How it all started

1K 17 2
                                    


"Mateo, gising na. Malalate na tayo sa trabaho. May meeting pa tayo sa board. Bumangon ka na dyan.", paggising ni Lia kay Mateo.

Pupungas pungas na dumilat si Mateo. Napuyat kasi silang dalawa ni Lia sa sobrang kwentuhan nila kinagabihan. Halos gabi-gabi silang nagkukwentuhan ni Lia sa ilalim ng sikat ng buwan. Napakasarap sa pakiramdam ng kapayapaan na kanilang nararanasan pagkatapos ng sagupaan nila ni Lucas at ng mga kampon nito.

Hindi muna bumangon si Mateo at nakangiting tinitingnan si Lia habang ito'y nag aayos sa harap ng salamin. Napakaganda talaga ng mahaba nitong buhok, maputing kutis at singkit na mga mata. Napakaswerte niya sa kanyang asawa na hindi lamang maganda, kundi siya pang "Itinakdang Lobo".

"Nay, wag na lang tayong pumasok ngayon. Dito na lang tayo sa bahay or mamasyal na lang tayo sa labas. Magpahinga naman tayo. Sobra pa rin akong pagod dun sa naging labanan natin kay Lucas. ", panghihikayat ni Mateo.

"Tay, hindi pwede. Marami pa tayong kailangan asikasuhin sa Waya. Kailangan nating ayusin ang di pagkakaunawan na naging resulta ng pagrerebelde ni Lucas." depensa ni Lia.

Tumayo na si Mateo at nagsimulang ayusin ang kama. Kahit na si Lia ang CEO ng Waya dahil sa pagiging punong bantay, hindi nila ugali na iasa ang lahat ng trabaho sa mga kasambahay. Kung pwede nga lamang ay sila na lang ni Lia ang nasa bahay. Gusto kasi nila ng isang simpleng buhay lalo na at magiging mga magulang na sila.

Nangingiti-ngiti pang inaayos ni Mateo ang kama nang biglang nagsisigaw sa sakit si Lia. Patakbo niya itong pinuntahan upang tulungan. Kinabahan siya lalo na ng may dugo siyang nakita na dumadaloy sa hita nito.

"Tay anong nangyayari? Anong nangyayari sa baby natin?" takot na tanong ni Lia.

"Tara Lia bubuhatin na kita at isusugod kita sa ospital" pangambang sagot ni Mateo. "Manong iready nio na ang kotse.", patuloy niyang sigaw.

Dahil sa isang bampira, mabilis na naibaba ni Mateo si Lia at naisakay sa kotse. Kung pwede nga lamang eh siya na mismo ang magbubuhat kay Lia papuntang ospital. Bilang isang makapangyarihang bampira, mas mabilis pa siya kesa sa kotse. Mabuti na lamang at naisip niyang wag gawin ito at baka matakot pa ang mga taong makakakita sa kanila.

"Mr. Rodriguez, humina po ang kapit ng baby nio kaya po dinugo ang asawa nio. Pero wag po kayong mag alala ok na po sila. Kelangan na lang po niya ng pahinga. I suggest wag na lang po muna siyang magtrabaho para makapagpahinga siya ng mabuti.", pag gagarantiya ng doktor kay Mateo.

"Salamat po doctor.", aniya ni Mateo sa doktor at pinuntahan si Lia.

"Tay, anong nangyari? Ngayon ko lang to naranasan? Hindi kaya naapektuhan ang baby natin ng nakipaglaban tayo kay Lucas? Nasugatan tayo ng matindi nun." tanong ni Lia.

"Iniisip ko din yun. Pero hindi ba dahil sa mga kapangyarihan natin eh gumaling naman agad ang mga sugat natin at wala namang naging problema. Pero regardless, sabi ng doktor, you need rest. Kakausapin ko na lang sina Frederick and the rest of the board to solve the conflict within Waya. I will also take care the merge of Waya and Club Sangre. Di ko nga lang matutukan further that at kelangan kitang tutukan dahil sa situation mo. " pagkakalma ni Mateo kay Lia.

Makalipas ang ilang bilin ng doktor sa mag asawa ay umuwi na ang mga ito. Bilang isang itinakdang lobo at pinaka makapangyarihang bampira, may mga bagay at pangyayari pa ring wala sa kanilang mga kamay.

La luna Sangre (Requel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon