“Ano ka ba Jef. Ayos lang yon noh! Akala nga ng lahat TAYO na, sino kayang nagkalat non?”, nakangiting sabi ni Roan.
“Hindi ko rin alam.”
“Pero at least nakilala mo yung tunay na Sam. Gusto mo pa rin ba siya? Maghihintay naman ako Jef eh. Kahit ganu katagal hanggang hindi na siya ung mahal mo.”, naluluhang sabi ni Roan.
Hindi na ako nagsalita. Kung pwede lang maturuan ang puso. Nung isang araw nga pala ay pinagtapat ko kay Roan na hindi ko intensyon na saktan siya, pero talagang nahulog na ata talaga ako kay Sam. Lahat na kasi ng katangian na gusto ko nasa kanya. Magulo ang isip ko ngayon, gusto kong kausapin si Sam. Pero sa palagay ko, hindi pa ito ang panahon.
Lumipas ang mga araw.ㅠㅠ
MALUNGKOT. Wala si Sam for three days. Tapos weekend ang kasunod..So limang araw kong hinahanap hanap ung mukha ni Sam. Haaaaaayy..ㅠㅠ
Sumapit ang Lunes, sa wakas papasok na si Sam ngayon. Masaya ako na kinakabahan. >.<
Nakita ko siya, tumingin lang siya sa akin tapos hinila na agad siya ni Steph.
Haaaaaayyy..buhay. ㅠㅠ
Mabilis na lumipas ang mga araw, hanggang Sabado na, mamayang gabi na ung JS Prom. Malungkot pa rin ako. Si Sam kasi ang gusto kong maksama ngayon. Si Sam ang gusto kong makausap. Sino kaya ang ka-date niya?
ANG SAKLAP OO. ㅠㅠ
Sumapit ang oras ng JS Prom, blue ang inner ko tapos naka vest ako. Nagulat ako nang sunduin ko si Roan dahil naka-hot pink siyang gown at balloon kung balloon. Maganda siya. Naka taas ang buhok niya at may korona pa. Naka-cast pa din siya. Napangiti ako sa kanya. At ngiting ngiti niya din akong sinalubong.
“So, Ano? Tara na!”, sabi ni Roan sa akin sabay sakbit ng kamay niya sa braso ko.
Dumating kami sa venue..
Nadatnan kong nag-uusap si Steph at Kurt sa buffet table. Napapailing si Kurt. Pero hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Hinahanap ng mga mata ko si Sam. Pero wala si Sam. Darating kaya siya?
Lumapit kami ni Roan sa kanila, at binati ko naman agad ni Kurt.
“Pare, kumusta? Looking good tayo ah.”, bati ko kay Kurt.
Tumaas na agad ang kilay ni Steph nang makita niya kami ni Roan. Nasabi ko na nga pala kay Kurt na hindi naman talaga kami ni Roan at ang tunay kong nararamdaman kay Sam. Alam niyang lahat, kahit iba ang pagtingin ng buong school sa kung anong meron kami ni Roan, ang importante alam ng best friend ko ang totoo. At mas mahalaga kung malalaman din un ni Sam. Kaso parang malabo na. ㅠㅠ
“Pare, usap tayo.”, biglang sabi ni Kurt.
“Oo ba, tara na sa table. Si Steph ba ang date mo ngayon?”, tanong ko.
“Oo, siya. Pero usap muna tayo pare. Ung tayong tatlo lang.”, sabay tingin ni Kurt kay Roan.
Nakuha ko ang gustong ipahiwatig ni Kurt kaya inihatid ko muna sa table si Roan. Saka ako sumunod sa kanilang dalawa. At kinakabahan na naman po ako. Bakit kasi ang seryoso ng mukha ng bestfriend ko at ni Steph.
Pumunta kaming tatlo sa isolated na lugar ng venue. Medyo rinig pa din ung background music pero sakto lang para makapag-usap kaming tatlo.
“Pare, you’ve made a huge mistake. As in sobrang laking pagkakamali.”, bungad ni Kurt.
Lalo nang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
“Anong nangyari? Anong nagawa ko pare?”, tanong ko.
“Alam mo ba kung bakit nabalian ng braso yang girlfriend mong kuno?”, tanong ni Steph.
“Dahil kay Sam?”, sagot ko.
“HINDI.”, agad na sagot ni Steph. Galit na galit ang tono niya.
At mas lalo pa akong kinabahan.
“Nung araw na un Jef late si Sam sa klase magang maga ang mata niya kaya sabi ko sa kanya pumunta muna kami sa comfort room dahil ang saklap ng hitsura niya. Habang naglalakad, hinarang kami ng magaling mong syota at ng dalawa niya pang kaibigan. Pilit nilang sinama si Sam, gusto kong sumama. Kaso sabi ni Sam, wag na daw. Kilala ko si Sam at alam kong kaya niya ang sarili niya dahil ensayado naman siya. Pero sumunod ako ng palihim kasi, best friend ko kaya si Sam. Alam ko na ang mangyayaring kasunod. Pagkarating nila sa gym, nagsalita nang kung anu ano yang Roan na yan at sinampal niya pa si Sam. Tinanggap lahat ni Sam ang lahat ng panlalait ni Roan. Dahil alam ni Sam na mahal na mahal mo si Roan. Mahal na mahal ka ng best friend ko Jef kaya hindi niya magagawang saktan ka, kaya hindi talaga siya pumalag. Nung aktong hahampasin na ng syota mo si Sam dahil hindi talaga kumikibo si Sam -- nadulas siya, ewan ko kung pinaglihi sa katangahan yang babaeng yan. Nabalian siya kasi humampas ung braso niya sa metal bench ng gym. At yun ang inabutan mo. Pagkatalikod mo, awang awa ako kay Sam, napaluhod siya kaiiyak. Nilapitan ko na siya at hindi na siya nakapasok ng buong maghapon dahil sabi ko mas makakabuti kung umuwi na muna siya.”, kwento ni Steph.
(to be continued..)
BINABASA MO ANG
My Monkey Love ♥
Teen FictionThis is a 5-chapter story about how a MONKEY met a PIG and how they fell in love.