The truth

0 1 0
                                    

Brenda P.O.V

Nagulat talaga ko ng makita sa harapan ng bahay ni Dex si JC.
Nakaramdam din ako ng awa para saking kaibigan.
Sa s0brang busy ko kamina ay nakalimutan ko na nakisuyo pala ako sa kanya na dalhan ako ng damit. Kanina pang umaga yun ah..

Pero bigla na lang nyang akong hinila ng makita nya ako. At sinabing uuwi na kami.

"Sandali JC. Ano bang problema mo!?" Taas boses at pagtataka kong tanong sa kanya.

"Ano ka ba Brenda ganyan ka ba ka desperate? Para tumira sa bahay ng lalaking yun? Ha!?"
Nandidilat at galit na sabi ni JC.
"Ano bang pinagsasabi mo ha?" Pagtatanong ko sa kanya. Aba ay medyo inis na ako. Yung awa ko sa kanya napalitan ng inis.

"Bakit ka nag sinungaling samin ni tita?
Bakit hindi mo agad sinabi sakin na dito ka tumutuloy sa bahay ng unggoy na yun?"

"JC makinig ka muna please..."
"Tara na uuwi na tayo!"
"Sandali nga!grrrrrrr..  makinig ka muna."

Na ano ha Bren? Na dito ka na at "totoo nga ang balitang ka live in partner mo na si Dexter Park?
Alam na ba to ng mama mo?
Alam mo ba ang gulong pinapasok mo?
Nasisiraan ka na ba talaga?"
Sunod sunod na tanong ni JC.

"Masyado ka na ba talagangdesperada para pumayag sa ganito? "

"Ano ba JC pag salitain mo muna ako.. nangunguna ka! Anong ka live in? Don't tell me nanniniwala ka sa rumors JC?"

"Anong rumors, eh mismong Dexter Park na yun ang nagsabi sakin..  at tatanggi ka pa ha!"

"What the f*ck! Grrrrrrr... "Lagot ka sakin Dexter Park mamaya.. taas kilay at iiling iling kong sabi.

"Hindi yun totoo,1 week lang ako dito sa bahay nya pang samantala lang habang wala pa kong matitirhan."
"Live in partner! Duh! Ganun ba kababa tingin mo sakin best?
Akala mo talaga papayag ako sa ganung set up..
Wala lang talaga akong choice kasi tinanggap ko na yung work na inalok sakin ang maging ka love team ni Dex. Pero hanggang dun lang yun JC."

"Malay ko ba eh.  Patay na patay ka sa lalaking yun. Diba.?" Sarkastikong sagot nya. "Kahit pa anong sabihin mo  mali pa rin dapat pinaliwanag mo kaagad sakin.. mapagkakatiwalaan naman ako diba?" Pag papaliwanag at pag dedepensa ni JC sa sarili.

Nasa gitna kami ng paguusap ng biglang..

*Hey! What's wrong?" Dumating si Dex.
"Oh.. mukhang dito pa sa harapan ng bahay ko kayo nag aaway.."

"Aba! Ang tyaga ng boyfriend mo Bren, hinintay ka talaga."

"A-anong boyfriend?" Napalingon ako kay Dex . At syempre kay JC na rin.
Sabay irap at kunot ng noo.

*Diba sabi mo boyfriend ka nya?"
Sabay turo kay JC .

"Oo k-kaibigang lalaki. Bakit masama ba?"
"Aba! Aba! Teka teka sabi mo live in partner kayo." Eh sinungaling ka pala eh sabay duro ni JC kay Dex.
"Hey! Wag mo kong dinuduro ha! Sa tapat pa ng bahay ko.
Kung ako sayo umalis ka na dahil trespassing ka!" Galit at nanininingkit na mata na sabi ni Dex kay JC.

"Aba! Yabang nito ah."  Kunot noo at jalata ang pagka inis ni JC.

"Tama na! Ok. Parehas kayong may mali dito.
Hindi ko boyfriend si JC okay,
Best friend ko sya.
Hindi rin  kami live in partner ni Dex ok! Maliwanag ba JC."
Pasigaw at iritadong pag sadaqat ko sa kanila.

"Diyosko!"Sabay buntong hininga "para kayong mga bata eh!"
Nanahimik naman ang dalwa at parang na pahiya sa inasal nila.

"Pwede ba madami na kong problema kaya wag na kayong dumagdag pa."
"Dex pwede bang pumasok na tayo sa loob ng bahay mo ag papasukin ang bisita ko. Please."
Mahinahon at pakikiusap ko kag Dex.

"O-ok sige. Tara". At binuksan nya ang pinto.
"Wait hindi nyo ba ako tutulungan ang dami kong dala oh!
Asan na magiging gentle man nyo ha!"
"Nah! Kayang kaya na yan ng BEST FRIEND mo." Sagot ni Dex.

naku.. nakakagigil talaga.  Kainis yong Dexter Park na to.  Sarap kurutin at batukan.

Asar pa more!
"Kung ayaw mo di wag!"
Si JC ang lumapit sakin para tulungan ako sa mga pinamili ko.

At pag pasok namin sa loob ay tumingin ako sa kanila habang naka pamewang.
"Ok mag reready ako ng pagkain natin ha! Dun muna ako sa kusina please wag muna kayo mag away at mag sagutan, pag usapan natin ng maayos ang mga nangyari Jc"
At iniwan ko sila .
Nag saing ako sa rice cooker at ininit ang binili kong lutong ulam na bulalo.

At nag hain na rin ako sa lamesa . Pinuntahan ko sila sa sala. At kapwa tahimik at parang ayaw talaga mag usap ah.
"Kakain na aya ko sa kanila."
Tumayo naman si Dex agad at lumapit sakin sabay akbay.
"Tara na gutom na ko babe."
Nakangising abi sakin ni Dex.
"Ano ba! Dex hindi ito tamang panahon para lagi kang mang biro ng ganyan."
Tinanggal ko ang pag akbay sakin ni Dex .
"JC tara na.!" Aya ko kay JC at "/sumunod naman sya.

Habang nakaupo kami sa lamesa ay halatang halata ko ang tensyon sa dalawa at Samaan ng tingin.
"Ehem!"
"Pwede ba calm down. Sa pinakikita nyo eh parang lalamunin nyo ang isat isa."

"Ok lang ba talagang dito ka muna ha Brenda?" Tanong sakin ni JC.
"Oo naman", paninigurado ko sa kanya.
"Parang wala akong tiwala sa kasama mo dito eh."

"Hey! Baka sayo dapat hindi magtiwala si Bren.
Bakit di ka pa kasi umamin Bro !
Halatang halata naman."
Sagot ni Dex.

Eto nanaman sila! Haaay!
"Babe I think kelangan nyo mag usap ng best friend mo. Iiwanan ko na kayo."

Seryosong sabi ni Dex.
"Stop calling me babe Dex please lang."
Eh kasi naman ayoko mag assume ano.  Baka umasa ko ayokong masaktan. Sabi ko sa isip ko.

"Masanay ka na babe.. because sooner you will be mine."
Sabay ngiti at walk out.
"Whatever!" Sabay irap.

"Ang sweet nyo ha! "Panunuya ni JC.

"Ok let's talk JC.
Please wag mo muna sabihin kay mama ang nakita at nalaman mo ha.."
"Ok. Pero tuparin mo na 1 week ka lang dito sa bahay nya."
"Oo. Isasama ko si mama pag may bago na kong tirahan."
"Kaya Jc please secret lang natin to ha. "
Hinawakan ko ang kamay nya at tinapik tapik naman nya yun

"Ok. I promise. Pero mag ingat ka dito baka kung ano gawin sayo ng lalaking yan.."

"Don't worry. Mali ang iniisip mo sa kanya"

"Fine!"Tapos nag pakawala sya ng buntong hininga..
"So paano ba yan uuwi n ko gabing Gabi na hinahanap na ko samin."

"Sige" hinatid ko sya sa harap ng pinto at nag paalam.

"Bye JC ingat."

"Bye tawagan mo ko pag may problema ok!"

Ngumiti lang ako at tumango.
Tapos umalis na nga sya ng tuluyan.

Pag pasok ko ay inayos ko agad ang kalat sa kusina at si Dex naman ay di ko na nakita.
Siguro tulog na sya sa kwarto nya.

Ano na bang araw bukas chineck ko sa calendar. 
Feb 16 Wed. Aba! Naalala ko birthday ni Dex tomorrow.
Napaisip ako, surpresahin ko Kaya sya.

To be continued.........





The Prince in My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon