Para akong binuhusan ng yelo sa mga nalaman ko.
“Hindi siya nagsalita ng kahit ano Jef, dahil alam niyang mahal na mahal mo si Roan. Kahit kating kati na ang dila kong magsalita kay Ms. Alice. Pinigilan niya ako at nagmakaawang wag na lang.”, pagpapatuloy ni Steph.
Nag-flashback sa akin ung araw na un at ang lahat ng sinabi ko kay Sam.
“Sam, ang sama mo para gawin to kay Roan. Hindi kasi ganyan ang pagkakakilala ko sayo! Akala ko mabait ka! At akala ko iba ka sa lahat. Mali pala ako.”
Hindi ko na alam ang gagawin. Ang laki nang kasalanan ko. Pano ko pa matatama ang lahat ng ito? Pano? ㅠㅠ
“Ano nang gagawin ko?”, naluluha kong tanong sa kanilang dalawa. “Dadating ba siya?”, sabay tingin kay Steph.
“Oo, baka nga andyan na siya sa hall, ang alam ko may song number siya eh. OK na siya ngayon Jef. Medyo OK na siya. Kinausap lang kita dahil hindi ko matanggap na mas pinahahalagahan mo ang kalantari at sinungaling na babaeng yun kesa sa best friend ko.”, sabi ni Steph.
“Pare, sorry. Nasabi ko na din pala kay Steph ung about sa nararamdaman mo kay Sam. Nanghihinayang ako sanyo. Sana kasi kayong dalawa ang masayang magkasama ngayon.”, napapailing na sabi ni Kurt.
Tahimik kaming tatlo nang biglang narinig naming nagsalita ung EMCEE.
“Let us give a round of applause to Ms. Samantha Dimaranan.”
“Kakanta na siya!”, sigaw ni Steph.
Nagmamadali kaming naglakad papunta sa hall. At mas naririnig ko pa ang malakas na tibok ng puso ko kesa sa palakpakan ng mga tao. At..
nakita ko siya..
Dahan-dahan siyang lumakad pataas ng stage. Naka navy blue siyang gown, tube, maikli sa unahan ang cut ng gown niya at pahaba sa dulo. Kumikislap ang mga mata niya, at ang ganda ng pagkaka-ayos ng mahaba at kulot niyang buhok. Ngayon ko lang siya nakitang naglugay ng buhok, lagi kasing nakatali o kaya naka-braid yon pag ordinary school days. Silver ang suot niyang sapatos at talagang mukha siyang prinsesa.
At nag-umpisa nang tumugtog ang minus one.
(to be continued..)
BINABASA MO ANG
My Monkey Love ♥
Novela JuvenilThis is a 5-chapter story about how a MONKEY met a PIG and how they fell in love.