~SAM'S POV~
"Huy" ano ba naman iyan may kumurot sa akin, Tumitingin kasi ako sa mga chicks doon eh, pa epal -_-*
"Ano ba Kenneth?" sabi ko ng may konting pasigaw at nginusuan niya lang ako sa isang lalaki na naka upo kasama namin, sino naman to?
"Ummm..ahhh...H-Hi *gulps* Ako pala si Finley Sullivan Hatchet" at siyaka niya inabot kamay niya, hindi niya ba ako kilala? At bakit ba siya naka upo dito sa amin? FEELING CLOSE!?!?
"Sam Alexander Lee ako at wala akong pake kung sino ka kaya pwede umalis ka na sa amin?"
"Sam!" kinurot na naman ako ni Kenneth habang lahat sila nakatingin sa akin,ano ba meron?
"Nakikinig ka ba sa amin Sam?" tanong ni Arthur sa akin habang kinakausap nalang ni Nicole yung Finley na iyon, feeling cute eh mas cute pa nga ako pero gwapo na nga ako, mayaman na nga, habulan pa.
"Bagong kaibigan natin iyan, Well napilitan tayo dahil kay Nicole" pabulong na sabi sa akin ni Oliver.
"Ano ba kayo baka astig namin ito? At least gamer rin siya kaya baka magaling iyan." pangiting sabi ni Sebby pero kunsabagay maganda kapag mas madami ang kasama, pampatulong na rin sa mga boss.
"Oi Finn" pagtawag ko sa kanya bakit parang namumula ang mata niya? Nagtinginan tuloy kami ng tropa ko, parang bakla, nakakairita.
"Wag ka ngang umiyak Finn, smile ka lang baka mapagsabihan ka pa naming bakla!" nang pagsabi ni Miko iyon bigla na lang kami nagtawanan, nakakatawa kasi yung pagsabi niya talagang diniin yung salitang bakla, Hahaha.
"Eh ano ngayon?" Sabi ni Nicole habang pumupunas ng mata si Finn........ANO RAW!?!?
"ANO!?!?!?" biglang sinabi naming anim, seryoso ba siya? Eh bakit hindi siya tulad ng mga iba dito na parang kung mag make-up feeling babae at kung manamit ay bawal pa nga sa school eh.
"Eh.....bakit ka ganyan?" sabi ni Miko kay Finn
"Kasi kahit bakla ako may choice ako kaya gusto ko ganito ako at alam ko iniisip niyo, iniisip niyo bakit hindi ako naka make-up or naka pangbabaeng damit" sabi ni Finn ng malumanay, nababasa niya ba yung mga iniisip namin!? Psychic ba ito?
"Group Huddle!" sigaw ni Sebby at nag group circle kaming anim at nag start na magbulungan.
"Pota naman ito! Madadamay reputation natin kapag may kasama tayong bakla" sabi ni Arthur at kunsabagay naman sikat kaming anim kahit nung highschool pa, both academics and sports at lalo na dahil ang mga relatives namin ay mga stockholders at mga professors ng school nato.
"Wala na tayong magagawa guys, kaibigan niya si Nicole at alam mo naman na kapag kay Nicole talo tayong anim" nang pagkasabi iyon ni Oliver na dismaya kami dahil totoo naman, wala kaming palag kapag kay Nicole kasi childhood friend namin iyan at Principal ang tatay niya dito sa school.
"Alam mong naririnig ko kayo diba?" sabi ni Nicole at nagulat tuloy kaming lahat pero teka lang nasaan si Finn?
"Saan si Finn?" tanong ni Sebby.
"Tingnan niyo iyon" tumuro si Nicole sa grupo ng mga babae at SH*T!!!! kasama niya ang crush ko!
"Thank you sa picture ah, Eto pala number ko, call me" TAMA BA ANG NARIRINIG KO!?!?
BINIGAY NI JESSICA ANG NUMBER NIYA KAY FINN?!?!
"Ikaw pa" Sabi ni Finn at P*TA!!! NAG WINK PA SIYA!!! At tama ba ang nakikita ko? Nag bu-blush si Jessica?
"Naunahan ka na yata ni Finn kay Jessica" sabi sa akin ni Arthur at tama nga naman siya, Ilang beses na ako nagpoporma para kay Jessica pero hindi niya ako pinapansin kahit ano pa ang gawin ko.
Lumalakad lang si Finn pabalik ng upuan at nang pagka-upo niya lahat kami nagtanong ng "Paano mo nakua number niya?" "Pwede pa tulong?" "Grabe ka brad, bakla ka ba talaga?" at kung ano ano pa ang tinatanong namin sa kanya habang siya naka poker face lang at nakatitig sa amin.
"Ano ba kayo!?!?" sigaw sa amin ni Nicole. "Mataas ang appeal ni Finn kaya ganon na lang, deal with it"
"Edi hindi mataas ang appeal ko?" sabi ni Arthur habang nag pu-puppy eyes.
"Hindi noh! Your the only one for me!" sabay akap niya kay Arthur, nakakainiggit naman. Kelan kaya magagawa sa akin iyan ni Jessica?
"Oo nga pala, pwede ba na sumabay na lang ako sa inyo palagi? Baka kasi makaabala ako sa inyo eh."
"HINDI PW- ARAY!!!" Nakakatawa kasi bigla na lang kinurot si Arthur ni Nicole pero mukhang wala kaming choice kundi palagi na naming makakasama itong baklang ito.
Teka, may naisip akong idea.
"Cge papayag ako pero..." lahat sila napatingin sa akin, kailangan ko muna sila paalisin para makausap ko si Finn.
"Pwede bang umalis kayo at bumili na kayo ng pagkain natin?" Sinamaan ko sila lahat ng tingin at sabay-sabay silang tumayo at nag start na silang lumakad palayo pero...
"Dito ka lang Finn" napalingon naman siya at halatang medyo natatakot at napalunok.
"Kakausapin kita" pagsabi ko at siyaka naman siya umupo sa harapan ko.
"B-bakit?" natatakot niyang sabi.
"Papayag ako pero... kailangan mo ako tulungan kay Jessica"
~FINN'S POV~
"Papayag ako pero... kailangan mo ako tulungan kay Jessica"
Seryoso ba siya? Ako tutulungan ko siya? Manigas sya!
Sinabihan ba naman akong umalis tapos ngayon tulungan ko ba naman ko siya, adik lang? Pero dapat kalmado lang ako, baka kung ano pa ang gawin sa akin kapag masama ang masabi ko.
"Alam mo naman na bakla ako eh, hindi kita matutulungan" sabi ko sa kanya.
"Cge naman oh, hindi ka namin tutuksuhin na bakla basta tulungan mo lang ako kay Jessica." Hehehe, ang cute kapag nagpo-pout pero...
"My answer is still no pero kung gusto mo" Inabot ko sa kanya ang celphone number ni Jessica "sa'yo na lang ito tutal hindi ko naman siya gusto."
"SH*T!!! Thank you talaga!!!" grabe pala kapag tuwang-tuwa ito at ngayon sobrang titig na siya sa papel na may number ni Jessica.
"Oo nga pala" tinago niya muna ang papel sa kanyang bulsa "Paano mo pala nakuwa number niya?"
Asus ang dali-dali, "Siya ang nagbigay sa akin, hindi ko hingi at hindi ko siya kilala, bigla ba naman kasi akong hilain at kausapin."
"Ahhh ganon ba? Well, no choice kundi magiging magkaibigan tayo pero wag kang maging 'bad influece' dahil kilala kami dito sa school kaya sumakay ka na lang sa amin."
Mabait naman pala si Sam, basta dapat tungkol kay Jessica ang usapan para kumalma.
Inabot niya ang kamay niya sa akin at saka sinabi "Ako pala si Sam Alexander Lee and I hope you will be our best friend" Uwaaaa ang cute niya! Ang cute may smile at may dimples pa pala.
"Hoy bakla, wag kang mag blush" Forget what I said, halimaw pala tong mokong na to pero bihira ako magkaroon ng kaibigan.
"Finn Sullivan Hatchet and I am happy to be one of your friend" siyaka kami nag handshake at ako na ang unang bumitaw, baka hindi ko mapigilan sarili ko at baka himasin ko pa, Hahaha.
Mukhang magiging masaya naman pala ang college life ko, sana hindi na mangyari dito ang highschool experiences ko, Lalo na kay Je-..."
"Huy, eto lang masarap sa canteen ngayon oh" Si Miko lang pala at binigyan niya ako ng plato ng kanin at burger steak at parehas kaming lahat ng pagkain.
Ang saya pala pag may kaibigan, ang kukulit at swerte pa si Nicole dahil may Arthur siya pero swerte naman din ako dahil... *nom* *nom* ANG SARAP NG BURGER STEAK!!!!!!
BINABASA MO ANG
Past or Future? [DISCONTINUED] [BxB]
Ficção AdolescenteFinn Jake Sullivan is not your typical gay guy, nagbago ang kanyang buhay ng nanalo ang magulang niya sa Lotto at dito na nagkagulo ang buhay niya. Katulong ng kanyang bagong BFF na si Nicole Emiy Sanchez at ang kanyang bagong tropa Hagan niya lahat...