Chapter 1

1.7K 22 3
                                    

Someone's POV

"I want you to make this effin' man to fall for you and after that break him, hurt him, emotionally." she said as she already signed the papers. Nakita ko ang pag-ngisi nya.

"Less than 5 months." I said and then we shake hands.

This is going to be fun.

Clive's POV

Napatitig na lang ako sa babaeng pumasok ng room namin.

Grabe ang ganda niya. Ibang-iba siya sa mga ibang babae na nandito sa school. Bago lang kaya siya?

F**kboy alert. Yes, you read that right. May problema ba?

"Hi? Sorry kung nag-trespass ako sa room na 'to pero ito ba yung room ng 4th year - A?" natawa ako ng konti. Trespassing daw sa room haha. Ang cute.

"Yes. Tama ka ng room na pinasok." sabi ko.

"Finally. Papasok na ako ah? Can I seat beside you?" tanong nya na ikinalawak naman ng ngiti ko.

"Sure." sabi ko kaya naman umupo na sya sa tabi ko.

"Masyado bang napaaga ang pasok ko?" Lilinga linga nitong sabi.

"Sobra pa sa maaga, Miss." sabi ko naman kaya medyo natawa ako.

"Bakit? Anong oras ba ang start? Di ko kasi alam kaya pumasok ako ng maaga." ang cute niya. 7:00 AM palang at 9:00 AM ang start ng klase. Napaaga lang ako kasi nga nangha-hunting ako ng babae, at kung sinuswerte nga naman talaga ako ay ang swerte pa mismo ang lumapit sa akin.

"9 o 'clock" sabi ko at napa- 'O' naman ang bibig nya.

"Sana pala nag-breakfast muna ako." bulong nito pero masyadong malakas yun kaya narinig ko. Di naman ako bingi.

"Gusto mo bang kumain muna tayo sa canteen?" alok ko at napatingin ulit ito sa akin.

"Okay lang ba?" inosenteng tanong nya.

"Yeah. Let's go?" sabi ko kaya naman niyaya ko na sya palabas.

Habang naglalakad kami sa hall way ay naririnig ko ang bulungan nang mga babae, yung iba tumitili pa. Ang gwapo ko talaga.

"You're quiet popular." nakangiti nyang sabi.

Kahit onti palang ang estudyante ay pinagkakaguluhan na ang kagwapuhan ko. Paano pa kaya mamaya?

"Oh, paki-alis ang quiet. Not to mention but Im really popular." proud kong sabi kaya naman ngumiti lang sya sa akin.

Nagdire-diretso lang kami at maya-maya ay nakarating na kami sa canteen.

Lumapit agad kami sa counter at agad siyang tinanong ng gusto niyang kainin.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.

"Kahit ano nalang dyan. Ikaw bahala. Di naman ako maarte. Ito pala yung pangbayad sa food natin. Sagot ko na." sabi niya sa akin.

"No, ako na bahala. Sayo na yan.Umupo ka nalang muna." sabi ko sa kanya at saka siya naghanap ng seat.

"Talaga? Salamat." at saka siya umalis para maghanap ng seat.

Pumili na lang ako ng meal na may itlog tsaka corned beef. Yun lang kasi mukhang masarap doon eh.

Matapos kong kunin ang food namin ay nakita ko siyang nakaupo malapit sa bintana kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Here's your food." sabi ko kaya naman napalingon sya sa akin. Nakasilip kasi sya sa bintana at tinitignan ang paglalakad ng bawat estudyante.

"Thank you." nakangiti nyang sinabi kaya naman kumain na rin ako.

"Would you mind if you tell me your name?" naitanong ko sa gitna ng tahimik na pagkain namin ng breakfast.

Ngumiti na naman sya sa akin. Ang ganda niya talaga.

"Mamaya na lang pag magpapakilala na sa class." sabi nya kaya nanahimik na lang ako.

Natapos kaming kumain ng sobrang tahimik. Pareho lang siguro talaga kaming gutom.

"Gusto mo bang libutin tong school? I can tour you around." aya ko sa kanya.

"Sure." simple niyang sagot at saka kami tumayo sa kinauupuan namin at lumabas ng canteen.

Nailibot ko naman sya sa school para maubos ang oras namin. To be honest, she's really fun to be with. Hindi ko alam pero ganun sa tingin ko eh.

Hindi namin namalayan ang oras at 8:30 na pala.

"I think we should go back." sabi ko kaya naman ngumiti sya sa akin. Habang tinatahak ang daan ay ito na nga, naririnig ko na ang tiliian ng mga babae pero parang may naririnig ako nagbulungan pa ng mga lalaki. Grabe talaga ang karisma ko.

"Shit. Siya ba yan? Kingna ang ganda nya sa personal."

"Nakakita na ako ang anghel. Kunin niyo na po ako mahabaging langit."

"Pare, si Nix yan di ba?"

Nakarating na kami sa room at napangiti ako ng makita ang mga kaibigan kong nasa harap ng pinto na nagku-kwentuhan. Napalingon naman silang tatlo ng maramdamang may tao sa likod nila.

"Uy pare! Buhay ka pa pala?" Sabi ni Matt.

"Pre! Pumapangit ka ata ah?" nang-aasar na tanong ni Liam.

"Gago ka talaga Liam." natatawang sabi rin ni Ian.

Nag-batukan lang kami hanggang sa mapansin ni Liam ang katabi ko. Shit, nakalimutan kong kasama ko pala yung bago naming classmate.

"Sino yang kasama mo pare?" nakangiting tanong ni Liam.

"Bago nating ka-classmate." sagot ko naman.

"Shit. Naka-bingwit ka kaagad ng babae?" nang aasar na tanong ni Ian.

Sinamaan ko 'to ng tingin dahil naramdaman ko na medyo hindi kumportable ang katabi ko.

Nakaramdam naman sila ng pahiwatig ko kaya nanahimik na sila.

"What are you doing infront of the door?" tanong ni Ms. Tioco ang homeroom teacher namin. Nakakagulat naman. Agad kaming nagsitakbuhan papasok ng room at umupo sa kanya-kanya namin seats.

"Good Morning class." sabi ni Ms. Tioco.

"Good Mor--"

"I wont say anything na marami for today and ayoko masira ang araw ko sa malamya niyong good morning.Please introduce yourselves first. Let's start with the person at the back." sabi ni Ms. Tioco. Trip talaga ako nitong kingnang 'to eh.

Pumunta ako sa harap at nagpapakilala.

"Good Morning, my name is Clive Laurent Villareal. Single and ready to mingle." sabi ko kaya nagtawanan naman ang mga ka-classmates ko. Pero syempre nangingibabaw ang hiyawan ng mga kaibigan ko.

"Woooo! Tropa namin yan!" sigaw ni Liam. Gago talaga.

"Please sit down." sabi ni Ms. Tioco.

"Next." sabi ni Ms. Tioco

Agad naman na tumayo si bagong classmate.

"Good Morning. My name is......Staea Nixian A. Ceon. Please remember my name."

That name.


Author's Note:

Ito po yung paraan kung paano bigkasin ang mga pangalan nila. Maarte kasi ako kaya pati names nila nadamay sa kaartehan ko.

1. Staea Nixian Ceon
- Steya Nishan Shon
2. Clive Laurent Villareal
- Cliv Lawrent Vilareyal
3. Ian Klein Lee
- Ihyan Kleyn Li
4. Liam Dayl Perez
- Liyam Deyl Perez
5. Matthew Shaunt Xing
- Mathyu Shont Sing

Sila na muna. Kung magkakaroon ng bagong characters then alam niyo na. Haha.

Love Lots!

Fall For Me (On-going)Where stories live. Discover now