( RURU's P.O.V )
Di na ko nag-aksaya pa ng oras at agad-agad ng umalis ng BP. Kailangan kong makita yung Nash Chrome Torrez na yun !
Kaya pala, siya ang dahilan ng pamomroblema nitong si Camille. Diba nga marami namang babae sa campus ? Bakit taga-fine arts dep. pa kasi ang natipuhan niya !? Argh ! nakakainit ng ulo. As if, lolokohin niya lang ang kaibigan ko.
Dire-diretso akong pumasok sa dance dep. at nagtanung sa unang taong nakasalubong ko.
" Hi ! Excuse me, miss. Alam mo ba kung nasan si Nash ? "
" Si Nash? Why are you asking ? " masungit na tanong din sa akin nga babaeng may pagkakulut-kulot ang buhok at makapal na make-up.
Ano ba ngayon? Halloween ? HEHEHE
Ng di ako sumagot nagsalita uli siya.
" Bakit ? Isa ka din ba sa mga fangirls niya ? Kung isa ka sa kanila, better get off. "
Ano? Ano daw yun ? Ako? Isang hamak na fangirl ? Eh, hindi ko nga kilala yun eh. Tsaka sino ba siya para paalisin ako ?
" Alam mo kasi miss, wala kong alam sa mga sinasabi mo. Nagtatanong lang naman ako ng maayos. " At pinilit kong mag-smile.
" Ganyan din ang sinasabi ng ibang babaeng bigla-bigla na lang sumusulpot rito. At- "
" Hey, Crista ! Ano ka ba ? Bakit naman sinusungitan mo ang isang magandang binibini ? Umagang-umaga oh. "
May isang, uhm. . . isang lalakeng ang lakas ng hangin ? yeah, ang biglang nakisali sa usapan namin.
" Miss, ako nga pala si Richard. Richard Villanueva. " The man in front of me handed over his hand for a shake.
Tumaas lang yung kilay ko. Sorry Richard ah, dahil bukod sa mainit ang ulo ko ngayon, di ko trip na makipag-usap sa kagaya mo.
Napansin niya ata na wala akong balak na maki'Ride in. Kaya napakamot na lang siya sa ulo.
" Teka Miss, taga-saang department ka ba? " Ok. Mabuti at may naitanung na siyang matino.
" Theatrical Arts department. "
He starts to smile sweetly.
" Oh, kaya pala. Napakaartistahin at ang lakas ng dating mo. So, tell me. . .do you have a boyfriend ? "
Napasulyap ako dun sa babaeng tinawag niya na Crista. Nakaismid ito at naka'Fold ang mga braso.
Mariing naglapat ang labi ko. Una, nakatagpo ako ng napakaRJ na babae. Ngayon naman, isang lalakeng naitapat ata sa electric fan nung pinanganak.
Walang pasabing tinalikuran ko ang dalawa. Ayoko sana maging rude. Pero, baka mapuno lang ako at maihagis ko sila sa moon.
This is indeed a waste of time !
Hay, baka babalik na lang akobukas o kahit kailan na wala ang mga nilalang na ito.
" Uy, teka lang ! Miss ganda. Wag ka munang umalis ! Bakit ba? May boyfriend ka na ? Ayos lang, handa akong maging kabeEeEeT ! " pahabol pa na sigaw ni Richard.
Naloloko na ba siya !?
Kahit pa wala akong boyfriend . . . di ko nanaisin na makipagdate man lang sa kanya. Kabet pa kaya !?
BINABASA MO ANG
DiIkawSiIyah !?( ON-HOLD )
RandomBASED ON A TRUE STORY . . . ? ? ? " Psh. Pag-ibig pag-ibig . Nakaka'corny grabe " " Alam mo kasi, dyan sa love na yan dapat di sineseryoso . Enjoy life ! di naman yan mauubos " " Para sakin, wala pa yung ibigsabihin ng pagmamahal, kaya tigilan m...