Last Chapter

435 12 1
                                    

Nang matapos talunin ni Tristan si Diana, sinundan niya si Malia na patuloy pa ring nilalabanan si Sandrino.  Nag aalala siyang sundin ito dahil sa nakita niyang labanan ng dalawa, di hado pa rin Malia.  Lubhang napakalakas ng Supremo.  Laking pasasalamat niya ng makita niya buhay pa si Malia ngunit sugatan na dahil sa sagupaan nila ng Supremo.

"Malia! Supremo ako ang harapin mo.  Masyado ka ng maraming inaagrabyado.  Marami na ang namatay, pareho kaming namatayan ni Malia ng mga magulang dahil sa kasamaan mo!  Ako ang harapin mo!" hamon ni Tristan.

"Huwag kang masyadong mayabang Tristan.  Baka nakakalimutan mo na ako ang nagbigay sa yo ng pagkabampira mo!" sagot ni Supremo sabay mabilis na sinuntok si Tristan. 

Hindi nakailag si Tristan sa pag atake sa kanya.  Kahit sa pagiging isang bampira, mas mabilis pa rin si Sandrino. Tumayo siya at nilabanan ito.  Tulad ni Malia, wala ring binatbat ang bilis at lakas ni Tristan laban kay Sandrino.  Hindi nagtagal at nabawi ni Malia ang lakas niya at sumama na rin sa pakikipaglaban sa Supremo.  Dahil sa sabay na pag atake ng dalawa, nagagawa na rin nilang saktan ang Supremo ngunit di pa rin ito sapat para talunin nila ito.

"Malia, Tristan, kailangan niyong pagsamahin ang mga kapangyarihan nio para matalo si Sandrino." pasigaw na utos sa kanila ni Jethro.

Nagkatinginan si Malia at Tristan at naghawak kamay.  Naramdaman nila ang bugso ng mas malakas na kapangyarihan na dumadaloy sa kanila.  Dahil sa narinig, lalong pinag-igting ng Supremo ang pag-atake sa dalawa.  Dahil dito, halos magtapat na ang lakas ng dalawang panig.

"Hinding-hindi nio ako matatalo kahit magsama pa kayo!" galit na sabi ni Sandrino sabay suntok sa dalawa.  Sabay ng bumagsak ang dalawa sa lupa at tila hinang-hina na dahil sa takbo ng laban.  Nawawalan na ng pag-asa ang lahat, natalo na nila ang mga rebeldeng bampira ngunit di pa rin nila natatalo ang Supremo.  Sinakal ng Supremo sina Malia at Tristan pataas hanggang di na na nila maabot ang lupa.  Unti-unti nang nawawala ang lakas at buhay ng dalawang tagapaglitas.  "Ito ba? Ito ba ang sinasabi ng propesiya na tatapos sa kasamaan ko?"  patuyang sabi ni Sandrino.

Nag-iiyakan na ang lahat, wala ng pag-asa.  Halos maubos na ang lahi ng mga lobo.  Ubos na rin ang pwersa ng Luna.  Wala ng mga kakamping bampira na mangangalaga sa ikabubuti ng lahat. Ito na ba ang katapusan?  Wala na bang pag-asa?  Ito ang naiisip ng lahat habang pinagmamasdan ang dalawang nagmamahalang nilalang habang unti-unting pinapatay na walang awang pinuno ng mga masasamang bampira.

"Wala ng makakatalo sa akin.  Ako ang pinakamakapangyarihan sa lahat.  Kahit ang propesiya ay kaya kong baguhin.  Wala ng makakahadlang sa akin!!!!" hindi pa natatapos ng Supremo ay bigla siyang nakaramdam ng sakit.  Natigilan siya at tiningnan ang sarili, may dalawang kamay na nakalitaw mula kanyang katawan, two different hands that pierced him.  Si Tristan at si Malia na nasa likod niya.  "Imposible eh sino itong sinasakal ko?" pagtataka ng Supremo. Tiningnan niya ang inaakala niyang Malia at Tristan na sakal sakal pa rin niya ngunit ito ay unti-unting naging mga usok.  Ang kapangyarihang ginamit niya sa pagpatay kina Mateo at Lia ang siyang ginamit ni Malia at Tristan sa pagpatay sa kanya.

Tinanggal na nina Malia at Tristan ang mga kamay nila sa katawan ng Supremo.  Dahil hindi lubusang masama sina Tristan at Malia, nakaramdam pa rin sila ng pagka awa sa Supremo, ang nilalang na nagdulot sa kanila ng puro sakit at pagdaramdam.  Nakokonsensiya si Tristan dahil baliktarin man ang lahat, siya pa rin ang ama niya. Ngunit nanindigan siyang si Tonio at Rica lamang mga magulang niya.  Nalulungkot dahil sa karahasan ngunit masaya ring pinagmasdan ni Malia ang katapusan ng Supremo.  Naibigay na niya ang katarungan sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, mga kalahing lobo at ng mga kakamping bampira.

 Pinagmamasdan nila ito habang unti-unti itong nagiging abo. Tapos na ang kasamaan. Natupad na ang propesiya.  Natalo nila ang Supremo sa ilalim ng LA LUNA SANGRE (blood moon).

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La luna Sangre (Requel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon