Matapos ang klase, nagtungo ako sa garden para mapag-isa.
Alam ko naman kasing hindi ako belong sa World Class Canteen nila, so bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko doon? 🙄
Naupo ako sa isa sa mga bench sa garden. Nilabas ko sa bag ang pinabaon sa akin ng Nanay ko.
Adobong baboy at kanin ang baon ko. Nag-umpisa na rin akong kumain.
"Hi," tumigil ako sa pagkain at nilingon ang pinanggalingan ng boses.
Nakangiti itong lumapit sa akin.
Jusko! Hanggang dito ba naman ay may mga paepal pa rin? 😒
"I'm Gail. And you are?" Tanong nito sa akin habang nakalahad ang kamay nito.
Tiningnan ko muna ang kabuuan niya bago ito sinagot.
Mukha naman siyang harmless. Pero, hindi rin. Baka mamaya ay sugo pala siya nung The Bachelors na 'yun. Mahirap na. 🤔
"Alam mo, kung balak mo akong bully-hin, pwede mamaya na? Kumakain pa kasi ako." Sagot ko sa kanya at muling kumain.
"No. I'm not a bully person. I just came here to make friends with you. We're actually classmates."
Muli akong tumigil sa pagkain at humarap sa kanya.
Totoo ba 'to? May gustong makipag-kaibigan sa akin? Wow. 😳
"I'm sorry about The Bachelors. Ganun kasi talaga sila."
Napatango-tango nalang ako sa mga sinasabi niya.
Totoo nga talagang gusto niyang makipag-kaibigan sa akin.
"So, are we friends now?"
Tumango na ako ng makumbinsi niya ako sa malinis niyang intensyon sa akin. Agad naman itong tumabi at nilabas sa bag ang kanyang baon.
"Ikaw si Jessie, right?" Tanong niya sa akin habang ngumunguya siya.
"Oo,"
"Alam mo, in my 4 years here in STU, I never had the chance to have friends here. Ewan ko ba. Parang ayaw nila sa akin. Mayaman naman ako. Pero, wala e." Kwento nito.
Natigilan ako at tumingin kay Gail. Bakas sa mukha nito ang malungkot na pinagdaraanan.
Ang lungkot naman ng buhay niya. Akala ko ay mas malala na ang akin. 'Yun pala, mayroon din akong kapareha ng sitwasyon. At partida, mayaman pa 'yan. Tsk. 😕
"Baka kasi kaya hindi ka nila kinakaibigan dahil hindi ka gumagawa ng paraan para kaibiganin sila."
Lumingon siya sa akin. "What do you mean?"
"I mean, hindi naman kasi nasusukat ang pagkakaibigan dahil lang sa estado mo sa buhay. Lahat naman siguro kayo ay puro mayayaman dito. Pwera nga lang sa akin. Minsan kasi, ikaw mismo ang gumawa ng way para mapansin ka nila. Kagaya ng ginawa mo kanina." Payo ko sa kanya.
Unti-unting umarko ang ngiti sa mukha ni Gail.
"Thank you, Jessie."
"Ano ka ba. Wala 'yun. Hindi ko nga alam kung saan ko nahugot 'yun e."
Natawa naman si Gail kaya sinabayan ko na rin siya sa pagtawa.
Puro nalang kami kwentuhan ni Gail habang kumakain kami.
Mabuti nalang talaga at mayroon na akong isang kaibigan dito. Atlis, hindi ako malulungkot kahit na wala dito si Ellise. 😊
💄💄💄💄💄💄
"Jess, thank you nga pala ulit." Sabi sa akin ni Gail habang palabas kami ng School.
"Wala 'yun. So, paano kitakits nalang bukas? Ingat ka."