Doubting the Prophecy

426 8 0
                                    

"Mabuti na lang at nakatakas tayo mula sa Supremo" hingal na sabi ni Baristo.

"Tay anong nangyari. Hindi ko maintindihan. Lumabas na ang lahat ng kapangyarihan ko pero hindi ko pa rin matalo ang Supremo. Napakamakapangyarihan niya." nanghihinang saad ni Malia.

"Hindi ko rin alam anak. Baka dahil hindi pa panahon? Baka kailangan na sa mismong pulang buwan kayo maglaban para matalo mo siya." ang sabi ni Baristo habang inaalalayan si Malia sa kama.

Sugatan si Malia sa naging engkwentro nila ni Supremo sa sarili nitong teritoryo. Nakatakas lamang sila dahil sa pagsakripisyo ni Verusca. Bagamat lumabas na ang lahat ng kapangyarihang taglay ni Malia, mukhang hindi pa rin ito sapat upang talunin ang Supremo.

"May hindi pa ako sinasabi tungkol sa propesiya".

"Jethro, ang akala namin matagal ka ng napatay ng Supremo." gulat na sabi ni Baristo.

"Nang nagkakagulo kanina sa kampo ng Supremo, nagawa kong tumakas. Dinukot nila ako at kinulong sa kuta nila." paliwanag ni Jethro. "Malia, hindi pa buo ang propesiya na nabanggit ko dati."

"Hindi ba ang propesiya ay....
Sa gabing nagdurugo ang buwan,
Ang anak ng pinakamakapangyarihang bampira at ng itinakdang lobo ang siyang tatapos sa kasaaman ng bampirang may tatak isinumpang tinta." pagtataka ni Baristo.

"Oo tama un pero hindi dun natatapos ang propesiya, dalawang tao ang nakikita ko sa propesiya at hindi isa." dugtong ni Jethro.

"Pero si Malia lang ang anak ni Mateo at Lia, ang pinakamakapangyarihang bampira at itinakdang lobo." sabi ni Baristo.

"Hindi ko na rin alam Baristo. Madalas maraming ibig sabihin ang propesiya. Oo nakikita ko siya pero madala hindi ko maipaliwanag ang totoong ibig sabihin" paliwanag ni Jethro.

"Tay si Tristan?" tanong ni Malia. Matatandaang kasama si Tristan nang sugurin nila ang kuta ng mga rebeldeng bampira.

Hindi agad nakasagot si Baristo. Masyado silang maraming naengkwentrong mga kalaban at hindi na nila nakita sa Tristan. Nangangamba siyang napatay ba ito ng mga alagad ng Supremo or ang Supremo mismo. "Nak hindi natin kasamang nakatakas si Tristan." mahinang sabi ni Baristo.

"Kailangan kong bumalik dun Tay. Kailangan ako ni Tristan. Kailangan ko siyang mailigtas. " pilit ni Malia.

"Sige Malia pero wag ngayon. Magpalakas ka. Kung babalik ka dun siguradong matatalo ka ng Supremo." pigil ni Baristo.

Hindi na nagawang magpumipilit ni Malia dahil sa mga sugat at pagod na tinamo niya.  "Tristan pangako babalikan kita. Hindi ako papayag na pati ikaw kunin sa akin ng Supremo." sambit ni Malia habang pinipikit ang mga mata.

La luna Sangre (Requel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon