(1) Scholarship

93 2 0
                                    

"Jessie! Bumangon ka nga dyan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jessie! Bumangon ka nga dyan. May kumakatok sa pinto. Pagbuksan mo nga dahil may ginagawa ako." Rinig ko ang mga katok ni Mama sa labas ng kwarto ko.

Ugh! Ano baaaa? Kailan ba ako magkakaroon ng payapang pagtulog? Kainis naman, oh!

Hindi ko pinansin ang utos sa akin ni Mama. Inilagay ko ang unan sa ibabaw ng tainga ko para hindi na marinig ang mga katok niya.

"Jessie Garcia! Ano baaaa? Gusto mo pa ba talagang pasukin pa kita dyan?"

Ayan na naman si Mama sa mga pananakot niya. Pero, hindi naman niya magawa. Hay!

Pero, nakakainis talaga, e! Ilang oras palang ang tulog ko dahil nanood ako ng K-Drama kagabi. Aaaaah! Ako lang ba ang tao sa bahay na 'to? Nasaan na ba kasi 'yung Tatay ko? E, 'yung bunso kong kapatid na ubod ng pasaway? Jusko! Nakakairitaaaaaa. Argh!

"Isa.." Ayan na. Nag-uumpisa na si Mother Earth magbilang.

"Opo, eto na nga, e." Sagot ko habang pupungas-pungas pa.

Pagbukas ko sa pinto, naabutan ko si Mama na nakapameywang sa harap ko.

"Ikaw talagang bata ka! Hindi ka talaga marunong gumising ng maaga. Kaya lagi kang nale-late, e. Hala! Pagbuksan mo 'yung kanina pa katok ng katok sa pinto. Kapag 'yung bumbay 'yon, sabihin mo wala ako. Bilis!" Sermon sa akin ni Mama na may kasama pang utos at pagsisinungaling.

Hay nako!

Nagtungo na nga ako sa pintuan at agad itong binuksan.

Nabungaran ko ang isang matangkad na lalaking malapad na nakangiti sa akin.

Wow! Wala pa ngang kaayos-ayos ang mukha ko, tapos siya ay ngiting ngiti pa. Iba din!

"Ikaw ba si Miss Jessie Garcia?" Tanong sa akin ng lalaking hindi parin naaalis ang pagkakangiti.

Ano bang problema ng isang 'to?

"Oho, ako nga 'yon. Ano pong kailangan niyo?" Medyo may inis na sagot ko sa kanya.

Kainis kasi! Ang aga aga tapos ngingitian niya ko ng ganyan. Bwisit!

"Congratulations!" Muntikan na akong mapatalon sa gulat dahil sa pagkakasabi niya.

"Ha?" Mabilis na umarko ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Congratulations, Miss Garcia. Nakapasa po kayo sa Entrance Exam ng St. Therese University. The Dean are expecting you to come tomorrow. See you at the school!" Ulit pa niya sabay abot ng sulat sa akin.

Umalis na siya habang ako naman ay naiwang naka-nganga at gulat parin sa mga binanggit niya.

Ano raw? Ako? Nakapasa sa St. Therese University? As in, 'yung pinaka-mahal na school sa buong Maynila? Weah? Kalokohan! Ni, hindi ko nga ginalingan ang pagsagot sa mga tanong nila, e. Tapos, makakapasa pa ako? Ha-ha. Patawa pala 'yung si kuya, e.

The BachelorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon