Unang pagkikita

4 3 0
                                    

Brenda P.O.V

Sa wakas andito na ko sa City Garden Grand Hotel dito sa Makati. Sabi 11 am pa job interview ko. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na maaga pa. 10.30 am pa lang. Yes! Ang aga ko. Papasok na ko sa hotel nuon at naglalakad lakad  tingin tingin sa paligid. Ang ganda naman talaga na hotel na to kaya siguro sikat at dinarayo ito.  Nag apply ako dito bilang HR. Manager or kahit sa front desk lang ay tatanggapin ko na. Basta magkatrabaho. Hirap kasi pag fresh grad. Medyo mailap pa ang trabaho. Nakatapos naman ako ng Bachelor of Science in Tourism Management. Kaya sa mga Hotels ko sinusubukang mag apply. Luckily natawagan naman ako for the interview . Kaya talaga nag prepare ako ng husto nag ayos at nagsuot ng tamang damit yung magmunukha talaga akong edukada at kagalanggalang. Pero sexy parin at litaw na litaw ang ganda ko.
Habang abala ako ay tumunog ng phone ko. May nag text.
Your interview is on the third floor at the office of our Hotel manager. Please be on time.

Habang nakatingin ako sa phone ko at nagte text ay Naglalakad na ako papunta sa elevator ng biglang....

"Aray! Ano ba?" Ng bigla akong nabangga ng isang lalaki at ka sabay nun ang pagkahulog ng phone ko. Tiningnan ko sino nakabanggaan ko. Matangkad siya. Nakaputing long sleeves,black pants, shades and cap. "I'm sorry miss .. I didn't mean too hurt you." Sabi nya sakin at may pag aalala. Pero ako tinititigan lang  siya at alam kong kilala ko sya.

"Wait. I know who you are. I know you! "Nakangiting sabi ko eto na yun.. eeeeE.. nakita ko din syA ng personal. Ang idol ko My God ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang excitement ay bigla akong na pasigaw .  "Dexter Park, Ikaw nga! Ay! Grabe. Picture ha please... FAn na fan mo ko eh." Kaso nabasag ang screen ng phone ko dahil sa pagkakahulog. Naku patay! Tapos dinumog na kami ng mga tao . Hinawakan nya ang mga kamay ko at mabilis kaming tumakbo . Di ko alam kung bakit., Bigla na lang nya ako hinatak papalayo sa mga taong pilit na humahabol samin.

The Prince in My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon