WATTA CHANGE !

44 1 0
                                    

( RURU's P.O.V )

Saan ? Nasa university na ho. Time check : 5:00 in the morning sharp.

" Siguradong ako ang pinaka'maaga ngayon dito ! I MADE IT . Wohoo ang galing ko talaga ! " buong pagmamalaking sigaw ko,at nagtatakbo sa hallway.

I promised myself na kung mala'Late man ako, hindi na araw-araw. Sa nangyari kahapon dapat natuto na ako. Nakakahiya naman kay Dad at kay kuya Clark kung makikita lang nila sa report card ko ang malaking marka ng tardiness.

I enjoyed walking in the hallway. Ganito pala ang pakiramdam ng umagang di ako late. Naririnig ko pa iyong mga huni ng kuliglig. As if they're singing. Nakaka-relax at nakakatanggal ng bad vibes.

" Pag nalaman ni Reed na di na ako late, tiyak mabibilib iyon. Yayain ko nga ang tropa na mag-celebrate maya sa BP " ngisi-ngising sabi ko pagkadaan ko sa may dance department.

Lalagpas na sana ako sa building ng may nakita ako sa rearview ng right eye ko. There's a disturbing motion sa may 3rd floor, which is bihirang may umakyat para mag-rehearse kasi nga bukod pa sa medyo sira-sira na ito at hindi pa nare'Renovate. Haunted rin raw ito dahil may namatay na mananayaw mismo roon. Walang nakaka'Alam kung paano pero natagpuan na lang ang katawan nito roon. Some said suicide dahil di nanalo sa isang competition.

" Ang creepy naman."

Parang nagtayuan lahat ng balahibo ko.

Hayan na iyong takot, nagsi'simula ng maghasik sa buong pagkatao ko. Pinilit kong tumingin banda roon sa spot na tila may anino. . .

Anino nga ng tao na sumasayaw !

" St. Michael !!! " i whispered, sabay sapo ko sa rosary bracelet ko. Siya iyong archangel na umapak at nakatalo doon sa devil.

Madilim-dilim pa ang paligid kaya mas tumindi iyong takot ko. I stared intently at the shadow. Tuluy-tuloy pa rin ito sa pag-sayaw ! What on earth ang gagawin ko ?

alam ko na . . .

Takbo ! ! !

" Sige pa Ruru ! tumakbo ka lang. Wag ka tumigil " I said to myself habang tinatalunton ko ang daan palabas ng campus.

Pero suddenly, I stopped.

" Ano bang ginagawa ko ? Dapat di ako matakot. I must be brave, for the Lord is with me until the end times. That's His promise before He ascended into heaven. Atsaka, itong kaluluwang to nangangailangan ng dasal. Siguro hindi pa siya maka'Alis, that is why nagpakita siya sa akin. Indeed there's a reason . "

Huminga ako ng malalim at patakbong bumalik sa may dance dep. nababaliw na nga talaga ako. Pero, kailangan harapin ko iyong takot ko.

I'm always afraid with ghosts. But I shouldn't, because they are really souls who search for eternal rest.

Andito na ko uli ngayon sa may pinaka-tapat ng dance building. Lakas loob kong tiningala iyong third floor. Pero laking gulat ko ng wala na iyong aninong sumasayaw lang kanina. Bahagya akong napaatras, nandito pa rin kasi iyong takot.

Isa, dalawang hakbang ang iginalaw ng paa ko. Ng may kamay ang dumapo sa balikat ko.

" AaAaAaAaAhH ! ! ! " nagta-talon at napatili ako. Sa sobrang nerbyos ko pinagha'Hampas ko iyong kawalang nasa harapan ko.

Nakakatawang isipin na di naman uubra iyong ginagawa ko sa mga yumao na. Pero wala eh instant reaction ko na ata.

" Uy, uy teka , teka lang! Aray aray ! Tama na ! "

DiIkawSiIyah !?( ON-HOLD )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon