Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko para sa birthday ni Gail. Wala naman kasi akong matinong damit dahil hindi ako mahilig umattend sa mga ganitong celebration. 😒Tinawagan ko ang bestfriend kong si Ellise para papuntahin dito sa bahay. At wala pa ngang 1 minute ay narito na agad siya sa amin.
"Hello, bes!" Bungad niya sa akin nang makarating sa kwarto ko.
Naabutan niya akong nakasalampak sa kama at namomroblema para sa susuotin ko. Nakakakalat kasi ang mga maaayos kong damit sa kama.
"Anyare?" Tanong nito nang makalapit sa akin.
"Hindi ko alam kung anong susuotin ko sa birthday ni Gail." Pag-amin ko.
Matalas na tingin ang binato sa akin Ellise. "Ah, 'yung bago mong bff sa STU?" Tanong nito na para bang may pagseselos.
Luh. Nyare sa isang 'to? 😳
"Oo," hindi ko pinansin ang pagseselos nito, dahil alam naman niyang hindi ko siya ipagpapalit kung kanino man. ☺️
"Hmp! E, bakit mo pa ako pinapunta dito?"
"Gusto ko sanang magpatulong sa'yo na pumili ng susuotin ko. Kaso, mukhang ayaw mo ata. Sasama pa naman kita para makilala mo 'yung The Bachelors." Kunwari ay ako naman ang nagtampo. Hihi. 😂
Napansin kong nagbago ang awra ni Ellise at mas lalong lumapit ito sa kinauupuan ko.
"Hindi mo naman kasi sinabi agad!" Sabi nito na malapad ang pagkakangiti sa akin. Natawa nalang ako sa reaksyon nito.
Nag-umpisa na kaming maghalungkat ng susuotin ko para sa birthday ni Gail.
Nang matapos kami sa pamimili ng damit ko, umuwi muna si Ellise para siya naman ang makapag-ayos.
Suot ni Jessie para sa party ni Gail
Suot naman ni Ellise
🎂🎂🎂🎂🎂🎂Nakarating kami sa Mansyon nila Gail. Ang OA lang sa laki ng bahay nila. 😳