A/N : Sorry po kung ngayon lang update, super busy sa school. Maraming events and activites eh. So sa mga nakabasa na nito ay may tyansa na hindi na kayo malito. Malalaman niyo kung binasa niyo. Salamat ulit. Vote and Comment po pag may time.
-------
"Sinabi ko na hindi ba? Pink stripes sila."
...eh?
Nanlaki agad ang mga mata ko at napatingin sa kaniya nang maisip ko na tama ang sinabi niya, tama ang hula niya.
Pero paano niya nagawa yun? Esper ba siya?
Hindi... Hindi...
May pakiramdam ako na hindi lang ganun yun.
Hindi lang nagkataon na nahulaan niya ang kulay ng panty ni Nicole Cuenca, meron pang ibang bagay.
Teka, baka naman nasilip niya bago pa siya pumasok... Hindi kaya interested sa kapwa niya babae?
Kahit ano pa man,
"Rosario... Ano... Paano mo naman nahulaan yun... Paano mo nalaman?"
Sa kabila ng pagkalito ko ay hindi man lang siya nataranta o ano at hindi rin nagbago ang kaniyang ekspresyon.
"It doesn't matter, at tsaka hindi mo rin naman maiintindihan.... Anyway, sa mga ginawa kong effort dapat matandaan mo na ang mga nangyari."
Anong ibig niyang sabihin?
Nakakapagtaka talaga siya.
Napatitig lang ako sa kaniya sa mga sinabi niya. Walang kibo at wala maisip na sabihin.
Sa pagtingin niya sa pagkalito at hindi pag-imik ko ay muli siyang nagsalita,
"Luna... Makinig ka... If you forget dapat alalahanin mo, ang pangalan ko ay «Erika»."
Erika? Teka, Napakapamilyar... hindi ko alam pero parang narinig ko na ang pangalang yun.
"Erika? 'di ba ang pangalan mo ay «Emily»? Nickname mo ba yan o ano?"
"Tumahimik ka at tandaan na lang ang sinabi ko."
Dali-daling sumagot si Emily Rosario na agad agad din ay biglang sumimangot.
Pagkatpos, tumalikod siya at naglakad palayo.
"Sandali lang Rosario...!"
Hindi ko sinasadyang pigilan siya pero kasi...
"Ano yun?"
"Ano kasi..."
Hula ko lang to pero hindi ako sigurado.
"Sabihin mo... Nagkita na ba tayo dati?... Nagkita na ba tayo sa past?"
"...Oo"
Agad niyang sagot.
Nagulat ako. Hindi ko akalain.
Bahagya siyang ngumiti.
"Oo... Dati tayong nakatira sa kaharian, ikaw ang prinsipeng nagligtas sa prinsesang natutulog. Ikaw ang naglistas sa'kin sa mahimbing kong pagkakatulog gamit ang isang makapangyarihang halik."
"Huh?"
Nagtaka ako.
"I'm just joking."
Bago pa man siya tuluyang umalis ay nagpakita siya ng isang ngiti, ngiting tunay na unang beses sa araw na 'to ko lang nakita.
BINABASA MO ANG
Cube That Changes Everything and Zeroth Erika Vol. 01
Mystery / ThrillerHighest Rank Achieved : #103 in Mystery/Thriller Nabuhay ng miserable si Kevin Luna, masasabing wala ng magandang nangyari sa kaniya. Pagkamatay ng kaniyang mga magulang, pagiging laruan ng mga bully ang halimbawa. Isama pa rito ang hindi magand...