( REED's P.O.V )
Isang linggo na din mula nung nagka-ayos na sina insan at si Ruru. Masaya ako at wala ng dalawang pwersa ang nagbabangayan, at ako ang nasa gitana bilang referee.Naikwento na nitong si Ruru ang lahat ng pangyayari, na wala pala talagang multo sa 3rd floor dance dep.
Paano't wala naman pala talagang namatay doon. It also shocked me, na pinakalat lang ang istoryang iyon para walang maka-istorbo sa planong pagre-renovate at pagsasaAyos.
( I must say na mga pasaway nga din talaga ang mga estudyante, that's why walang tiwala ang campus government. )
But then, naudlot at wala pa namang schedule kung kailan matutuloy kaya naiwang nakatiwangwang. And these are all according to Rhaiya na sinabi raw ni manong guard sa kanya.
( Oh well, it's indeed a secret )
Nabaitan ata ito sa kanya nung nag-enroll siya, kaya ng naghahanap si insan ng lugar na pwede pag-istambayan, nabanggit ni manong ang dance dep. since napag-alamanan nito na mahilig palang sumayaw si Rhaiya. Nilinaw rin nito na luma ang lugar, ngunit di naman delikado at maayos pa ang kagamitan.
Kaya naintindihan na ngayon ni Ruru na, ang kinabaliwan niyang dancing shadow ay walang iba kundi si insan .
Pero naman, yung rooftop experience !
Tss, napakadaya talaga. Ako ang pinsan tapos iyong kaibigan ko ang nauna doon ? wow, nakaka-jelly. Tapos nung niyaya ko silang dalawa na isama rin ako, aba't sinabi ba naman sa akin na secret place daw nila iyon !? Ano to, may relasyon !?
HEHEHE joke, ang sabi nila basta pumasok daw ako ng maaga no problemo ! Pero nga kasi, di ako magising-gising ng ganung kaaga.
So. . . that's it.
Ewan ko ba naman sa dalawang iyon, palibhasa kasi parehas na may pagka-astig. Kaya ng nagkita at nagkakilala nung una, nagCollide.
Boom ! sumabog.
" Uwian na ! uwian na ! " sigaw ni Ruru pagkalabas galing sa theatrical department.
" Hoy ! ang ingay mo " sigaw din ni Nory at sinalubong siya.
" Teka, asan na sina Nene, si Reed at si Camille ? " narinig ko pang tanung ni Ruru. Mega phone talaga ito ! HAHAHA
" Weh !? sila ba talaga hinahanap mo? Baka naman si R ? " Isa pa tong si Nory, abot hanggang dito. Wala naman ako sa loob ng cinematography dep. pero malayu-layo rin ang distansya ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
DiIkawSiIyah !?( ON-HOLD )
RandomBASED ON A TRUE STORY . . . ? ? ? " Psh. Pag-ibig pag-ibig . Nakaka'corny grabe " " Alam mo kasi, dyan sa love na yan dapat di sineseryoso . Enjoy life ! di naman yan mauubos " " Para sakin, wala pa yung ibigsabihin ng pagmamahal, kaya tigilan m...