( AUTHOR's P.O.V )
Matagal-tagal pa rin, bago tuluyang sumangayon si Ruru kay Nash, at sa nararamdaman nito para kay Camille. Kahit ng malaman niya, na pati si Crista ay di tutol sa dalawa, ay di pa rin siya nakumbinse. Para kasi sa kanya, masasaktan lang ang kaibigan niya.
Siguro nga ay pakialamera talaga tong si Ruru, pero nasanay lang talaga ito na pag sila-sila lang ang magkakasamang magkakaibigan, ay ayos na ang lahat.
Samantalang, di naman tumitigil sina Nory, Nene at Reed sa pangungulit kay Camille tungkol kay Nash. Kaso, nanatiling tahimik lamang ang huli, at puro ngiti lang ang sagot.
.. Sa may cafeteria.
Nagpang-abot sina Reed at Ruru.
" Reed. "
" Oh, Ruru. Hi ! "
" Kumain ka na ? "
" Oo, pero hinahanap kasi kita kanina pa. "
" Huh ? bakit ? mangli'Libre ka ba ng ice cream ? HEHEHE "
" Ikaw talaga. . .pero alam mo na ba ang balita ? "
Nagtatakang tumingin si Ruru kay Reed.
" Tungkol saan ? "
" Ruru. . .kasi. . .nagShift daw ng course si Nash. "
" And so ? ano namang pakialam ko dun ? " biglang nagbago ang mood ni Ruru ng marinig ang pangalan ni Nash.
" At sa, Fine arts dep. na siya ngayon ! "
" Ano !? Sigurado ka ba dyan !? naghihinalang tanong ni Ruru.
" Oo, at kalat na kalat na ito sa buong campus. . .Ruru, sigurado ako. Ginawa ito ni Nash para kay Camille. Diba dapat maniwa- "
" Hindi ! Di naman sinabi ni Camille na gusto niya din si Nash eh. "
" Pero. . ."
"Wala ng pero-pero, halika na. "
Gulat na gulat si Ruru sa nalaman. Di siya makapaniwala, kaya nagpasama siya kay Reed Papunta sa fine arts dep.
Naabutan ng dalawa na magkasama sina Camille at Nash. Kaya naisipan nila na wag muna magpakita. Mangilan-ngilan lang ang mga tao sa oras na yun.
" Ano ba to ? plato ? " tanong ni Nash na mukhang nagugulohan.
" Ano ka ba ? di yan plato. Artwork yang ng isang Greek artist na si Ormn. " natatawang paliwanag ni Camille
Lihim na tumaas ang kilay ni Ruru. Samantalang si Reed naman ay kilig na kilig.
" Waw, ang galing. Eh ito ? mukhang bakla naman ang babae dito sa painting. Bakit wala siyang kilay? " tanong uli ni Nash
" Ngeks !? Pati pala yan, di pamilyar sayo. Si Mona Lisa yan ! HAHAHA."
Napakamot na lang ng ulo si Nash. Pero maya-maya, biglang sumilay ang ngiti mula rito.
" Alam ko na ngayon ! diba si Leonardo de Caprio ang puminta ng mona Lisa ? HAHAHA. Ang galing ko talaga, grabe. " buong pasikat at nag-pogi pose pa ito
" Leonardo de Caprio ? Baka naman. . .Leonardo da Vinci ! HAHAHA, pinapatawa mo talaga ako Nash. " halos gumulong -gulong na si Camille sa paghalakhak.
Kahit si Ruru ay pinipigilan na lang ding tumawa.
" Ay. . .sorry. Artista pala yun. " hiyang-hiya na sabi ni Nash
" Ayos lang yan, HAHAHA ! Sige, mauna na ko. Kita na lang tayo maya. " Paalam ni Camille,
Naiwan na si Nash na nakatitig pa rin sa direksyong tinahak ni Camille. Nababakas ang pamumutla rito. Pero halatang-halata rin ang saya.
" Namumutla na pero nakakangiti pa rin siya ? " namamanghang pabulong na tanong ni Ruru.
" Baka naman kasi. . .yun ang sariling version ni Nash ng pagba'Blush. " mahinang tugon din ni Reed.
" huh ? "
" Sa tingin ko ganun nga. Kasi, kay Camille lang siya nagkakaganyang reaksyon. Napansin din yan ni Nory, kaya tinanong niya kay Crista. And she verified Nory na, walang masamang nangyayari tuwing namumutla si Nash. Talagang, ganun na siya. . . simula ng nakilala niya si Camille. "
Kumunot ang noo ni Ruru, at napaisip.
" Kaya pala, nung una naming kita. Namutla siya when I have said Camille's name. " sabi niya sa sarili .
Nagyaya ng umalis si Reed. Pero di pa sila nakakahakbang ay biglang nagsalita si Nash.
" Masaya ako at napapatawa kita. Kasalanan ko, kung bakit distracted ka nung mga nakaraang araw. Nagaalala ka lang para sa akin, na pinapagod ang sarili ko sa kakabuntot ko sayo. So you drank, to prove that you're really a bad girl and not my type. Kaya, ito ko ngayon. Giving up my daddy's dream for me. Kahit mahirap ang fine arts, kakayanin ko.Just to prove, how much I love you. And maybe someday, you can paint the most colorful and the sweetest yes of yours. " pagkatapos ay naglakad na din palayo si Nash.
Nagkatinginan sina Reed at Ruru. Nababakas sa nahuli ang pagka-guilty.
" Ok lang yan, I know you're just doing this for Camille. Pero, let's give her a chance. Ha ? " pagko'Console ni Reed.
Tama, di na nga kailangang ipahayag mismo sa kanila ni Camille ang halaga ni Nash para rito.
Sapat na ang mga aksyon nito.
Tumango si Ruru, this time. . .
kasama ng ngiting at peace.
BINABASA MO ANG
DiIkawSiIyah !?( ON-HOLD )
РазноеBASED ON A TRUE STORY . . . ? ? ? " Psh. Pag-ibig pag-ibig . Nakaka'corny grabe " " Alam mo kasi, dyan sa love na yan dapat di sineseryoso . Enjoy life ! di naman yan mauubos " " Para sakin, wala pa yung ibigsabihin ng pagmamahal, kaya tigilan m...