Prisoner

315 10 0
                                    

Unti unting idinilat ni Tristan ang kanyang mga mata. Ang huli niyang natatandaan ay sumugod sila sa kuta ng Supremo. Nakita niyang naglalaban si Malia at Supremo. Nakaramdam siya ng hiya dahil hindi niya natulungan si Malia. Nakaramdam din siya ng takot dahil sa huling tanda niya, natatalo ng Supremo si Malia.

"Magandang umaga Tristan. Masarap ba ang tulog mo dyan sa bago mong kulungan? " nakangising tanong ng Supremo.

Biglang tumayo at sumugod si Tristan sa Supremo ngunit napapagitnaan sila ng mga rehas. "Anong ginawa mo kay Malia? Pakawalan mo ako dito. Lumaban ka ng patas. " galit na sigaw ni Tristan.

"Yan ang hirap sa inio ni Malia. Alam nio namang hindi nio ako matatalo pero gusto nio akong labanan." pangisi ngising sagot ng Supremo.

"Naniniwala akong matatalo ka niya! Mag intay ka lang.l!" sigaw ni Tristan.

"Hahaha unfortunately Tristan hindi ko siya iintayin. Dahil ako mismo ang susugod sa basurahang pinagtataguan nila at papatayin ko siya sa harap mo!" ani Supremo.

"Hindi mo magagawa yan. Muna kita!" galit na galit na sabi ni Tristan.

"Oh really? Kayong mga tao talaga, kahinaan nio yang pagmamahal na yan. Though you gave me an idea. They say love will conquer all and love is thicker than water. Let's put it in test." Pagkasabi nito itinulak ng Supremo si Tristan gamit ang kantang pwersa.

Pagtayo ni Tristan, namalayan na lamang niya na nasa likod na niya ang Supremo, hawak ang dalawa niyang kamay. Bagamat batikan sa paggamit ng martial arts, hindi maigalaw ni Tristan ang katawan niya malamang ay dahil sa kapangyarihang taglay ng Supremo.

"Tingnan natin ang kayang gawin ng pagmamahal na yan." paghahamon ng Supremo sabay kagat sa leeg ni Tristan.

Biglang nanghina sa Tristan. Pilitan man niyang lumaban hindi niya magawang makagalaw. Habang unti unting sinisipsip ng Supremo ang kanyang dugo ay unti unti naman niyang nararamdaman ang pagkawala ng kanyang buhay.

"Paalam Malia. Patawarin mo ako at hindi na kita masasamahan sa laban mo sa Supremo." ang naisip ni Tristan habang inaalala ang mukha ng kanyang mahal.

La luna Sangre (Requel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon