Ang Prinsipe ng telebisyon

7 4 0
                                    

Dex P.O.V

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sakin halos wala pa akong tulog pero Kelangan ko na agad gumising dahil may maaga akong schedule ngayon sa isang sikat na hotel . Kelangan namin mag shoot for the commercial .. "Hay grabe.," Sabay unat. Ayoko pa sanang bumangon kaso no choice . So pagkatapos kong magkape ay nag prepare  na ako para sa trabaho. Naligo na ako.

Habang nagbibihis ako at nakatingin sa salamin ay bigla kong naalala ang nakaraan ko
Dati lang akong takatak boy dito sa Quezon city hirap ang pamilya ko tatlo kaming magkakapatid at iniwan kami ng tatay kong Koreano. Panganay ako kaya ako tumutulong sa nanay ko sa pang araw araw naming pangangailangan. Hindi ko inakala na makakarating ako sa ganitong estado ng buhay. Meron na akong bahay at lupa na nag kakahalaga ng dalawang milyon .

Mamahalin na ang mga gamit ko at nakakakain na ng masarap ang pamilya ko. Buhay Donya na ang nanay ko. Dati nasa squatters area kami pero ngayon nakatira na kami sa isang exclusive subdivision.

Naalala ni Dex kung paano sya nag umpisa at nadiskubre ng isang talent manager. Nagtitinda sya ng mga candy at sigarilyo at para mabilhan sya ay gina gamit  nya ang maganda nyang boses at gwapong itsura. Nagkataon naman na nauso ang Kpop during that time at dahil mukha syang Koreano ay mabilis syang sumikat. Nag umpisa lang sya sa pag momodelo hanggang sa pina audition sya ng manager nya sa isang ipapalabas na telenovela sa tv.  Ayun na..Boom! dun na sya sumikat ng husto.

Ako nga pala si Dexter Park ang  tinaguriang Prince of Philippine TV. Sampung taon na ko sa showbiz  16 ako ng magsimula rito at di ko akalain n magtatagumpay ako sa larangan ng pag aartista. Ten years na tahimik ang buhay ko sa mundong ito . Walang nalilink sakin na babae bukod kay Trish Smith na totoong naman niligawan ko artista din syA at kapareha ko dati kaya siguro nag click kami sa mga tao ay totoo kasi ang nararamdaman ko para sa kanya. Halos dalawang taon ko syang niligawan kaso bigo ako at kahit anong gawin ko ayaw nya sakin. Kaibigan at ka trabaho lang ang tingin nya sakin ang masaklap pa ay pinili nyang sagutin ang best friend ko sa showbiz na si Mark.

Nung time na yun halos nadurog puso ko. Gusto ko na nga magpakamatay eh. Pero andyan sila mama para palakasin at gabayan ako. Kaya naman mas nag focus ako sa trabaho tumanggap ng maraming project at humakot ng maraming awards. Sad to say pero wala pa kahit isang babae ang nakapalit sa pag tingin ko para ke Trish. 5 years na ang nakalipas pero sinusubukan ko paring mag move on.

"I think I'm well prepared, so I'm ready and I need to go now.." habang nakaharap sa salamin. Gwapong gwapo si Dex sa suot nya. Na white long sleves and black pants. Ang sexy at ang linis nyang tingnan. Maraming babae ang nababaliw sa kagwapuhan ng artista simple lang ang porma nya pero ang lakas ng dating. 

"Ayoko ng malate magagalit ang director." Sabi nya sa kanyang sarili. Kaya naman mabilis na nyang pinatakbo ang kanyang kotse.

The Prince in My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon