Chapter 24

180 8 5
                                    

Staea's POV

"Totoo ba na ikaw yung bumangga sa amin nung araw na na-aksidente kami at namatay si Denise?"

Paano nila nalaman yun?

Napayuko nalang ako sa katotohanang nalaman na nila ang sikretong pinakatatago ko sa kanila?

Naka-yuko lang ako habang naka-upo. Hindi sinasagot ang mga itinatanong nila sa akin.

"Sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?" tanong ko sa kanila.

"Si Chelsea." mabilis na sagot ni Liam sa akin.

So, tama nga ako?

Tsk. Ang bilis niya ha? Ginawa niya na agad?

"Sasagutin mo ba yung tanong namin o yuyuko ka lang dyan !!!??? Tang ina Nix kanina pa ako naghihintay sa isasagot mo !!!!!!" sigaw sa akin ni Matt.

Isa-isa ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Anong sasabihin ko?

Naguguluhan na ako.

"Please Nix, sagutin mo na yung tanong namin. Di ba hindi ikaw yon? Sabihin mong hindi ikaw yon Nix at makakaalis ka na." sabi ni Matt na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko.

Kung titignan niyo siya ngayon, mukhang sobrang desperado na siya na marinig yung isasagot ko.

Bakit naman po sunod-sunod yung kamalasan na dumadating sa akin Lord?

"Nix, huli na 'to. Ikaw ba yung bumangga o hindi?"

Isang malalim na buntong hininga muna ang binitawan ko.

Im so sorry, Matt.

"A-ako ng-nga M-matt."

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid namin.

Nagulat na lamang ako sa boteng binasag ni Clive. Alam ko na aobrang nagagalit na siya. Parang best friend na rin ang turing niya kay Denise kaya naiintindihan ko.

"Umalis ka muna, Nix." mahinahong sabi sa akin ni Matt habang nakaluhod pa rin.

"Matt, Im so so--"

"SINABI NG UMALIS KA NGA MUNA DIBA!!?? HINDI KA BA MAKAINTINDI STAEA!!!???"

parang nahinto naman ako sa biglaang pagsigaw ni Matt sa akin.

Dali-dali akong lumabas nang kwartong iyon habang umiiyak.

Bakit? Bakit kailangan magsabay-sabay itong problema?

Pumunta ako sa Secret Garden at doon ibinuhos lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.

All I can say is sorry.

Hindi ko alam na malalaman kaagad nila iyon. I was planning to say it to them pag nasa right timing na ang lahat.

Pag alam kong mapapatawad nila ako. Hindi man ganun kabilis pero atleast mapapatawad nila ako.

Clive's POV

"Mga pare, susundan ko lang si Eya." pagpa-paalam ko sa kanila.

"Nasa matinong pag-iisip ka ba Clive? Lasing ka pre oh, lasing. Baka mamaya kung ano pang mangyari habang sinunsundan mo siya. Hayaan mo siyang mag-isa." sabi ni Liam sa akin.

"Baka kasi kailangan niya ng kausap." paliwanag ko sa kanya.

Galit ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit namatay si Denise pero.....

Pero nangingibabaw sa akin yung pagmamahal ko para sa kanya.

Mahal na mahal ko si Eya. Alam niyo yan.

"Ipapakulong siya."

"Teka? Ano?" sabi ko kay Matt na ngayo'y diretsong nakatingin sa alak na hinahawakan niya.

"Ipapakulong ko si Nix. Tsk, ilang taon na akong naghahanap sa bumangga sa atin... yun pala nasa harapan lang natin. Nakikipag-kwwntuhan ng parang walang nangyari."

"Matt, Nix is our friend. Shouldn't we forgive her already? Its been years since nangyari yung aksidente. Why cant we jus----"

"ANO!!? SASABIHAN MO AKO NA PATAWARIN SI NIX? KING INA PRE ILANG TAON AKONG NAGHAHANAP SA BUMANGGA SA ATIN PARA LANG MAIHANAP NG HUSTISIYA SI DENISE PERO NGAYONG NASA HARAPAN NIYO NA YUNG MAY SALA, UMAAPELA KAYO? ANO TO GAGUHAN!!!???"

Kitang-kita sa mga mata ni Matt yung galit na nararamdaman niya.

Para bang nagliliyab ang mga ito.

Napatahimik na lamang ako aa isang gilid. Aaminin ko na nakakatakot talaga si Matt magalit, and I know na gagawin niya talaga yung sinasabi niya.

Gusto kong magalit pero may tama siya.

Pero mahal ko rin naman si Eya.

Shittt!! What the hell is happening? Why am I so torn between my bestfriend and my girlfriend?

"So-sorry. Nadala lang ako." pagpa-paumanhin sa amin ni Matt.

Tinanguan nalang namin siya bilang sagot.

Pagkatapos non' ay umalis na siya bigla sa kwartong ito.

Shit, Im so frustrated.

"Calm down, Clive. Everything will be ok." pagpapahinahon sa akin ni Liam.

And by that, I really cried so hard.

Para akong bakla na hindi mapatigil sa pag-iyak.

Nakakainis lang na kailangan ako makita ng mga kaibigan ko in this state.

But somehow, Im kind of thankful.

Kasi andyan sila ngayong kailangan ko ng mga taong makakaramay.

Im really hopeless.

Staea's POV

*knock knock knock*

Ano ba naman yan ang aga-aga may nambubulabog na agad.

Siguro si mama at papa lang yan. Tss. Bahala sila.

Im tired as hell!

*knock knock knock*

Bahala kayo dyan.

*knock knock knock*

"Tss."

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

"Ma, natutu--- sino kayo?" tanong ko sa mga pulis na nasa harap ko ngayon.

Bakit kasama nila sila Mommy at Daddy?

"Ikaw ba si Staea Nixian Ceon?" tanong nila sa akin.

"Ako nga. Bakit?"

Bigla nilang nilagyan ng posas sa dalawang kamay ko.

"Teka, bakit niyo ko nilagyan nito? Saan niyo ako dadalhin? Teka nga lang!" sigaw ko sa kanila.

"Sa presinto ka na lang magpaliwanag."

-----------------------------------------------------------
A/N:

As I promised! Eto na!! Maikli lang siya kasi ganun talaga. May mga bagay bagay na dapat kayong intindihin 😂 LOL!

Sorry kung late kong na-update kasi may ginawa ako kanina.

By the way.

Di ako makapag-decide kung gagawa ako ng Book 2 or hindi.

Baka kasi di kaya kasi marami akong ginagawa. Bata bata ko la dami ko ng ginagawa huhu!

Huhu.

Follow me on my social media accounts:

FB: Angeline Rivera
IG: xdxtto
TWT: xdxtto

Doncha' worry, namamansin naman ako kasi hindi naman ako famous hahaha 😂

15 years pa lang po ako kaya !!!!! Wala lang. Share ko lang 😂

Happy Reading!









Fall For Me (On-going)Where stories live. Discover now