( RURU's P.O.V )
Pero bigla na lang humarap sa akin yung lalake !
I mean yung. . .babae.
" Rhai-rhaiya !? "
Oo, siya nga ! Di ako pwede magkamali. Mukhang sumama na yung timplada ng mukha niya, dahil na naman ata sa mga pinagsasabi ko.
Malay ko ba ! Teka saan ba siya nanggaling ? Atsaka sa ganitong oras, bakit andito pa siya !?
Sinenyasan niya ko na mauna ng umakyat, magtatanung pa sana ko kaso. . .
mukhang naiinis na siya, kaya napatango na lang ako.
Kasunod ko lang siya na umakyat. Walang kahirap-hirap na naitabi na niya sa akin si Camille. Bale ako yung nasa may bintanang part.
Titig na titig ako kay Rhaiya habang iayos niya sa pagkakaupo si Camille. Bakit parang. . .
parang may something sa kanya ? at yung puso ko, parang . . .
bumibilis yung tibok.
" Pagod lang to. " I thought.
Bago niya kami tuluyang talikuran, may ibinato siya sa akin na agad ko din namang nasalo.
" Hoy ! Rhaiya, anu to !? Sa susunod nga, wag ka na lang basta-basta mangi-itsa ! " pagkatayo ay reklamo ko.
Pero di na niya ko nilingon, at bago pa siya makababa ng bus.
Hinarap. . .
tinitigan. . .
at inambahan niya lang naman ng suntok yung konduktor.
Pasaway talaga
.
Napasandig na lang ako, parang nawala na lahat ng pagod ko. Makakauwi na ako, pati na din tong si Camille.
I'm now starting to feel sleepy, baka dahil sa malamig na hangin na pahapyaw-hapyaw sa mukha ko.
" Huh ? "
Naalala ko bigla yung hinagis ni Rhaiya sa akin kanina. Hawak-hawak ko pa pala iyon.
Napatingin ako sa kaibigan kong tulog na tulog pa rin. Napangiti na lang ako, mas matindi pa pala siyang magala-mantikang matulog, kesa sa akin !
I opened my hand and stared at the object on it.
" Test tube ? " Saan naman nanggaling yun? Tsaka, sa dinami-rami ng bagay. . .iyon pa ang ibinigay ni Rhaiya sa akin. Ano to ? pinaglagyan ng potion or gayuma ?
Out of curiosity, I removed the " tapon " ( wooden cover ). Wala namang laman eh, I just want to know what's inside . . .
sniff sniff sniff
" Uh ! Yung amoy na yun, ang baho ! "
Once again, I smelled the scent that also came from . . .
Camille !
Biglang nag-echo sa isipan ko yung sinabi ng isang pasahero ng jeep kanina.
" Ay, ano yan ? Lasing ata. "
Nanlulumong hinigpitan ko ang hawak doon sa botelya.
No, it can't happen. Uminom ng. . . ng alak itong si Camille.
Di ko mapigilang mapaiyak uli. Kaya pala, mamula-mula ang mukha niya kanina. At yung way na magsalita siya. Pati yung nakakasukang amoy, galing din yun sa mga baklang naglalasingan ! Kaya din pala ayaw niya munang magpakita kina Reed. Dahil mahahalata agad nila. . .napaka'Slow ko naman talaga oh. I should have known.
BINABASA MO ANG
DiIkawSiIyah !?( ON-HOLD )
RandomBASED ON A TRUE STORY . . . ? ? ? " Psh. Pag-ibig pag-ibig . Nakaka'corny grabe " " Alam mo kasi, dyan sa love na yan dapat di sineseryoso . Enjoy life ! di naman yan mauubos " " Para sakin, wala pa yung ibigsabihin ng pagmamahal, kaya tigilan m...