"Congratulations Miss Garcia. Hopefully you will be happy when you get here at St. Therese University. Do not worry, all your fees are free. You can also expect to have your monthly allowance. So again, congratulations. Welcome to STU." Masayang bati sa akin ng Dean na si Prof. James Santos.
Mapaklang pagkakangiti ang sinagot ko sa kanya.
Jusko! Paano ba naman ako sasaya nito kung ngayon palang ay kinakabahan na ako. Hay.
Nakikinita ko na sa utak ko ang mga mangyayari sa unang araw ng pagpasok ko. 'Yung maglalakad palang ako sa hallway ng school, tapos may tatlong babae na haharang sa paglalakad ko at papatirin ako. Mas matindi, buong semester nila akong bubullyhin dahil sa pagiging mahirap ko. Jusmiyo!
"And, oh, by the way, the start of classes will be next week. And here is your key for your locker room." Inabot nito sa akin ang susi. "See you then." Dagdag pa nito at muli akong nginitian.
Isang mapaklang ngiti ulit ang sinagot ko sa kanya bago lumabas ng opisina niya.
Napasalampak ako sa pader nang makalabas ako.
Grabe. Kinakabahan na ako. Bakit ba kasi pumayag akong mag-take ng entrance exam? Masaya naman na ako sa eskwelehan ko, e. Bakit ba kasi ako pinalipat ng nanay kong magaling?
Well, meron kasing program 'tong STU. Kapag may nakapasang isang examiners sa entrance exam nila, magiging libre na ang pag-aaral niya sa STU. At sa kasamaang palad, ako ang bukod tanging nakapasa sa lecheng entrance exam nila. At hindi ko alam kung paano akong nakapasa, e hindi naman ako katalinuhan. Hinulaan ko na nga lang lahat ng mga sagot ko, e. Hay, kainis!
"You again?"
Inangat ko ang ulo ko para kilalanin kung sino ang nagsalita.
Ugh! 'Yung walang modong lalaking bumangga sa akin kanina. 😒
"O, ano ngayon?" Mataray kong tanong sa kanya.
Napatawa naman ito. "You might be the new student who passed the entrance exam, right?" Tanong niya sa akin.
Inirapan ko siya. "E, ano naman ngayon sa'yo? Sa tingin mo ba, ginusto kong makapasa sa pesteng entrance exam na 'yan, ha?" Mataray kong sagot sa kanya.
Kainis! Akala mo kung sinong gwapo. Tapos kung makapag-tanong pa, feeling close. Sarap hampasin ng upuan. Kung hindi ka lang talaga gwapo, e.
"Woah. Easy. You know what, you must be happy because you just passed." Sabi pa nito na parang nang-aasar pa.
Wow, ha. Bakit ba ako nakikipag-usap sa kutong lupa na 'to?