“Aaaaaaaahhh..” malakas na sigaw ni Ms. Sungit.
Tumakbo ako agad para tingnan kung OK siya, at..HINDI, hindi siya OK. Nawalan siya ng malay. Habang lahat ng tao sa paligid ay napatigil sa pangyayari, agad-agad kong binuhat si Ms. Sungit at dumiretso sa school clinic.
Ang bilis nang lakad ko at wala pa atang isang minuto nasa clinic na pala ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kabang kaba ako nung inihiga na siya sa kama. Siguro dahil alam kong ako ang may kasalanan sa nangyari. Kung bakit kasi binully ko pa siya, eh ang gusto ko lang naman ay magsorry ng personal. ㅠㅠ
Lumipas ang isa..dalawa..tatlong oras wala pa rin siyang malay. Pabalik-balik na ako ng lakad sa corridor sa tapat ng clinic sa sobrang guilty ko sa nangyari.
“Pare naman, ano ka ba? Magiging OK lang yung babaeng yun. Diba sabi ng nurse, OK na daw? Kelangan niya na lang magpahinga.”, sabi ng best friend kong si Kurt.
“Pero pare, nag-aalala pa rin ako. Makita ko lang magkamalay siya saka ako magiging OK.”
“Ikaw naman pare, kung makapag-alala ka parang si Roan siya. Lunch time na kaya baka hinihintay ka na nang nililigawan mo sa canteen. Sige ka.”
Saka ko naalala si Roan.
“Ay, oo nga pala. Panu ba to’? Pare, pede ikaw muna magbantay sa kanya? Dadalhan na lang kita ng lunch. Treat ko na. Basta wag mo siyang iiwan ha. Babalik ako agad tsaka bibilisan ko ang kain ko. Pare ha.”
Karipas ako ng takbo papuntang canteen at malayo pa lang nakita ko na ang galit na galit na mukha ni Roan.
“Mr. Jef Yun Park.” Sabi niya.
“Roan, sorry na-late ako. Mahabang kwento, sige kwento ko na lang sayo habang kumakain tayo. Ano gusto mong kainin ngayon?”
“Wala. Nawalan na ako nang gana, paalis na rin ako ngayon. Have a good lunch na lang Jef. Bye.”
Ang labo naman oh, hindi man lang niya ako pinag-explain. Pambihira naman tong araw na to’. Bumili ako ng pagkain na good for 3 persons at bumalik agad ako sa clinic.
SA CLINIC
“Ang bilis mo naman pare. Hulaan ko nagwalk-out na naman yang nililigawan mo noh?”
“Oo eh. Galit na galit agad hindi muna ako pinakinggan, mga babae talaga eh – PAMBIHIRA. May dala nga pala akong pagkain nating tatlo. Ano? Ok na ba si Ms. Sungit?”
“Ay bigla kong naalala, Ok na siya. Pambihirang babae yun, parang hindi babae, nanuntok muna bago umalis. Siguro nangangalumata pa siya. Akala niya ako ikaw.”
“Ha? Eh san nagpunta? Anong pangalan niya?”
“Yun ang hindi ko alam.”
Ang weird nang babaeng yun OO. Di bale ang importante OK na siya. :) Salamat naman at OK siya. Ngiting-ngiti ako nang biglang binatukan ako ni Kurt.
“Hoy Pare! Masama ang epekto sayu ng babaeng yan ngumingiti ka nang mag-isa ngayon. HAHAHAHA. Tara pumunta sa canteen, at doon na natin to’ kainin.”
Tinatawanan ako ni Kurt habang naglalakad kami papuntang canteen hanggang sa mismong canteen. Nang walang anu-anu’y napahinto si Kurt. Napatingin ako sa kanya..
“Ano pare?”, tanong ko. Dahil nga hindi siya nakapagsalita, sinundan ko na lang ang mga mata niya kung san siya nakatingin..
At laking gulat ko nang..
(to be continued..)
BINABASA MO ANG
My Monkey Love ♥
Teen FictionThis is a 5-chapter story about how a MONKEY met a PIG and how they fell in love.