Chapter 1~ Mga Tropang Baliw

46 1 0
                                    

Pagbukas ko ng pinto at napalingon agad ako sa likod ko, May multo ba? Halos lahat sila nakatingin sa direksyon ko, wala namang multo and then...

1...

2...

3...

"KYAAAAAA KUYA ANO PANGALAN NIYO?!?"

"KUYA TABI TAYO, PLEASE?"

"ANG CUTE NIYO PO, PA HUG NGA"

Halos lahat na yata ng mga babae, at gays, napapunta agad sa akin at mukha akong poste na nakatayo lang at tinitingnan ko lang sila habang naka smile pero mabuti naka tiempo ako at nakaalis sa kanila at napa-upo ako sa pinakalikod pero bakit parang nag-iba ang tingin sa akin ng mga girls at gays sa akin ngayon? Para silang natatakot at bumalik na sa mga ginagawa nila kanina at paglingon ko naman sa kaliwa ko may grupo ng mga lalaki, mga 4 sila, at nakatitig sila ng masama sa akin at ako natakot naman bigla. Mukha akong papatayin sa tingin ng biglang may humila sa akin

"Ayyy sorry, hindi kasi alam ng friend ko na may nakaupo na diyan" sinabi ng babae at ngumiti at in fairness, ang ganda niya, pang model ang itsura niya, AY P*TCHA!!! Nag-smile lang sa kanila ang mga mamamatay-tao ay este "gang" yata.

"Okay lang yon Nicole" sabi ng isa na may pagka-nerdy look lang na ewan.

"Mabuti nandiyan si Nicole, fresh meat, at dahil kung hindi bugbog sarado ka sa aming apat" tapos biglang patunog niya sa kamaong nang lalakeng naka bandana, Parang si Dao Ming Su lang ang peg.

"Ahhh cge thank you na lang guys" Sabi ni Nicole at hinila ako sa pinakadulo ng room at umupo siya yata sa upuan niya.

"Hoy, Upo ka sa tabi ko, Dali, chika mo ako" sabi sa akin ni Nicole at nagbigay ng smile at WOW!!! ang puti at ang kinang sobra kaya parang sobrang friendly niya kaya na smile na lang ako at umupo at inayos ko ang mga gamit ko.

"Ay oo nga pala" binigay niya sa akin ang kamay niya, nakikipag handshake yata sa akin kaya hinandshake ko na siya agad at SHETE!!!! Ang kinis ng kamay niya. Sana maging friend ko talaga to ng matagal. Bumitaw na ako nong natapos na siya sa kakaalog ng kamay ko, Hahaha.

"Ako pala si Nicole Emily Sanchez, Nicole na lang tawag mo sa akin, Ikaw? Name mo?"

"Ahh ako si Finley Sullivan Hatchet, Finn for short,"

"Cute naman pala ng name mo, pang sosyal talaga, Sigurado ako ang yaman mo noh?"

"Asus hindi naman noh! Med-"

"Hi sweetie" bigla nalang hinalikan ng isang lalakeng kalokalike si Zac Efron sa pisngi si Nicole at biglang tumingin sa akin ng masama, Ang totoo? May problema ba sa mukha ko?

"Hi rin baby" at biglang napasmile, Ang cute naman mag couple,couple, AY SH*T! AKALA NIYA INAAGAW KO SI NICOLE!!!

"Baby, Eto pala ang new friend ko, Fin meet Arthur, Arthur meet Fin"

"Hi Arthur" kumaway na lang ako at nag smile sa kanya pero ang taray ng lolo niyo! Inirapan lang ako at kiniss ulit si Nicole sa pisngi at syakang umalis.

"Sorry Fin, akala niya kasi may crush ka sa akin, May crush ka ba sa akin?" Ambisyosa naman tong babaeng ito.

"Hindi at imposible" Wow, tumingin sa akin ng masama si Nicole nag aalangin tuloy ako at bigla niyang tanong...

"Bakit naman?" Sabihin ko na lang sa kanya, tutal bihira naman ang makaalam sa secret ko kaya YOLO (You Only Live Once).

"I'm gay" BOOM BASAG!!! Ang mukha niya mukhang sinapak sa tiyan, Nganga siya, Hahaha

Past or Future? [DISCONTINUED] [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon