok sa puso ko. Parang bumabalik lahat ng saya at sakit na idinulot mo sa akin. Naglakad ako at alam kong nakita mo din ako.

"Kumusta?" 'yan ang tanong mo. "Okay lang" ,yan ang sagot ko.

Dalawang salita na libo libong salita ang kahulugan. "Okay lang" 'yan lang ang nasabi ko pero sa likod ng isip ko mala nobela ang gusto kong sabihin. Ang dami kong gustong itanong. Iniwanan mo ang nang napaka daming katanungan.

Ang sakit.

Bumagsak na nang tuluyan ang ulan. Tumakbo ako palayo at sinabayan ang ulan sa pagpatak ng luha ko. Nakauwi na ako at ngayong gabi alam kong mababasa na naman ang mga unan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ThoughtsWhere stories live. Discover now