P.E class today kaya nandito ako sa locker room para kunin ang P.E uniform ko."Hey, scholar!" Napalingon ako kay Zyrus na siyang tumawag sa akin.
Jusko! Nandito na naman ang buhawi ng buhay ko. 🙄
Pero, aaminin ko. Ang gwapo niya sa suot niyang P.E uniform. Ang toned kasi ng muscles ni kupal kaya fit na fit sa kanya yung uniform.
Pwe! Kailan pa ako naging critic ng pananamit ng kupal na 'to?! 😕
"Yes?" Inalis ko ang tingin sa kanya at bumalik sa pag-aayos ng locker ko.
"I want you to be my partner in contemporary dance practice later." Walang prenong sabi nito.
Aba! Anong karapatan niyang utusan akong maging kapareha siya?! May pamimilit lang? Aba, aba! 😡
"Sorry, partner na kami Bryce. Napag-usapan na namin 'yon kahapon." Agad kong sinabi na walang lingon-lingon sa kanya.
"Didn't Bryce tell you that he can't make it to school today?" Humarap ako sa kanya at kasalukuyan siyang nakasandal sa locker at nakahalukipkip ang kamay.
Luh. Sira ulong lalaki na 'yon. 😳
Hindi man lang niya ako sinabihan agad.Inayos ko ang sarili ko at hindi nagpaapekto sa sinabi niya. "Ah, ganun ba? Hindi nga niya nasabi sa akin. Pero okay lang. Sasabihin ko nalang kay Sir na hindi muna ako magpa-participate sa practice." Sinira ko ang locker ko at naglakad palayo sa kanya.
Natigilan ako nang pigilin ako ni Zyrus sa paglalakad. Humarap ako sa kanya.
"I said, I want you to be my partner. No buts, no questions." Maawtoridad na sabi nito at saka naglakad palayo sa akin.
Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Zyrus. Tila ba natameme nalang ako.
Teka nga. Ano bang problema ng lalaking iyon? Nung kailan lang ang init ng dugo niya sa akin. Tapos ngayon pipilitin niya pa akong maging partner niya.
Wow lang. 😳
👀👀👀👀👀👀
Nakaupo ako at nakatulala nang mapansin kong nasa tabi ko na pala si Gail.
"Hey, are you okay?" Tanong sa akin ni Gail. Tango lang ang sinagot ko sa kanya.
"By the way, si Tyrese ang partner ko. Grabe. First time niya akong in-approach kanina." Kinikilig nitong kwento. Puro tango lang ang sagot ko kay Gail.
Ewan ko ba. Parang ang incomplete ko ngayon. Pero sige, hindi ko na idedeny. Namimiss ko Bryce. 😢
Maya-maya ay nagpaalam na sa akin si Gail dahil sinundo na siya ng kapareha niyang si Tyrese.
Samantalang ako, nandito pa rin sa bench. Hindi ako pinayagan ni Sir na hindi mag-participate sa practice. Kaya eto, wala akong choice kundi makipag-partner kay Zyrus. 🙄
"Hey." Tawag sa akin ni Zyrus na nakangisi sa malayo.
Pinangmilugan ko siya ng mata at naglakad papunta sa kanya. Tss. 🙄
"See? You need to participate in this practice. No excemption is allowed here even if you're a scholar." Sabi nito nang makalapit ako sa kanya.
Hindi na ako sumagot sa kanya dahil ayokong makipagtalo pa. Baka dumugo lang ilong sa ingleserong 'to. 😕
"Okay class. Go to your respective partners. We're going to start our dance practice."
Nang dumating si Sir, nag-umpisa ng magpuntahan sa kanya kanyang partner ang mga kaklase ko.