R9 : Lies

6 5 0
                                    

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung pa'no nasagasaan si Emily Rosario ng isang malaking truck. Sa lakas ng impact nito ay naghiwalay ang ibang parte ng katawan niya. Mga braso at binti. Nagkalat din ang dugo sa paligid.

Nang maliwanagan ako, nanlaki agad ang mata ko at napasigaw. Hindi ko kinaya kaya tumakbo na lang.

---RESET OCCURRED---

Isang tranfer student ang nagpakilalang 'Emily Rosario' at umupo sa bakanteng upuan na siyang nasa tabi ko lang.

---RESET OCCURED---

Hindi ko alam kung paano nangyari 'to. Ito ba ang sign na ako talaga ang kakagawan ng pangyayaring ito? Ito ba ang sign na ako cube holder na siyang humiling na umulit ang araw? Kung ganun man, hindi ko alam, hindi ako alam, dahil wala akong maalala tungkol dito.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito pero matapos kong maka-usap si Emily Rosario at sabihin ang nangyayari... madalas ko ng napapansin na umuulit nga ang araw. Naaalala ko pero hindi lahat, naaalala ko pero hindi ganun kalinaw. Naghahalo-halo na sa isip ko.

Gayunman,

Siguro namulat na ang isip ko sa katotohanan, na ako talaga ang gumawa ng 'Resetting Classroom', kaya naaalala ko ang iba. Pero may times din na nakakalimot ako at makakaalala ulit. Sa tantya ko, nasa 5-6 times ang kakayahan kong magretain ng memories at makakalimot ulit. Ang magretain ng memories ang hndi ko alam gawin.

Kung ako nga ang may gawa nito, bakit naman ako hihiling ng ganito... Na umulit ang araw?

Bago ang mata ko, si Bianka Manalo, na siyang kaibigan ko, ay nasagasaan ng kotse habang papasok ng school.

Madulas ang daan dahil siyempre dahil kasalukuyang umuulan ngayon.

Nawalan ng kontrol ang driver ng kotse at nasagasaan na nga si Bianka.

Hindi ko inaasahan yun. Nabigla ako. Pero hindi lang naman ito ang unang beses na nakakita ako ng nasagasaan.

Pero hindi ko mapigilan at nanlaki pa rin ang mga mata ko. Ang hirap kasing tanggapin.

Si Bianka Manalo ay nasagasaan. Si Bianka Manalo ay nasagasaan. Si Bianka Manalo ay nasagasaan.

Bangkay. bAngKaY. BAngKAy. BANGKAY.bankAY. Bangkay.

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

Sa pagkakabangga sa kaniya, tumilapon siya ng malakas at nabagok ang ulo at may kung ano tumusok sa katawan niya, wala na akong oras para alamin pa kung ano ang tumusok sa kaniya.

Nagsama ang dugo ni Bianka Manalo at tubig ulan sa kalsada.

Gusto kong sumuka dahil sa nakita pero hindi pwede. Pinigilan ko. Alam kong ilang beses ko ng nakita ko kaya hindi pwede.

Normal na lang akong pumasok na parang walang nangyari. Hindi ko na binigyang pansin pa o dinamdam.

Bakit?

Uulit lang din naman 'to. Uulit lang ang lahat.

Oo uulit lang, kaya 'wag kang mag-alala Bianka, OK lang... Uulit lang din naman 'to so counted 'to na parang hindi nangyari. Tama ganun nga.

Kaso sa pagpasok ko, wala akong narinig na 'Kayo po ba yung transferee student?' o kaya 'Magkapatid ba kayo ni Kevin kasi magkamukha kayo eh'.

Nagsimula na ang first period.

Tapos na ang first at second period.

Recess na.

Kakagaling ko lang sa canteen at papasok na ng classroom nang may biglang may umakbay sa'kin.

Cube That Changes Everything and Zeroth Erika Vol. 01Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon