Chapter III : Meet HER (Part II)

45 0 2
                                    

JUNIORS and SENIORS Promenade 2012

Oh, my gulay. Eto na ung pinaka-ayaw kong parte ng HS. Darating na ang nightmare ko. Waaaaaaah! Isinumpa ko pa naman sa sarili kong hindi ako mag go-gown. Pede bang kumuha na lang ako ng PROXY? Hindi ko lang keri ang ganitong klase na events. Sabi sa dulo ng ad..

ALL JUNIORS and SENIORS are REQUIRED to attend.

Magkukunyari na lang akong binulutong, o kaya may typhoid ako. Kahit ano na. Basta! ㅠㅠ

“Naku Sam..etoh na ung hinihintay nating gabi! Buti 1 month preparation pa! Wooooh!.”

“Anu’t ginamit mo ung pronoun na NATIN? Alam na alam mo namang babae ako pero ayaw ko nang magpapakababae sa pananamit eh. At tsaka, sinong magiging date natin?”

“Ano ka ba Sam? Sa daming nanliligaw sayo hindi mo na magiging problema pa yan no’. Ah basta, ako bahala sayo ha. Keribels yan ng joint forces na power natin. Ok?”, kahit kelan magaling mag-manipulate si Steph. Haaay!. Masama to’.

Lumipas ang mga araw, at araw-araw kong nakikita si Jef. Parang simula nang unang tumalbog ang bola ng basketball sa ulo ko, naging instant cast siya ng buhay ko. Tinupad niya ung pangako niya about sa project ko at 97 ang grade ko dun.

Araw-araw siyang nakangiti sa akin. Sa ngiti talaga niya umaabot sa melting point ang puso ko at boiling point naman para kay Roan. Minsan, pumupunta siya sa room namin para manghiram ng notes sa akin at makipag-kwentuhan kasama ng best friend niya. Hindi ko alam kung bakit ganun, pero parang linta si Roan na nakapulupot lagi sa kanya. Insecure na palaka yun, konti na lang talaga sasabunutan ko na siya. Wala naman akong magagawa kasi, kung nililigawan siya ni Jef, siguro mahal niya si Roan. So kahit anong ngiti niya sa akin kung ang puso naman niya ay sa iba, wala din. EMO mode ako. Sentimyento de Patatas. ㅠㅠ

AFTER 2 WEEKS..

Kalat na kalat sa buong school na mag-on na si Jef at si Roan. Sawing-sawi lang ang drama ko. ㅠㅠ Ewan ko ba, pero talagang affected ako. Nakita ko si Jeff sa corridor nung mismong araw na nalaman kong sila na ni Roan. Nakangiti pa rin siya, kaso napayuko ako kasi, wala, hindi ko alam ang nararamdaman ko. ㅠㅠ

Bakit ganun? Haaaay..

Dali-dali akong pumunta sa quadrangle kasi, gusto kong mag-hysterical at magwala. As in magwala talaga. Pagkarating ko sa quadrangle, walang katao-tao. Siguro dahil oras na nang klase ngayon. Pagkaupo ko sa bench, sumigaw ako ng napakalakas na.

AAAAAAAHHHHHHHHHHH.. ㅠㅠ sabay iyak.

“Bakit? Anong problema Sam?”

Boses ni Jef yun ah. Naku naman. >.<

“Anong problema? Bakit ka malungkot? Bakit ka umiiyak? May nang-away ba sayo?”

Gusto kong isagot na, “IKAW na unggoy ka. Pumasok ka sa buhay ko para guluhin ang lahat lahat!”. Kaso walang lumabas na boses sa bibig ko. Umiling na lang ako.

“Gusto mo kantahan kita, Sam? Alam mo ba yung ‘3 Bear Song’ ng Full House? Kakantahin ko un sayo basta promise mo, ngingiti ka na ulit? Sorry ha, kaso Korean version lang ung alam ko eh, mag-aaction na lang ako para mas masaya.”

Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang pumipintig lahat ng bahagi ng kalamnan ko. Hanggang sa nag-umpisa na nga siyang kumanta.

“Gom se-mari-ga

Han ji-be isseo

Appa gom, omma gom, ae-gi gom

Appa go-meun tung tung hae

Omma go-meun nal-shin-hae

Ae-gi go-meun neo-moo ki-yeo-wo

Eu-sseuk, eu-sseuk, jal-han-da”

(ayan teary-eyed na rin si Author, may naalala lang siya bigla ㅠㅠ)

Sa cute ng pagkanta at pagsayaw niya, talagang napangiti niya ako. :)

“Ok ka na ba?”, nakangiti niyang tanong.

“Oo, salamat ha. Tsaka nga pala, Congrats Jef. You deserved to be happy. Be happy at smile ka lagi ha.”

Sabay talikod ko sa kanya, kasi sa totoo lang babagsak na naman ang luha ko. ㅠㅠ

(to be continued..)

----

Sana po may mag-comment, para po malaman ko kung ano po ang palagay ninyo sa story ko. Maraming salamat po. :)

My Monkey Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon