Panaginip lang

6 4 0
                                    

Brenda P.O.V,

"Ma ano ba? Natutulog ako eh! Istorbo ka eh.  Andun na e, ang ganda na ng panaginip ko."
"Oo Brenda ang ganda nga ng panaginip mo at nakangiti ka pa habang natutulog kaso pano ngayon yan nasunog ang kanin natin."  Pagalit na sabi sakin ni mama.. "haay. Sori na mama napuyat kasi ako eh. Nakatulog tuloy ako." Sabay yakap kay mama at kiss para wag magalit.
"Mama sorry na please with matching puppy eyes pa."
"Ok ok na sige na pasalamat ka Brenda at mahal na mahal kita di ko magawa magalit sayo anak." "Yehey! Thank you ma." Sabay yakap uli. Ganito talaga si mama di nya ko matiis kasi naman nag iisa nya akong anak at single mom siya kaya naman love na love ko rin si mama . Alam ko na kung paano ko sya lalambangin para di magalit sakin. Ay.! Teka papakilala ko pala muna sarili ko .

Ako si Brenda Lyn. 22 years old . NBSB, syempre proud ako no.! Simple, nagiisang anak ng mama ko at di ko alam kung sino papa ko pero ok lang masaya na kami ni mama ng kami lang. Hindi pa ko nag boboypren kasi isa lang ang lalaki ng pinapangarap ko dati tagahanga nya lang ako Simula ng nakita ko sya sa T.V. Teen ager pa ako nuon at  highschool student ng nakita ko sya at grabe di ako makapaniwala kasi kamukha nya ang lalaki sa panaginip ko kaya Simula noon naging taga hanga na nya ako, pero alam ko hindi lang pag hanga ang nararamdaman ko mahal ko na nga ata sya. Kahit pa mag kaiba ang mundo naming dalawa. Madami rin naman akong manliligaw pero ni isa sa kanila ay di ako interesado. Ewan ko ba! Kaya sabi sakin ni mama ay tatanda raw akong dalaga kung ganito ako. Wala eh, Di ko pa nakikilala ang totoong magpapatibok ng puso ko. Na higit sa lalaking pinapangarap ko.

"Mama.. maaga po pala ako aalis ngayon kasi tinawagan na ko ng  for interview sa inaaplayan ko ng trabaho." Paalam ko ke mama
"O sige anak galingan mo ha.  Oo naman ma ako pa.!" Sabay ngiti at yakap ke mama.
"Ang baby girl ko dalaga na ingat ka anak ha. Ipag pepray kita."
"Ok ma! Tama na gagayak na ko."

The Prince in My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon