"Malia, Baristo, alam ko na ang tunay na kahulugan ng propesiya. Nakita ko na ang lahat ng mga nangyari." biglang sigaw ni Jethro mula sa pagkakatulog.
"Anong sinasabi mo Jethro?", tanong ni Baristo.
"Nakita ko sa isang pangitain kung saan nanggaling ang kapangyarihan ng Supremo. Ang kapangyarihang inagaw niya kay Malia!" ani Jethro. Nang makita ang nagtatakang mga mukha nina Malia at Baristo ay nagpatuloy siya. "Ang Supremo ay si Sandrino, anak ni Magnus, ang bampirang pinatay ni Lucille. Dahil sa pagkamatay ng kanyang ama, gusto niyang paghigantihan si Mateo. Sa panahon na yun, hindi niya kayang talunin si Mateo, ang pinakamakapangyarihang bampira. Pumunta siya sa kweba ni Barang ang nagbigay ng propesiya kina Mateo at Lia. Mula doon kinuha niya at ginamit ang isinumpang tinta sa sarili niya. Sa pag-aakalang taglay ng anak nina Mateo at Lia ang pinakamalakas na kapangyarihan, ito ang napili niyang agawan ng kapangyarihan."
"Nang araw na kinuha ni Sandrino ang kapangyarihan mo Malia, dinugo si Lia noon at muntik ka ng mamatay pero dahil nasa sinapupunan ka pa rin ni Lia, naprotektahan ka pa rin ng kanyang kapangyarihan. Ibang usapan na nang ipanangak ka niya." pagpapatuloy ni Jethro.
Nagkatinginan si Baristo at Malia dahil sa mga rebelasyong ito. Itinuloy ni Baristo ang mga sinabi ni Jethro. "Nang ipinanganak ka ni Lia, wala ka ng buhay Malia. Pero hindi sumuko ang mga magulang mo. Pinili nila na isakripisyo ang mga kapangyarihan nila para mabuhay ka. Ipinasa nila sa iyo ang mga kapangyarihan nila para mabuhay ka."
"Tama. Ngayon ang kapangyarihang meron ka ay hindi mismo ang kapangyarihan mo. Ito ay ang mga kapangyarihang ibinigay sa iyo ng mga magulang mo. Nasa Supremo pa rin ang kapangyarihan mo kaya hindi mo pa rin siya matalo." dugtong ni Jethro.
"Pero paano natin matatalo ang Supremo? Sabi sa propesiya, ang anak ng pinakamakapangyarihang bampira at itinakdang lobo ang tatapos sa kasamaan ng bampirang may tatak ng isinumpang tinta. Hindi ba ako yun?" tanong ni Malia.
"Oo ikaw ang anak ng itinakdang lobo walang duda yun, pero ang pinakamakapangyarihang bampira?", ani Jethro.
"Nang hindi pa ginagamit ni Sandrino ang isinumpang tinta, ang tatay mo, si Mateo ang pinakamakapangyarihang bampira. Pero ng nakuha niya ang kapangyarihan mo, at nang matalo niya sa labanan si Mateo, ang ibig sabihin nito, si Sandrino, ang Supremo ang naging pinakamakapangyarihang bampira." sabat ni Baristo.
"Tama, may kadugtong rin ang propesiya na un, may nakita akong dalawang bata na magkahawak ang kamay. Ibig sabihin hindi iisa kundi dalawang tao ang tatapos sa kasamaan ng Supremo. Malia, kailangan natin ang anak ni Sandrino." dugtong ni Jethro.
"Anak ng Supremo? May anak ang Supremo?" tanong ni Malia.
"Oo Malia. Si Tristan. Si Tristan ang anak ng Supremo", kumpirma ni Jethro.
"Nagkakamali ka Jethro. Walang kapangyarihan si Tristan. Oo magaling siya makipaglaban pero hindi siya kasing lakas ng isang lobo o ng isang bampira" tanggi ni Malia.
"Malia, ang tatay mo si Mateo, hindi lumabas ang kapangyarihan niya hanggang hindi siya nakagat ng isang bampira. Malamang ganun din ang nangyari kay Tristan. Lalabas ang kapangyarihan niya sa oras na makagat siya ng isang bampira. Kapangyarihang naman niya sa tatay niya, ang kapangyarihan inagaw ng Supremo sa yo." pagtatapos ni Jethro.