Surprise

0 1 0
                                    

Dex P.O.V

Napanatag Ang loob ko nung malaman ko Ang totoo na Wala silang relasyon nang JC na Yun.

Kaya naman hinayaan ko na silang makapag usap.
"I call her Babe my Babe.. "
Hahaha.. nangingiti Kong Sabi sa sarili habang solo ako sa kwarto ko.

Ewan ko gusto ko Lang talaga syang tawagin na ganun.
Hehe. nakakahiya yung kanina nakipagtalo ako sa mayabang nyang kaibigan.
Ewan ko ba kumukulo dugo ko sa mukhang oso na Yun.

Hmp! Kung Wala lang si Bren sinuntok ko na Yun eh. Halata nman na may gusto sya ke Bren.
In denial lang ang peg nang lokong yun.

Dapat ang JC na Yun ang nasa showbiz ang galing mag deny..
Naku! Kainis!

Sabay higa at takip Ng unan sa mukha ko..
Teka nga bakit ba ko ganito? Nagseselos ba ko,?

Ako Hindi Hindi Hindi....
Makatulog na nga..
Stop thinking Dex.. Wala Lang to!

Brenda P.O.V

Dahil naalala ko ang birthday ni Dex tomorrow ay naisip kong bigyan sya ng sorpresa Kaya naman pag katpos kong maligpit at madala Ang mga pinamili
Ko sa guest room ay nag isip agad ako ng pwedeng gawin.

Tinawagan ko ang mama ni Dex.

"Hello.... Mama Nimfa may Plano po ba kayo para sa birthday ni Dex bukas.?"
"Ahh... Oo ipagluluto ko sya dyan sa bahay nya Ng mga paborito nya. Simpleng salo salo Lang Iha." Sagot ng mama ni Dex

"Ganun po ba? Sa palagay nyo pa magugustuhan nya Kung Isusurprise natin sya." Pag uusisa ko

"Ahh.. ehhh Hindi ko alam Hindi mahilig sa sorpresa Ang batang Yan eh.." medyo alanganing sagot Ng mama ni Dex

"May naisip po ako. Sana po maging ok lang sa inyo"

"O sige.. hehehehe.. para maging masaya Iha ." Excited na tugon Ng mama ni Dex

At Yun na nga nag Plano kami nang mama ni Dex.
Sumang ayon naman sya sa lahat Ng sinabi ko

Sunod kong tinawagan si Manager Popoy para Alam nya na kasali sya sa sorpresa para ke Dex. At nagbigay din sya Ng ilang idea para maging masaya birthday celebration ni Dex.

At pagkatapos ay natulog na ko dahil maaga pa akong gigising.

Narinig ko na ang tunog Ng alarm clock at anong oras na ba?sabay hiccup.  At unat Ng mga kamay.
Ala sais na pala Dali Dali akong bumangon at nagbihis ng komportableng damit.. pink t shirt na medyo maluwag sakin at maong short.
Sabay pusod Ng buhok at puntang banyo para mag sipilyo.

Pagkatapos ay deretso agad ako Ng kusina para sana magluto.

Pero nagulat ako Ng Makita si Dex sa harap Ng mesa nakaupo at nagkakape na.

May breakfast narin na nakahanda. Loaf bread hatdog and egg.
Napatingin sya sakin. Sabay ngiti at bati Ng Good morning Princess.

OmG! Eto nanaman ang nakakaakit nyang ngiti. At Ang isura nya mala anghel.. maliit na mukha.. singkit na mga mata at ang malalaking Braso na may mga muscle.

Nakasando kasi sya na black at panjama na stripes na blue and black. Pero parang kahit anong isuot nya bagay sa kanya. Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.

"Bren! Bren!"Tawag nya sakin.

"Ok ka Lang ba natulala ka ata.
Dahil ba Yan sa kagwapuhan ko?"
Ngumiti nanaman sya Ng nakakaloko..

"Hindi no! Akala ko ba walang bagyo pero bakit parang lumalakas ang hangin dito."
Pag dedeny ko

"Ay! Sus kunwari ka pa!" Pang aasar nya.
"Halika na breakfast na taYo."
Pag aaya nya sakin.

Ay Sayang hindi ko sya napag luto Ng breakfast. Di bale pag kasal n kami araw araw ko yun gagawin.

Wag kang hopia Brenda,Asa ka pa. Sabi Ng other side Ng utak ko. Haaay.. oo nga naman

At nagtimpla na ako Ng kape at umupo sa isa pang upuan sa harap nya. Pagkahigop ko Ng mainit na kape ay kumuha na ako Ng loaf bread at kumain. Tahimik kami pareho dahil sya ay nagbabasa naman ng dyaryo

"Bakit ang aga mong gumising,?
Anong meron,?" Basag ko sa katahimikan
"Wala! Gusto ko lang, bakit wala ba Kong karapatan na magluto say sarili kong kusina?" Sagot ni Dex
"Ahhhh.. sana Sinamahan mo na Ng sinangag." Ngingiti ngiti Kong sabi
"Wow! Ha! Nakapg request ka pa..Kaya ka tumataba eh,,"
"Ayy.. grabe sya." Sabay subo Ng hotdog.
"Akala mo naman Kung sinong hot,."
Sabay subo Ng itlog at tinapay.
"Hinay hinay Lang baka mabulunan ka." Puna nya.
Nag aalala ba sya o nang aasar. Ah Ewan aga aga sarap nya batukan Kung hindi nga Lang nya birthday ngayon. Sabi ko sa isip ko habang abala sa pag nguya ng mga kinain ko.

"At isa pa Bren di mo ba Alam Yung don't talk when your mouth is full.?"
"Alam ko! Bakit makukulong ba ko pag di ko sinunod Yun.? ". Pilosopong sagot ko sa kanya.
"Manners Brenda," paalala nya
"Ewan ko sayo, kwento mo sa pagong." Pang aasar ko sa kanya makabawi man lang ilang araw nya na ko binubuwisit eh. Hahaha. Halata namang nainis Ang mokong Kaya ayun bumalik sa pag babasa ng dyaryo.

Hehehe one point! Kala mo ikaw lang marunong mamilosopo.
Pero mamaya sasaya ka Kasi may surprise ako este kami para sayo.

"I'm done.. ikaw magligpit ha."
"Kelangan ko Ng umalis."
"Te-ka saan ka pupunta?." Pag uusisa ko.
"Sa tahanang walang hagdan." Sagot nya
"M-mag hapon k dun, anong oras
ka babalik?"

"Di ko Alam malamang maghapon akong wala, Kasi may trabaho pa ko na dapat tapusin.
Bakit ba Ang dami mo atang tanong ha Bren." Taas kilay nya sambit sakin.
"W--wla Lang curious Lang ako. Hehehehe.. sige na ako n bahala dito." Pag aasure ko sa kanya.

Tagumpay maghapon syang wala magagawa namin Ng maayos surprise namin. Napapangiti naman ako.

At nakaalis na nga sya.
Tinawagan ko naman agad si mama Nimfa na kaslukuyang namamalengke na dederetso n daw sya dito sa bahay pakatapos. Ako nMan at nakiusap Kay Manager Popoy na tulungan akong maghanap ng regalo Kay Dex. Pag katapos ng schedule ko para say acting training, workshop at kung ano ano pa

Nakakita ako Ng cute na cute na aso.
Isang 🐩 poodle. Mahilig din kasi ako sa aso. Kaya na amaze ako sa ganda at gusto ko syang alagaan.

"Maganda yan",biglang nag salita si Manager Popoy.. "magugustuhan Yan ni Dex.  Kamamatay lang Ng aso nya Las month." Dog lover Yun.

"Ha? Talaga ba! Magugustuhan nya pag eto regalo ko."
"Oo naman", paniniguro no Manager.

"Ay.. sige bibilhin ko to". Excited ako na ibigay sa kanya to..

"Hi!  cutie.... Ano kayang ipapangalan ko sayo? "
Habang hawak Ang cute na aso. "Ang ganda ganda mo naman."

"Ano Kaya pangalan mo?" Giliw na giliw ako sa tuta. Habang nag iisip

"Ikaw na lang si Daisy. Tama Yun na Lang name mo ha.. girl ka naman eh.."
"Ibibigay na Kita mamaya sa makulit at mapang asar na Dex nayun sana alagaan ka nyan mabuti."

Excited na ko para mamaya. Kaya naman umuwi agad ako sa bahay ni Dex.
At andun na ang mama nya at nagluluto na Ng mga paborito ni Dex.
"Ang bango po nyan ah!" Puna ko habang nagluluto ang mama ni Dex.

"Oh! Andito ka na pala," sabay lapit at beso sakin.

"Malapit na ko matapos, Maya Maya ay dadating na ang mga kapatid ni Dex. Kaya siguradong akong matutuwa Yun."
"May cake 🍰 po akong dala mama Nimfa. Sabi nyo po favorite nya Ang Black forest sa red ribbon."
"Ahh.. oo naku Ang batang Yun."

Tinulangan ko si mama Nimfa na ihanda Ang lahat,
Tapos dumating na Ang mga kapatid nya at nakilala ko sila Dina at Don Don. Maganda at gwaPo Rin Ang mga kapatid ni Dex.
At masaya Rin silang kasama.

"Oh! Dadating na daw si kuya Dex." Sabi ni Dina

"Nagtext si kuya sakin dahil Sabi ko andito ko sa bahay nya para manghingi Ng pambayd Ng tuition."
"Ok... Ready na po lahat diba.. "
Patayin po natin ilaw.. Dali Dali tago tayo.



To be continued...........

The Prince in My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon