Chapter 3

441 13 2
                                    

CLIVE'S POV

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako sa pisngi ni Eya. I mean, this is the first time. Bakit ako ganito? Habang tinitignan ko si Eya ngayon na prenteng naka-upo at nakikinig sa harap.

1 point na yung kanina.

"Mr. Villareal!!!" agad akong napabalikwas nang sumigaw si Ms. Guevarra.

"Ms." nasabi ko nalang.

"Kanina pa kita tinatawag dito Mr. Villareal. Hindi ka talaga nakikinig no? Answer this problem." napatingin ako sa math problem na nasa white board.

Paano nga ba ito. Nakatitig lang ako sa harap dahil hindi ko alam ang gagawin.

"Find the vertex, x-intercept, y-intercept and plot it. And then find the axis of symmetry!" sigaw na naman ni Ms.

Yun lang naman pala ang hahanapin. Basic.

Agad kong sinagutan ang math problem.

Nagulat naman si Ms. Guevarra ng nasagutan ko yun. Madali lang naman, di ko lang talaga alam ang pangalan.

"Ok. Sit down." sabi sa akin ni Ms. Guevarra.

Nagdadada na naman sa harap si Ms. at natapos na ang kanyang time. Sunod na ang last subject namin.

Di ko maintindihan kung bakit nagtuturo agad itong teacher na 'to. First day na first day pinapahipan kami. Tch.

tick tock tick tock

*bell rings*

Finally.

Tumayo na ako at inayos na ang gamit ko.

"Uhmm... Lauwrent?" agad akong napalingon at nakita sa harap ko si Eya.

"Bakit?" tanong ko naman.

"Ayos ka na ba?" tanong niya ulit. Sabi na nga ba may gusto to sa akin eh. Ang pogi ko talaga.

"Ah oo. Salamat Eya." at pinakita ko sa kanya ang killer smile ko.

"Welcome. Sige, una na ako. Nice meeting you Lauwrent." sabi nito.

"Nice meet----" di ko na natapos ang sasabihin ko kasi tonalikuran niya na ako.

Di na ako maghahanap ng ibang target. Ikaw nalang. Haha.

MATTHEW'S POV

"Uy pare, una na ako ah? May gagawin pa ako eh." sabi ni Liam.

"Sige." sambit ko naman.

"Oyy! Saan tayo?" tanong ni Ian.

"Anong saan tayo?" sabi naman ni Clive.

"Di ba tayo gagala o mambabae? Kingna pre! Tara na kasi. Pucha."sabi naman sa amin ni Ian.

Ito talagang mga 'to di mabuhay pag walang babae eh. Tsk.

Sabagay akl rin naman. Kaya nga magka-kaibigan kami eh.

"Tara pare! Punta tayong mall." sabi naman ni Clive.

"Sige pare. Palit lang muna tayo ng damit. Ayokong mukhang katawa-tawa sa harap ng mga babaeng makakasalubong na 'tin." sabi naman ni Ian.

At ayon na nga nagsi-alisan na kami. Magkita-kita nalang daw kami sa Parking Lot ng Mall.

Bumaba na ako sa sasakyan ko pagkatapat ko sa bahay. Aalis rin naman ako pagkatapos eh.

"Buti naman at naka-uwi ka na." nakangiting sabi ni Manang Leng. May katandaan na rin sya pero nagsisilbi pa rin siya dito sa bahay namin. Close din kami. Hehe. Share ko lang.

"Ah opo Manang Leng, aalis din po ako agad pagkatapos ko magbihis, may pupuntahan po kasi kami ng mga kaibigan ko." sabi ko naman.

"Ah sige, magbihis ka na ng maka-alis ka kaagad." nakangiting sabi ni Manang Leng at tumalikod na muli para makapag-luto ng di ko alam kung ano yun.

Pag-akyat ko sa kwarto naligo agad ako at pagkatapos ay nagbihis.

Ngayon naman nakaharap na ako sa salamin.

Ang gwapo ko talaga.

Kinuha ko ang limang cellphone ko at pinicturan ko ang mukha ko gamit ang limang yun.

Habang nakatingin ako sa mga photos na yun ay pinagdikit-dikit ko ang limang phone ko.

Walang pinagkaiba. Gwapo pa rin talaga ako.

*cellphone rings*

Kinuha ko ang phone ko na nag-ring. Yung Iphone na latest yung nag-ring. Si Ian tumatawag.

"Pare, nakabihis ka na?" bungad niya sa akin.

"Oo, bakit?" sabi ko naman.

"Tara dito sa sala niyo pre. Ang tagal mo kanina pa kita hinihintay." sabi naman ni Ian.

Gago talaga 'to. Sino ba kasi nagsabi sa gagong to na puntahan ako dito sa bahay. Kung hindi ka ba naman isa't-kalahating tanga Ian.

"Gunggong. Sinabi ko ba na puntahan mo ko dito. Makapang-sisi ka ah!" sigaw ko naman.

"Oo na, pucha! Bumaba ka na" sabi naman ni Ian at in-end call na ang tawag. Bumaba na ako at nakitang kumakain pala ng dessert si Ian.

"Tara na." sabi ko naman.

"Teka lang. Salamat po Manang Leng dito sa pagkain. Una na po kami." pagpapaalam ni Ian.

"Walang anuman. Mag-iingat kayo." sabi naman ni Manang Leng.

"Sige po." sagot ko naman at lumabas na kami ni Ian sa bahay.

Nagkanya-kanya na kaming sakay sa mga kotse namin at pumuntang mall. Wala pang 30 mins. ay nakarating na kami sa parking at nakita naman namin si Clive ma mukhang tangang naghihintay sa amin.

"Kingna niyo. Ang tatagal niyo." inis na singhal ni Clive.

"Gago, ito kasing si Matt nagpapaganda pa kaya ang tagal." sabi naman ni Ian kay Clive.

Gago to ah.

"Anong nagpapaganda!? Gago ka ba? Ikaw nga yun eh. Kabaklaan mo pare eh noh. Umamin ka na, ikaw yung nagpapaganda." ngising sabi ko naman kay Ian.

"Pucha kayong dalawa tara na 'don. Nagugutom na ako." sabi naman ni Clive at umakyat na nga kami.

Kumain kami sa isang restaurant. Kagutom, pucha.

"Ano na Clive? Naka points ka na ba kay Nix?" tanong ni Ian.

"Syempre. Ako pa ba? Ki-niss lang naman niya ako." mayabang na sabi ni Clive.

"Haha gago ka talaga." sabi ko naman at ng matapos na kaming kumain ay pumunta kami ng game zone. Ano ang ginawa namin dun? Malamang naglaro kami dun. Game zone nga diba? Kung hindi ka rin naman tanga eh.

Pagkatapos namin dun ay napagpasyahan namin na bumili nang mga damit.

Habang naglalakad kami ay may makakasalubong kami.

Si Nixian...




-----------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:

Hi guys? Pasensya na kung maikli ang bawat chapters ha? Hanggang 1000 words lang kasi ang kaya ng lola niyo. Hahahah.

Btw. Sorry po sa mga typographical errors and wrong grammars. Di naman po kasi ako perpekto kaya nagkakamali rin. Hehe.

As much as possible ay gusto ko ay araw-araw ako nag-a-update kasi nga maikli lang bawat chapters.

Stay tuned nalang sa ginagamit kong fb acc. Pero hindi pa talaga yun yung real account ko hehe.

I will post there kung kailan ulit ang updates.

Fb: Nix Ceon

VOTES & COMMENTS ARE HIGHLY RECOMMENDED!


Fall For Me (On-going)Where stories live. Discover now