..makita ko si Ms. Sungit na kumakain. Dali-dali akong lumapit sa kanya at sumunod naman agad si Kurt sa akin. MEN, natulala ako nang makita kong bukod sa kinakain niyang kanin ay may dalawa pa siyang extra rice, dalawang fried chicken, juice at dessert na halo-halo sa mesa.
Papalitan ko na ang tawag sa kanya, pede bang Ms. Baboy na lang? Panget. Ms. Piggy na lang para medyo magandang pakinggan. HAHAHA!. :)
“Pare, para siyang construction worker kumain. Bakit hindi naman siya mataba.” Bulong ni Kurt.
“At talagang dumayo pa kayung dalawa dito sa harap ko, para magbulungan? Nang-iinis kayo? Hoy, ikaw unggoy ka ha! Tantanan mo ako at sisipain na talaga kita sa batok pag nagkataon. Dahil sayo, babagsak pa ata ako kay Ms. Dagohoy.”, sabi ni Ms. Sungit a.k.a. Ms. Piggy habang ngumunguya ng pagkain at nakaipon ang pagkain sa kanang pisngi.
“Ah, siya ba professor na papasahan mo ng dayorama? Ako nang bahala sa project mo, siguraong maipapasa mo ung History mo, tama ba?”, nakangiti kong tanong. Ang cute ng babaeng baboy na to’. Hahahaha! :) Buti na lang ninang ko si Ms. Dagohoy, madali kong maipapaliwanag ang nangyari at alam kong maiintindihan niya yon.
“Ha? Bakit anung gagawin mo? Kung kabalbalan na naman yan. Tama na. Ayoko na.”, sabi niya.
“Hindi, basta ako na bahala don.”
Kung gano kabilis siyang magsalita, ganon siya kabilis kumain. Parang bagong hugas na plato ang pinagkainan niya.
“Kung ganon, edi ikaw nang bahala sa project ko ha. Dapat lang ikaw naman may kasalanan eh. Ano nga palang pangalan mo, para kapag hindi mo naipasa ng matiwasay ang project ko ma-huhunting kita.” , sabay halbot sa ID ko.
“Ok, Jef Yun Park, III-Mercury. Aasahan ko yung sinabi mo ha. Sige bye.”
Pagkatalikod niya, “Sabihin mo kay Ms. Dagohoy. DIMARANAN. Alam na niya un. Salamat ulit.”
At lumakad na siyang palayo.
(to be continued..)
Pa-comment at pa-vote naman po :) Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
My Monkey Love ♥
Teen FictionThis is a 5-chapter story about how a MONKEY met a PIG and how they fell in love.