*Paano nga bang move-on? Halos lahat ng taong nakakapunta sa stage na toh' parang 99.9% ng tao nakakapunta sa ganitong kalagayan pero bakit parang ang hirap para sa akin? Ang tanda-tanda ko na pero bakit hindi parin mawala sa isip ko si Je-*
BEEP!!!
BEEP!!!
BEEP!!!
Bwisit na alarm clock naman -_- Nananaginip pa naman ako.
Pinatay ko na ang alarm clock at tiningnan ko ang oras
"6:57 AM"
ANAK NG TOKWA!!! MA LA-LATE NA AKO!!!
Ang bilis ko talaga kapag late...Nagiging si Flash ako, tapos na ako kumain ng breakfast at maligo at pagtingin ko ng oras...
"7:57 AM"
ALA!! ISANG ORAS NA LUMIPAS!!!
Wala na TT_TT Late na ako sa first day ko sa college
Nako bahala na si Batman, Nagsuot na lang ako ng makukuhang T-Shirt ,kahit anong pantalon na mapulot ko, socks at nag Converse na lang ako at umalis na ako sa condominium ko papuntang school.
Nag commute na ako papuntang college kaya sa tingin ko pwede na akong mag introduce habang nasa jeep ako, okay here goes:
Hi everyone :D I'm Olaf and I like warm hugs :D..... Joke lang (*≧▽≦)ノシ))
Ang pangalan ko talaga ay Finley Sullivan Martin...Sosyal noh? Fin in short... Parang palikpik lang, hehehe. Ano pa ba pwede kong sabihin sa inyo? Well, Makulit, matalino daw at Gaymer ako at totoo ang nabasa niyo, bakla ako pero hindi halata kasi itsura pa lang, bakla ang nagkaka-crush sa akin, Hahaha. Matangkad,maputi, at overall "weird" daw ako sabi ng mga kaklase ko dati sa high school kasi nga hindi nila alam na binabae ako XD
Background history ko pa ba? Well, ang tatay ko ay nanalo sa Lotto... Lucky ng tatay ko noh? Kaya nga noong nasa highschool pa ako puro trabaho at negosyo kaya ngayon naging mayaman kamin... pero hindi naman katulad ni Henry Sy, sobra na iyon, ambisyo na ako masyado kapag ganon, Hahaha.
Ang nanay ko naman ay nagtratrabaho na kasama ng tatay ko kaya parang nanibago ang buong mundo ko kaya ngayon kahit mahirap kami dati pero ngayon nakapunta na ako agad sa isa sa PINAKASIKAT na kolehiyo sa buong Phillipines, ang Oakwood University kaya sana magkaroon ako ng kaibigan, puro mga lintik na babaeng nagsisigawan palagi kong nakikita kaya kapag lalapit ako sa isang tao pag-guguluhan agad kami.
"WOAH!!!" Nabigla ako ng biglang pumara ang jeep napadikit ako agad sa katabi kong babae, nakakahiya.
"Sorry po Miss, Sorring-sorry po talaga" Aba naman dapat siyrempre pogi effects dapat, hehehe.
"A-aah-W-wala iyon" Sabi ko nga, nagblublush, ganyan kalakas ang charms ko.
"OI! POGI!" Sumigaw yung jeepyney driver sa akin
"Bumaba ka na, Eto na ang Oakwood oh"
"Ahh, thank you po" tapos nginitian ko na lang ang driver. Pagbaba ko lumingon ako sa babae at kininditan ko at ayon siya at ang mga kasama niya nagtitilian. Yabang ko no? Ginagawa ko lang to para mangloko, wala naman akong type sa babae nang dahil sa isang pangyayari...AYOKO NANG MAALALA PA!!!
"Ang cute ng lalaki oh"
'Model kaya siya?"
"UWAAA KALERKINES ANG CUTE NG FAFA!!!"
Hindi pa nga ako nakakapasok sigawan agad? Hindi ba pwedeng daanan ko muna ang gate?
Eto talaga ang nakakairita, bwisit pero Fin, Good boy effect ka na lang muna.
Lumingon ako sa mga babae at mga bakla na tumitingin sa akin at nag "hi" ako sa kanila.
"OH MY G!!! NAG HI SIYA SA ATIN!!!"
"ANG CUTE NIYA SOBRA!!! BAGONG HEARTHROB NA NG SCHOOL!!!"
"AAGAHAN KO ANG PAGPASOK KO PALAGI PARA LANG SA KANYA!!!"
Umalis na lang ako at iniwan ko na lang sila, aga-aga landian inaatupag habang ako papansin naman, tumingin-tingin muna ako sa paligid at ang ganda ng O.U pala, dati public highschool ngayon private college, Nakanaks bigtime na ako! Ngayon lang ako nakakita ng napakadaming buildings grabe, ANG GANDA TO THE MAX!!!
Yung gym ko dati sa school basketball court lang na may bubong pero dito Araneta Coliseum yata ang laki.
Ang canteen ko dati chichirya lang kurakot naman pero dito mapa breakfast, lunch or dinner man ang hingin ko kaya nila.
At most of all may quadrangle, may pavillion at may malapit na mall dito, Walking distance lang kaya ang daming gustong pumunta sa school nato pero dapat sobrang taas ng grades kaya mabuti nakapasa ako at may pambayad ng tuition fee kaya happiness to the max.
Naglakad-lakad na ako at mabuti nahanap ko na ang building ng Hotel and Restaurant Management at yung room na hanap ko na rin so, Inhale'Exhale.
Mag sta-start na ang buhay ko sa college.
BINABASA MO ANG
Past or Future? [DISCONTINUED] [BxB]
Novela JuvenilFinn Jake Sullivan is not your typical gay guy, nagbago ang kanyang buhay ng nanalo ang magulang niya sa Lotto at dito na nagkagulo ang buhay niya. Katulong ng kanyang bagong BFF na si Nicole Emiy Sanchez at ang kanyang bagong tropa Hagan niya lahat...